Magandang hapon po sa lahat. Pasensya na po 2 araw akong wala . Nasira po ang charger ko at hindi naman fit sa cp ko ang charger ng kapatid ko dahil type C sya. Pati yung charger ni Lola hindi din fit sa Cp ko. Naghintay pa ako nang padala ni Mama kaya nakapagcharge na din sa waks. Ganyan po pala ulam namin kanina hindi ko nalang napicturan dahil nahiya ako kina tito. Si mama po nagpaluto nang nilagang baka kay tito dahil minsan lang naman sya makapagpadala nang malaki dahil…
@Aj13 in October 2022
Magandang gabi po sa lahat. Andito po pala ako sa bahay nina Tito. Ang sarap pa sana magtambay dito kasi yung place i mean itong store nya lakas makarelax . Gusto ko pa mag stay pero pinapauwi na ako ni Tito at wala daw kasama sina Lola sa bahay . Naalala ko dati yung tindahan nya na nasunog hindi naman yun ganito kalaki at kaganda . Lumong lumo si Tito nung nasunog yun pero lahat talaga nang nawawala laging may kapalit na mas maganda at mas higit sa una . Kaya ito ang ganda…
Happy birthday kuya Mark Linggit . Magtino kana sana at baguhin mo na yung ugali mong palainom.Hindi yan makakabuti sayo. Mhirap magkasakit. Sana nga yang mga alak na kasama sa handa mo ay hindi mo tikman gaya ng sabi mo kay ate zebzeb na kapatid mo. Mga boss andito kami ngayon dito sa bahay ng isa sa kamag anak namin na si kuya Linggit. Kaarawan po nya kaya imbitado po kaming lahat.Amg dami nung mga alak kinikilabutan ako sa dami. Kakain lang naman kami dito tapos papaalam…
Guyabano Isa ito sa prutas na paborito talaga ni Lola. Bumili pala si Tito kanina at pag uwi ko mamaya after magpintura ay iuwi ko daw ito kay Lola. Naku siguradong masaya yun si Lola dahil matagal na yun gusto kumain neto pero laging walang maabutan sa palengke. Ngayon ngiting tagumpay neto si lola namin. Maganda din kasi itong guyabano sa katawan anti cancer na prutas ito. Mayaman din sa ibang vitamins.
Nakita ko to sa wallet ko sa Bitcoin wallet. Kakatuwa kahit papaano ay nagkakalaman . Kahit na maliit ,o matumal ay ayos lang ang mahalaga hindi sumusuko at nagpapatuloy. Sabi nga nila e ang sumusuko ay hindi nagwawagi at yung nagwawagi daw ay yung hindi sumusuko. Kaya walang dahilan para sukuan ko ang nasimulan ko dito. Oo nga at matumal dahil hindi naman talaga ako malakas kahit sa isang platform pa neto. Pero ayos lang dahil may mga tao pa naman na mabubuti at handang…
Pagkauwi galing school nautusan ako magluto nang ulam para sa hapunan. Request ni Lola kau Tito adobong pusit daw. Marunong naman ako magluto neto dahil tinuruan ako ni tito . Ayan na po ready na po ang ulam para sa hapunan . Adobong pusit na maliliit hehe,nilagyan ko yan sili green pampabango. Tayo na po at kumain. Sabayan na po ninyo kami nina Lola. Dito din kakain si Tito naglalakad na papunta dito. Mamaya after Lunch pupunta kami sa peryahan kasamaang kapatod kong si Zei…
Happy Teacher's Day Ngayon palang mag celebrate nang teacher's day ang mga guro sa Senior High. At nag ambagan kaming magkakaklase pra sa gift na ibibigay namin kay Maam. Deserve naman nang mga guro ang mga matatanggap nila mula sa kani kanilangmga estudyante. Ang guro aksi po ang katuwang nang ating mga magulang upang hubugin tayo maging kapaki pakinabang at Mabuting mag aaral. At balang araw ay maging mabuting Tao na asensado sa mga pangarap.
Good morning ,happy weekend po sa ating lahat. Wala kaming pasok pero may mga gawain naman na naghihintay . Pero bago yun kain muna po tayo. Almusal palang ito namin at late na ako nagising. Dun lang ako sa saging dahil yung kamote para kay Lola daw. Paborito kasi ni Lola mga ganitong pagkain. Kahit hindi na sya mag rice ok na sa kanya bsta may kamote at saging na nilaga. Pero ako mamaya magluluto ako nang afobong manok . Kain tayo mga boss .
