Edukasyon o Kabataan ang Totoong Pag asa ng Bayan?

4 102
Avatar for Angel0124
4 years ago

"Kabataan ang pag asa ng bayan" - mga salitang sinabi ng bayani ng Pilipinas Dr. Jose Rizal. Isang kasabihan na pinanghawakan noon pero hindi na ba ngayon?

Noon kabataan masaya lamang naglalaro, pumapasok at nag aaral sa eskwelahan at tumutulong sa gawaing bahay. Mga mababait, masunurin at maaasahan. Mga kabataan noon ay maayos na nag susuot ng damit na naaayon sa panahon palda at short na mahahaba, pantalon na maayos at walang butas, damit na takip ang balat lalo dibdib mga kasuotang kagalang galang at malinis. Mga kabataan at sumusunod at marunong sumagot, mga po at opo salita sa mga nirerespeto. Bibihira ang nagmumura at halos wala pa nga. Mga kabataang dekada sitenta sila ang tunay na pag asa.

Pero panahon ang lumipas, lahat ay nagbago. Kabataan noon sila nay pamilyado. Gumawa ng sariling pamilya dun na pala mag uumpisa. Silang kabataan noon naging pabaya sa anak 4 sa 10 katao ang natitirang matino. Ang natirang porsyento nagpaya at napariwara di nila alam anak nila ang magdurusa. Kabataan ngayon suot at halos wala natuto lumandi maaga nagpamilya. Edukasyon binalewala ngayon silay nagdurusa. Huh? Nagdurusa nga ba? Wala ka ibang maririnig mura at panlalait respeto sa iba di na nababanggit.

Tingin mo parin ba KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN?

Atin namang pag isapan Edukasyon ang sagot sa kahirapan. Maaring ito ang solusyon at sagot pero sila pang nagbibigay ng malaking tanong: Anong nangyayari? bakit lalo tayong naghihirap. Una nating pag usapan ang mga nahalal sa gobyerno. Marami sa kanilay nakapag tapos madalas silay abugado. Nag uusap sa kabutihan ng pilipinas? Parang di ko maramdaman. Kung sino pa ang aasahang makatulong sa mahihirap sila pang naglulubog pa at nagpapahirap. Mga corrupt na opisyal dumadamit lumalaganap. Nakakaawang mamamayan mahihirap na pinag hihirapan ang trabaho lalong naghihirap; mga mayayamang nagpapakasarap masaganang buhay ang nalalasap.

Sunod ay ang mga raliyista, minsan istudyante minsan sa kalsada. Ipinaglalaban ang gusto nila kahit walang kwenta. Nag aaral sila ng ganun pag natapos ay sila ang tatama ng mali ng iba. Pero bakit sila pang dumadagdag sa sakit ng lipunan magulong tao magulong pamamahayag. Pano nga ba ito masusyulusyunan kung lahat ay parang walang katuturan. Nakakalungkot isipin pilipinoy napag iiwanan......

Salamat.

8
$ 0.00
Avatar for Angel0124
4 years ago

Comments

Nakakalungkot man isipin pero nakakalimutan na ang katagang yan ng mga kabataan.. Mas dumadami pa yata ang nabubuntis sa murang edad..

$ 0.00
4 years ago

Opo. Sobrang dami na nga. Madalas iniiwan pa masyado padalosdalos. Mga tawag nga nila eh karupukan. Mahirap na umasa na magiging maganda ulit ang pilipinas at titino ang pilipino 😔

$ 0.00
4 years ago

Naniniwala pa rin akong kabataan ang pag- asa ng bayan dahil walang ibang mamamalakad sa ating banda pagdating ng araw kundi tayong mga kabataan. Bagamat totoo na edukasyon ang susi para sa pag- unlad natin, nasa atin pa rin kung gagamitin natin ang ating natutunan sa tama. Ngunit hindi ibig sabihin na nag- rally ang mga kabataan ay hindi na sila pag- asa ng bayan. Hindi porket nag- rally sila ay hindi na nila ginagamit ang kanilang pinag- aralan. Kaya sila nag- ra rally ay dahil gusto nila ng pagbabago. Kaya sila nag- ra rally ay dahil nagising na sila sa mga sakit ng lipunan. Sana ay huwag nating husgahan ang mga kabataan na nag-ra rally sapagkat karapatan nila ito. Nakasaad sa ating Saligang Batas (Art. 3, Sek. 4) na dapat ay mabigyan sila ng pagkakataon para magpahayag ng kanilang damdamin. Lagi nating tatandaan na kung walang kikilos, walang pagbabago. Kung walang magsasalita, mananatili tayong lampa na kailanman ay hindi makatatayo para labanan ang karahan at rehimeng pasista. Samakatuwid, kabataan pa rin ang pag- asa ng bayan.

$ 0.00
4 years ago

Tama ka. Pero para saakin halip na sa nagrarally sila gumagawa sila ng mga plano tsaka nila ipahayag ng mas maayos mga saloobin o yung mga plano nila dahil sa pag rarally nila di naman sila pinapakunggan ng gobyerno so wala ding kwenta ang pagod at isinisigaw nila daw walang pake ang gobyerno sila. Ang tamang gawin is tamang pakikipag usap pamamahayag ng saloobin dahil madadaan sa maayos na usapan kung maayos ang pamamaraan. Oo maniwala parin tayong kabataan pag asa ng bayan pero sa nangyayari ngayon lamang ang napapariwara kesa sa nagpupursige para mapabuti sila. Kakaunti nalang ang mga kabataang nagsusumikap ang iba pa naiimpluwensyahan. Maganda ibalik yung mga dating way ng pagtuturo mga subjects na nawala (Like GMRC). maganda habang maaga mapangaralan Ulit ang mga kabataan ng maayos at malinaw

$ 0.00
4 years ago