Pabayaan mo sila.

8 37
Avatar for Aiah_05
3 years ago

Kumusta ang career after two years? Yung iba may trabaho na. Yung iba nag asawa na. Yung iba naman, nakapasok na sa Deped. Samantalang yung iba, masaya na na nasa bahay lang.

Palagi ko naririnig sa mga kapitbahay kapag nakikita nila ako.

Nasa Deped ka na?

May trabaho ka na?

Ay! Bakit wala ka pang trabaho?

Sayang tinapos mo pero wala ka pang trabaho.

Nako! Wag ka mag call center, gagaya ka kay bobay na palaging puyat wala naman naipon.

Buti okay lang sa magulang mo?

Nako! Magtrabaho ka na, kawawa magulang mo, di mo pa masuklian sa sakripisyo nila sayo.

Baka naman pagkanakapag-trabaho ka na mag-iba ugali mo.

Yung anak ni ano, nakapasok na sa Deped.

Si Betyang nasa Private, bakit ikaw wala ka pa trabaho?

Ito lang naman lang naman ang mga nakakarininding mga tanong ng kapitbahay namin na mga relatives lang din namin. Parang atat na atat silang makapagtrabaho na ko. Kung tutuusin, dapat naiintindihan nila na mahirap magtrabaho ngayon lalo na at subrang higpit dahil sa lockdown kesyo may Covid. Gustuhin ko man na magtrabaho na, pero wala akong magawa kasi ayaw ng Papa ko na sumuong akonsa sitwasyong wala pang kasiguraduhan. Gusto ko magpunta ng lungsod at magtrabaho gaya ng Cebu or Manila para magtrabaho pero pinipigilan ako ng Papa ko sa takot dahil sa Covid. Pinaintindi ko na sa Papa ko na gusto ko magtrabaho para kahit papano makatulong ako at makaipon ng pera. Pero ang sabi ng papa ko "Ang pera anjan lang yan at madaling makita, pero ang anak pag nawala, kailanman di na makikita, mas gustuhin ko pa na andito tayo sa bahay at sama sama kesa mabaliw ako kakaisip kung napano ka na sa syudad na wala kang kilala. Delikado ang panahon ngayon, kaya mas mabuting dumito ka muna." Yan ang palagi nyang sinasagot kapag nag-uusap na kami tungkol sa trabaho. Matatakutin kasi ang Papa ko pag sakit na ang pag-uusapan. Si mama ko naman naiiyak pagkanag-uusap na kami ng ganun. Di na ko baby para ganun amging reaksyon nila, pero wala akong magagawa. Ganun siguro talaga ang magulang.

Kaya ngayon andito lang ako sa bahay. Walang ibang ginawa mga kapitbahay namin kundi ekompara ako sa mga taong may trabaho na. Hindi nila alam na yung kinukumpara nila sakin ay mas nauna pa kesa sakin na makatapos at matagal din nakapasok sa Deped. Masyadong mababa ang tingin nila sa call center agent pero pagka umuuwi naman yung taong yun, makadikit sila parang linta. Di ko talaga maintindihan ang ibang tao. Bakit subra silang manglait at makialam sa iba samantalang sila wala din namang ginagawa sa araw araw kung hindi mag chismisan. Hindi naman ako nanghihingi sa kanila pero kung makialam akala mo sila ang nagpaaral sakin at nagpatapos.

Apektado ako, oo, kasi kahit ako subrang frustrated na magkatrabaho. Pero yun nga, di ko na lang sila pinapansin. Kasi di naman nila alam na kahit papano kahit nasa bahay lang ako kumikita ako. Di ko lang sinasabi sa kanila kasi di naman nila ko paniniwalaan eh. Kaya be it na lang.

Masakit talaga mahusgahan ng tao. Pero ganun talaga eh, marami perfectionist sa paligid at wala na ako magagawa dun kasi nature na nila yun. Lahat na lang nakikita nila at di sila mag-aatubiling magsalita kahit nakakasakit na sila ng tao. Kaya sabi ng mga magulang ko pabayaan na lang sila kasi di naman sila nakakatulong. At alam nila balang araw makakapasok din ako sa DEPED. Sa ngayon, hintayin ko lang muna ang tamang panahon para sakin.

