Last friday birthday ng kapatid na bunso ni partner, kya pumunta kami dun sa ilaya para makikain, pero ndi naman engrandeng birthday party, kapatid at kamag-anak lang naman ang bisita at pawang taga-dun lng ang bisita, at ang mga pamangkin nila, masaya ung pamilya ni partner, strong yung bonding nila lalo na ung mga pamangkin nila na halos magbabarkada at nakakatuwa silang pagmasdan.
Ung mga pamangkin ni partner ay kilala ko na mga bata pa sila kaya iba ung closeness nila sa akin, kahit asawa na ako ng tito nila, barkada pa din nila kung ituring nila ako, at masaya ako dun kasi hindi sila naiilang na mag-open or magshare sa akin ng mga kalokohan at problema nila. Gaya nga nung minsan dumating mga pamangkin ni partner dito sa bahay ng tito nila,dito sa kapitbahay namin, pumasok sila at may konting usapan, kaso ung isang pamangkin ni partner ndi pumasok at kinausap ko kung bakit, nakita ko sya umiiyak kaya kinausap ko yun pala napagalitan sya ng nanay nya tungkol sa mga gawaing bahay at andami daw sinasabi sa knya samantalang yung kuya nya ndi man lang sinisita or napapagalitan, pinayuhan ko sya na ganun tlga ang magulang, lalo at umaasa ka pa sa kanila, hindi gaya ng kuya nya na nagtatrabaho na kahit papaano ay nakakapag-abot na sa magulang.
Bumalik tayo sa birthdayan, ayun nga kainan kwentuhan at hanggang nagsimula ng mag-inom ang magpipinsan, sila sila lang din naman kaya wlang problema, walang dayo na iba ganun kastrong ang bonding nila, minsan sleepover sila sa isang bahay para lng magkwentuhan magbukingan ng mga lovelife nila, masaya talaga kya isa yun sa nilook forward ko na sana masubaybayan ko pa na makakasama nila si Adrielle sa mga ganung bonding kaso bka mga anak na nila ang makabond nito, hehe pero alam ko naman na mangyayari yun kaso yun ang tinuturo nila sa mga bata na maging makapamilya kesa barkada, kasi kahit anong mangyari ang pamilya mo ndi ka iiwanan nyan.
Ang sarap sa pakiramdam na hindi ka tinatrato na iba ng pamilya ng kinakasama mo, iba yung saya na bigay nito, na kahit yung mga pamangkin ay hindi nahihiya sayo at hindi naiilang sayo, barkada ka ituring, at syempre higit sa lahat dapat matuto din tayong makibagay at magpakatotoo sa kanila kasi dun nagsisimula na ipakita nila sa atin ung ugali nila. Bata pa sila kung ituring nila akong Ate at ramdam ko na ndi yun nagbago sa knila kaya super happy din ako na close pa din sila sa akin kahit mga binata at dalaga na sila.
Salamat sa readers, upvoters and commenters sana wag kayong magsawa haha.
Sa mga sponsors ko maraming salamat din po for inspiring me as always.
God Bless Us All !
🌹Annie Marie🌹
2021.10.24
Sana all ganyan ka ganda ang bonding ng pamilya nila lods. Yung pamilya ng mama ko sa side nila naghihilaan. Tapos may crab mentality pa