Nakita ko to sa wallet ko sa Bitcoin wallet. Kakatuwa kahit papaano ay nagkakalaman . Kahit na maliit ,o matumal ay ayos lang ang mahalaga hindi sumusuko at nagpapatuloy. Sabi nga nila e ang sumusuko ay hindi nagwawagi at yung nagwawagi daw ay yung hindi sumusuko. Kaya walang dahilan para sukuan ko ang nasimulan ko dito. Oo nga at matumal dahil hindi naman talaga ako malakas kahit sa isang platform pa neto. Pero ayos lang dahil may mga tao pa naman na mabubuti at handang magshare nang kanilang mga biyaya. Kaya po ngayong gabi bago ako matulog ay gusto ko lang po kayo pasalamatan, lalo na po sa mga nagbibigay sa akin dito. Maring salamat po sa inyong nagbibigay sa akin. Hindi ko kayo kilala at ganun din ako pero anjan kayo para magbahagi nang mga biyaya ninyo sa ibang tao. Maraming maraming salamat po at si God na po bahala sa inyo magbalim nang lahat nang kabutihan ninyo sa inyong kapwa. Goodnight na po mga boss.
No comments yet