Buti na lang talaga at andiyan mga magulang ko at handang intindihin ang sitwasyon. Mahirap talaga ngayon humanap ng trabaho, yung mga private school naman hindi na kumuha ng mga bagong guro dito banda sa amin. At isa pa ayoko din mag work sa private schools kasi mababa ang sweldo, sakto lang pang boarding house at pagkain, paano naman ang mga magulang ko? Wala ako maibigay kung ganun.

Buti na lang talaga at nakilala ko tong read.cash at noise.cash kasi kahit papano may kita at nakakapagbigay sa magulang ko. Mas malaki din ang kita ko araw araw dito kesa sa sahod ng mga nasa private. Di sa pagmamayabang pero totoo na malaki ang tulong ng read.cash sakin. Kasi kahit nasa bahay lang at di kailangan tumutok masyado, may kita ka dito basta makipag interact lang sa iba at gumawa ng article. Kailangan magsipag talaga. Pero kung papansinin, mas nakakapagod magtrabaho sa private school lalo na at tambak ngayon ang paperworks dahil sa module. Kaya, blessings talaga sakin ang read.cash.

Closing thoughts

Hindi mo kailangan mamuhay dahil sa mga sinasabi ng iba. Kung wala ka naman naaapakang tao, continue mo lang ginagawa mo. Lahat ng tao may tamang oras para sa sarili gaya ng trabaho, relasyon at iba pa. Di mo kailangan magmadali kasi lahat nakaplano na kay Lord. Kailangan lang talaga magtiwala. Wag agad papaapekto sa ibang tao.

Gaya ng sabi ni Papa ko, wala naman daw silang naitulong sakin kaya bakit daw ako makikinig sa kanila. Ang importante may ginagawa daw ako para maging maayos ang hinaharap. Swerte lang siguro talaga ako kasi sila mama at papa ko, naiintindihan nila ako at di ni-pressure na magtrabaho agad. May mga kasabayan kasi ako na nag graduate pero agad nagtrabaho dahil sa pressured sila sa parents nila.

Kaya pabayaan mo yung mga taong walang naitulong sayo kundi puro panghuhusga. Kasi balang araw matatauhan din yang mga yan at lalapit sayo pag may kailangan. Kapit lang.

4
$ 7.51
$ 7.41 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Bloghound
$ 0.03 from @dziefem
+ 1
Sponsors of Aiah_05
empty
empty
empty
Avatar for Aiah_05
3 years ago

Comments

Marami po talagang ganiyang tao. Minsan, mas mabuti pang umiwas na lang at huwag ng sumwsaw.

$ 0.00
3 years ago

My life story :(

$ 0.00
3 years ago

Pareho po pala tayo sis. 🤧

$ 0.00
3 years ago

Yes, sis. I have always been compared to my cousins, friends etc and it's getting overrated!

$ 0.00
3 years ago

Kasi mataas expectations nila pero mismo sila di nila tinitingnan sarili nila 🤧

$ 0.00
3 years ago

kaya nga, sis. it's kind of sad people do that!

$ 0.00
3 years ago

That's right. Pabayaan nalang natin yung mga taong panghuhusga lang ang alam! Mga wala naman ambag sa buhay natin, hindi buhay nila asikasuhin nila. Tsssk.. Anyways, your papa is sweet! Kahit ako man yan, pipiliin ko na magstay ka nalang muna sa bahay kasi delikado pa talaga. Mas mahalaga ang kaligtasan mo, ma'am. :)

$ 0.00
3 years ago

Salamat mare. Oo sweet talaga tatay ko. Pati mama ko din. Hihi pero grabe din yun pag nagalit kaya iniiwasan ko magalit sila. 😅

$ 0.00
3 years ago