Tagaytay 🏞️ Maaga palang kanina umalis na kami namg mga kaibigan ko para pumadyak . Dito kami dinala nang aming mga bisekleta . Mabuti at walang nasiraan sa amin . Sulit yung pagod sa pagpadyak kung ganito kaaliwalas ang iyong makikita . Napakalinis nang hangin. Madami na din ang mga gustong bumisita sa loob pero hindi pa yata pwede dahil nakasarado pa. Kaya naman hanggang dito lang kami sa labas para magtingin tingin at magpahangin. Ang sarap pa sana magtigil pero baka…
San Marino Corned Tuna Wala nang time magluto namg ulam kaya yung stock sa cabinet nalang pinaulam sa amin ni Lola. Ayan po ying ulam namin ngayon para sa tanghalian. May klase pala ako mamaya 1:40pm. After ko neto maliligo na ako . Kain po tayo mga boss ,ate ,kuya at mga nanay. Bawal palips gutom lalo na sa mga papasok sa paaralan at sa trabaho. Hirap mag focus sa tinuturo nang guro pag nakakaramdam nang gutom.
Good news Mga boss andito na ako sa School pero pa si teacher. May inatendan na faculty meeting kaya naman wala kaming klase. At isa pang Goodnews at mainit na balita. Ito na naisabatas na ang SimCard Registration Act. Super Goodnews ito dahil wala nang takas ang mga kawatan at mga Scammer . Dahol isa si Mama sa Na scam wayback 2018. Super favor ito sa mga naghahanapbuhay nang matino through online at kahit hindi online. Kayo mga boss pabor ba kayo sa Batas na ito na SimCard…
Future Seaman Hindi pa sa ngayon pero balang araw magiging isang ganap na Seaman ako . Blang araw ibibigay ito sa akin nang Diyos . Pagsisikapan kong marating ang pangarap na gusto ko ,upang balang araw makatulong ako hindi lamang sa Mama ko kundi sa mga taong yumutulong at katuwang ni Mama para itaguyod kami. Balang araw maipagmamalaki din ako ní Mama at papatunayan ko sa kanya na hindi hadlang na wala kaming Ama para hindi kami makatapos. Balang araw makikita din ni Mama…
" Through hardwork , Perseverance and Having Faith in God we can live in our dreams. Remember nothing is imposible to God because God is everything . He is an Alpha and the Omega . In just beat of His hand every imposible will turn posible . But always remember that not all of prayers will be answer by Him. Only the best Plan will happen. Trust God Trust the Process
Throwback picture Buhay ko noon buhay mandaragat . Kay sobrang itim ko po dyan sa picture . Palagi akong natakas kay lola noon at nasama ako sa kapitbahay naman sa pangisda . Para na din makalibre nang ligo sa dagat. Pag uwi sa amin may isda na akong dala para pang ulam pero may palo pa din ako kay Lola. Syempre tumatakas ako kaya ako napapalo. Paano ay hindi naman ako paoayagan pag magpaalam. Kaya ngayon po ay talagang hilig ko lumangoy ng lumangoy. Mahilig ako sa dagat…
Muling Nabuhay ang Ganda ng aming lungsod ng Cavite City. Simula nung bago pa magpandemic parang ghost town na ang Cavite City sobrang lungkot. Ang Park walang kaayusan.Maging ang kalsada daming sira pero hindi pinapansin. Ngayon lahat napalitan na .Unti unti nang bumabalik ang dating sigla. Mabuti nalang nanlo si Mayor Denver Chua. Kaya nabubuhay na at bumabalik na ang dating ganda at sigla nang aming lungsod. Masaya na ulit mamasyal sa park. Gumagana na ulit ang Fountain.…
Cavite City Food Park is now Open. Ang pinakahihintay mang lahat nang Caviteño especially nang mga lohitimong taga Cavite City. Ito na po nag open na ang Cavite City Food Park located at the back of Cavite City hall. Ang daming tao at ang saya dahil talaga namang nabuhay na muli ang dating sigla sa Cavite City after ilang taon, inabot na yata ng dekada na walang unlad ang Cavite City dahil sa dating Mayor na bulok. Ngayon po napalitan na ang Mayor namin. Yan po bago naming…
