Loving yourself.

5 47
Avatar for Aiah_05
3 years ago

Naranasan nyo na ba pagtawanan dahil payat ka? Yung tinatawag kang kalansay o parang tuod? Paano mo matatanggap ang mga panglalait ng ibang tao sayo?

Mula pagkabata, naranasan ko na paano e bully ng mga kalaro. Dahil sa payat ako at maliit. Hindi kasi ako katangkaran talaga, nasa 5'1 ft. lang height ko at payat pa. Hindi ko naranasan maglaro sa labas na nakabilad sa init dahil mabilis ako mawalan ng malay sa subrang init at pagod. Ayaw din ako kalaro ng mga kababata ko kasi masyado daw akong mabagal. Kaya simula bata pa lang, hindi ko talaga na enjoy yung maglaro sa labas at maligo sa ulan. Kalaro ko sa bahay mga kapatid ko pero syempre gusto ko makipaglaro sa ibang bata pero ayaw nila.

Kahit nung nasa elementary panlang ako, hindi masyado lumalapit mga kaklase ko sakin. Palagi ako napagtatawanan pagka kasali ako sa feeding hahaha kaloka. Ayaw nila sa akin at kumalayo sila at tinatawag akong payatot. At wala ba daw kami makain sa bahay. Kaya ayaw nila sakin. Dahil din siguro mahirap lang kami. Sila kompleto sa gamit lalo na pagbagong pasukan. Bagong bag, school supplies at uniform samantalang ako , masaya na sa limang notebooks at isang lapis. Minsan pag binibigay na ni ma'am yung list ng school supplies na kailangan bilhin, hindi ko binibigay kay Mama. Kaya na bubully ako sa school kasi wala akong gamit ng kagaya sa kanila. Pero nung nag Grade 6 na kami, bigla sila nagbago, baka naisip nila na mali sila. Ako, masaya naman ako sa status namin na mahirap lang kami kasi mahal naman kami ng mga magulang namin. At kahit mahirap lang kami, hindi naging hadlang yun para tumigil ako sa pag-aaral kahit piso lang ang baon, minsan naman wala. Minahal ko kung anong meron kami kahit sa murang edad. Minsan nalulungkot tapos tinatanong sa taas kung bakit kami mahirap pero at the end, napapangiti na lang din ako kasi sinasabi ng puso at utak ko na lahat may dahilan at ang pagiging mahirap namin balang araw matatapos din. Wait lang ba't napunta ako dito hahaha. Ahh basta minahal ko kung ano meron kami at naging masaya naman kami.

https://unsplash.com/photos/vUqA409_JYE

Nung nag high school naman ako, ganun pa din, payat ako. Pero thankful lang kasi di na masyado bully yung mga students sa school. Baka kasi matured na ng kunti. Pero may isa kaming kaklase na hilig mambuska ng mga maliliit na kahaya ko. Gaya ni Julie, palagi nya inaasar dahil nga maliit tapos ako naman. Pero kalaunan naging mabait naman siya pero yun nga plagi nya kami sinasabihan na kumain ng marami dahil payat talaga kami. Pero kahit anong gawing kain namin di talaga kami tumataba. Kaya palagi kami nasa unahan pagka flag ceremony na.

Nakakawala ng confidence yung pagiging payat talaga. Kahit mga pinsan ko sinasabi na payat ko subra. Sila, nakakapagsuot ng magandang damit kasi bumabagay sa kanila samantalang ako hindi. Feeling ko ampangit pangit ko. Hindi naman ako ma tagyawat at okay lang naman ang kulay ko. Sadyang payat lang talaga ako kaya palagi napagsasabihan ng hindi maganda.

Nung nasa bahay ako ng tita ko na kapatid ni papa, binilhan niya ko ng vitamins. Sabi niya di naman daw ako pangit para maging mahiyain. Dapat daw proud ako sa sarili ko at mahalin ko kung ano meron ako. Palagi niya ko binibilhan ng damit nun, yung mga uso. Binilhan niya ko ng short pero di ko sinusuot kasi ang liliit ng hita ko, para talagang tuod. Pero sabi ni Tita, simulan ko daw mahalin kung ano meron sa akin. Siya dahilan bakit natanggap ko kung ano meron ako. Yung pagiging payat ko at ano pa man.

Simula nung natanggap ko ang sarili ko, minahal ko na kung anong meron sakin. Kaya ayun, mula nun naging masaya na ko. Hindi ko na pinapakinggan yung mga sinasabi ng iba sakin. Yung mga narinig ko dati, tinatawanan ko na lang.

Ilang taon din lumipas nung naging okay na katawan ko, hindi na ko masyadong payat at may kunting laman na. Akalain mo yungmga kaklase ko na nag bully sakin, nagpapahangin na. Lol sila. Kaya tinatawanan ko sila ehh. Hayy nako. Nahing conscious na rin kasi ko sa sarili ko mula nung nag college kaya kailangan tingnan ang sarili kung kaaya-aya ba. Dati kasi di ko kilala ang polbos at liptint. Nung nag college lang, polbos at liptint at the age of 21 nung nasa 3rd yr college na. Late bloomer nga daw kasi.

Kaya kayo kung may insecurities kayo sa katawan gaya ko dati na naiinggit sa ibang babae na magaganda, dahan dahan nyong mahalin kung ano meron kayo at magiging masaya kayo sa totoo lang. Be confident of who you are. After all, beauty depends on the eye of the beholder nga daw. Hihihi

Pasensya na kayo, masabaw utak ko ngayon kaya ito sinulat ko. Naalala ko lang naman kasi yung pagiging payat ko dati. Kasi naman, yung kapatid ko now, subrang payat na rin. May nakakain pa naman kami sa bahay. Tapos conscious na siya sa sarili niya. Kaya ayun, nasulat ko tuloy experience ko dati.

Thank you nga pala kay sis @dziefem and sis @Ruffa sa upvote sa previous article ko. Hihi

6
$ 8.96
$ 6.86 from @TheRandomRewarder
$ 2.00 from @Ruffa
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
+ 1
Sponsors of Aiah_05
empty
empty
empty
Avatar for Aiah_05
3 years ago

Comments

Ako payatot ako high school janggang college wala namang nang bully sakin. Halos lahat naman kasi ng mga classmate ki haha. Iilan lang ang chubby pero di pa rin nabubully. Walang ganyan sa Amin, Thanks God. Basta ako, mahal ko ang sarili ko, at kakain ako kung hanggang kelan ko gusto!

$ 0.00
3 years ago

Hahaha nako grabe bully sa akin talaga. Nakakawala ng confidence talaga. Pero ngayon wala na. Haha Salamat sa upvote sis 🥰

$ 0.00
3 years ago

Ako naman sis, nabubully ako dahil sa maliit ako. Cute lang kasi talaga ako, este yung height haha. Then nung medyo nasanay na ako sa kanila, hinayaan ko nalang, e ano kung maliit ako? Maganda naman ako. HAHA parang sumobra na ako sa confident 😆 pero ayun nga, I love who I am. :)

$ 0.00
3 years ago

Hahaha ako din sis maliit talaga ako haha tapos payat pa. Sinasabi nga wag daw ako magpayong kasi aakalain nila may kabuteng naglalakad hahaha

$ 0.00
3 years ago

Hahahhaa same sis! Mga buset na yon, ginagawa tayong kabute. :>

$ 0.00
3 years ago