Umuusad naman pala

2 21
Avatar for Akane
Written by
2 years ago
Topics: Buhay, Hakbang, Faith, 2022, Lesson

Noong isang araw, nagpabili ako ng isang bucket ng chicken joy; anim na piraso. 'Tapos naalala ko yung mga panahon na walang wala kami; naghahati lang kami minsan sa isang pirasong manok na bigay lang. Minsan lang. Kadalasan, kung ano nalang ang pwede maiutang sa tindahan na delata.

Hindi ko sinasabing okay na okay na ang buhay namin ngayon. Financially struggling pa rin. May mga hamon pa rin. May mga inaangat pa rin. Pero kung ikukumpara mo siya sa buhay namin dati, malaki-laki na pala ang pinagbago. Umuusad naman pala.

Minsan, sa kakatingin natin sa tagumpay ng iba, hindi na natin nabibigyang halaga 'yung mga maliliit na tagumpay na mayroon tayo. Hindi naman ito tungkol sa laki o liit ng mga nararating. Huwag tayong malungkot sa mga di pa natin naaabot kasi may oras pa naman. Habang nabubuhay, may pagkakataon pa tayo.

Malayo pa ang hahakbangin natin. Pero subukan nating tumingin pabalik, marami na rin tayong naabot. Mabagal, oo. Pero umuusad naman pala.

4
$ 0.51
$ 0.51 from @TheRandomRewarder
Avatar for Akane
Written by
2 years ago
Topics: Buhay, Hakbang, Faith, 2022, Lesson

Comments

Tama ka friend hanggat nabubuhay tayo sa mundong ito nararamdaman natin ang lag usad ng ating kabuhayan

$ 0.00
2 years ago

Kaya dapat celebrate our little victories kasi dun pa lang mabibiyayaan na tayo NG Big victories kasi mag adjust tayo NG kusa.

$ 0.00
2 years ago