Certificate of Academic Excellence Yeyy Congrats Self. Worth it lahat nang pagsisikap. Simula palang ito . Obtaining average grade of 94 for the first Semester. Hindi ko talaga iniexpect na ganito kataas ang makukuha kung average for the first Semester. Kaya pala sabi mg Adviser ko pasok daw ako ng maaga . Surprise pala . Masaya sa pakiramdam dahil yung puyat kaka research, puyat kaka gawa nang mga aralin at gastos sa mga project ay super worth it. Abutin natin self hanggang…
Good morning po Flex ko lmg po si Tito Ron ang super bait namin na Tito . Katuwang ni Mama sa pagpapalaki at pagpapa aral sa amin . Financial aspect laging anjan si Tito pag need ni Mama nang mahihiraman. Maaga pa kami ng walk na sa park kasama ang aso nilang may deperensya sa pandinig. Si milky po yung aso ,kahit anong tawag mo dyan hindi nya maririnig kasi bata palang may problema na yang aso no Tito. Bigay lang yan sa kanya nang kapitbahay nila. Nagusguhan ni Tito kasi…
Mainit na tanghali mga boss . Grabe kayo natutuwa po ako dahil kahit busy ako sa School at bihira lamang po makapag post o update dito ay hindi nyo pa din ako nakalimutan bahagian nang nyong mga biyaya. Maliit na halaga pero para sa akin malaking tulong yan ,nagta try kasi po talaga ako makaipon dahil magpapasko may ilang bagay din akong gustong mabili na sana hindi ko na hihingiin pa kay Mama. Malayo pa naman ang December makakaipon pa ako dahil sa inyo. Napakabait nyo po…
Good morning mga boss Karaniwang nagluluto ako ngayon nang Lumpiang Shanghai for our ulam ,as my Tito instructed me also. Habang nakasalang pa si Lumpia nagcheck muna ako nang BCH . At yan po Naka Sara Duterte po sya ngayon. Green na green since last night pala naka Vice President Sara D.sya Sarap sana kung may HODL hehe . Keep pumping My Love BCH . Have a blessed Sunday po mga boss.
Lumpiang Shanghai For da cook nang Lumpia ang Ferson.haha Kainit nang panahon tapos taga kusina pa ako . Pero ok na tapos na maluto ang ulam. Yara na po at kumain. Nagpadala si Mama kahapon budget pamg ulam namin daw ngayon 500 . Wow pang ulam lang 500 at magluto daw kamo nang gusto namin. Ay di naglumpia si Tito . Ako lang ang nagluto . Lapang na mga boss habang mainit pa si Lumpia at habang meron pa . Mamaya to parang binagyo na .
Goodnight mga boss . Flex ko lang itong sideview picture ko . Parang Gusto ko ng ....? Kanta po yan kayo na bahala magdugtong .hehe Maaga pa gigising mamaya at may pasok na naman . Kaya po mauuna na po akong matulog . Pahinga na din kayoga boss lalo napo yung mga may trabaho .
Good morning mga boss . Bumili lang ako pansit para sa almusal .Ipalaman nalang sa pandesal . Kasya na ito sa aming tatlo. Si lola po kasi iba ang almusal nun. maglalaga daw sya nang saging at kamote . Maaga pasok ni bunso kanina pa yun umalis . Kanina ko pa din ito binili. Pinicturan ko lng tapos pinakain na si bunso
Our Ulam yesterday and kanina bago ako pumasok. Flex kolang mga boss yung ulam namin kanina bago ako pumasok. Escabeche dawang tawag sa luto nayan yung nasa unang picture po. Si Tito ang nagluto dahil maaga sya dito kanina sa bahay . Tapos sa second photo naman ay ulam namin kahapon. Hindi ko maiflex kahapon at naubusan nang load po kaya wala akong update kahit gabi na . Nakasingitlangako ngayon nang oras dahil wala si Maam. Kamusta po pala kayo dito mga boss? Pasensya na po…
Pa.midnight Snack ni Tito . Tamang Pizza lang ako at kay Tito po yung kape dyan . Gusto ko din sana nang kape ,yung matapang at kaya ako ipaglaban 😁😁 haha . Sino kaya magtitimpla sa akin nang kapeng matapang.? Tutulog na po ako after namin mag snack . Goodnight po sa mga gumagawa na nang Mapa dyan 😂😁
Yung Tumaas na ang balue ni BCH pero yung laman nang wallet mo kapiranggot lang . Sige lang push push lang ganyan talaga pag busy sa aralin madalang maka update. Kamusta po kayo mga boss . Check nyo si BCH sa mga may HOLD po dyan it's time para mag convert na kayo . Baka bukas o mamaya lang biglang mag Dip naku ay sayang. Tapos bilo nalang po ulit kapag nag dip then Sell kapag nag taas ulit value . Nanood po ako sa youtube paano magtrade kaya lang wala pang akong pang trade…
Review Time muna bago matulog. Parehas naming exam ni bunso bukas . Goodluck sa aming dalawa .Si Zei sa Friday pa daw sila . Yan o pagkasipag mag review .Natutuwa po mga boss sa bunso namin yung teacher nila . Syempre ba naman napaka active daw sa Room nila . Kapag may tinatanong o may pinapasagot ang teacher nila lagi syang nataas nang kamay para sumagot. Minsan nga daw nagsasawa na yung teacher nya sya nalang palagi ang nasagot at nataas nang kamay. Hindi po sa pagyayabang…
ATM inside the Room God bless and Goodluck self . Patunayan mong kaya monh imaintain ang average grade na 94. At isa pa nasimulan mo na kaya ituloy tuloy mo na hanggang sa tagumpay ay makamit mo na . Sabi ni Mama pala sa akin ,kapag nagtapos daw ako na matataas ang grades o nasa topl list ako ,mga Company na daw ang hahabol sa akin para bigyan ako nang trabaho. Totoo naman yun dahil nagse search ako at nanunuod nang mga college graduation o minsan sa vlog hindi ka pala…
Good evening mga boss . Ngayon nalang ulit nagkaroon nang oras makapag update dito.May ise share lang po ako. Kamusta po kayo? Kami ayon nakaraos na po sa unang exam 3 subjects din kanina. Ginabi na ako nang uwi kanina dahil nag cleaners pa . Pagod ang katawan ko pag uwi ,ba naman yung sinakyan namin na jeep nasiraan ,malayo layo pa sa bahay kase mismong palengke nasiraan. Tapos sabi nung driver unang labas pa naman daw nya yun tapos ganun pa nangyare. Isinusuli nya yung…
Happy Halloween Naawa ako sa bunso namin talaga namang hindi na namin sya maasikaso dahil may mga pasok din kami. Nakita ko kanina nag aayos sya mag isa . Yung Costume nya hiniram nya lang sa Kaibigan nya . Pinahiram daw talaga sya nang kusa kasi daw may bagong Costume yung si Gab na kaibigan nya dito. Mabuti nalang talaga palakaibigan yang bunso namin. Kaninang umaga nakita ko aga nya nagising ,naligo tapos kumain. Pagkatapos nagbihis at nag ayos nang sarili. Sya na yung…
Goodnight po mga boss sabi nang bunso namin . Ayan wala naman pasok bukas pero ang aga pa din nakatulog. Napagod daw sya sa kakalaro kanina sa room nila . Mga naka costume sila pang Halloween e. Amg lamig dito sa amin kanina pa naulan. Signal no.1 po dito sa amin sa cavite. Kaya kanina suspemde6 ang klase namin. Plus long weekend pa . Balik namin sa Nov.2 na . Nov.2 na yung exam namin gagawin dahil nga sinuspende yung klase kanina. Kamusta naman po mga boss sa inyong lugar?
Please help us pray. Kamusta po kayo mga boss? No.3 po dto sa amin sa cavite. Ang noveleta po ay lubog na ,sa pangalawang photo yan sa gc po yan May mga sasakyan na po na inanod at may mga tao sa loob hindi sila makalabas . Our situation right now .Kanina pa po ako wlang pahinga kakabantay baka may mangyare. Sobrang lakas po nang ulan at hangin. mga bubong nang aming kapitbahay nagliparan na . Ako po yan kanina nag ayos ako sa may bubong may tinali ako dahil yung isang yero…
Good morning mga boss ,mga ate at kuya . Kamusta po kayo?kami dito ay ayos lang . Napuyat lang talaga dahil nagbabantay ako baka liparin yung bubungan namin. Pero awa ng Lord ok naman nabaklas lang yung ilang pako at naayos ko na din kanina. Almusal na po tayo pala. Nagluto si Tito hindi ko alam anong tawag dito basta tinapay ito may hotdog sa loob at may cheese. Tasty bread po ito na pinaikot ikot ni Tito. Mag effort talaga sya magluto dahil nahpatulong sya sa amin dto sa…
Update lang po mga boss dito sa amin sa Cavite City. Buong Cavite City po ay walang kuryente . Lahat kami mga lowbat at heto ako naglalakad lakad kanina para maghanap na pede kamo makapagcharge. May nakita naman ako 20 pesos isang oras.Ang tindi nila maningil kase power generator daw gamit at sarili nilang charger ang ggamitin para makapagcharge ka .Ba naman sa 20 pesos namin iba ibang percentage ng battery ang cp namin kahit sabay sabay kami nagcharge.Ako ,si Zei at si Tito…