Kasalanan ba ang magdamot sa kapwa?

18 44
Avatar for Adrielle1214
3 years ago

Dahil sa karamihan ng tumatakbong idea sa isip, ndi ko alam kung ano ang isusulat ko, dahil puro ideas lang, ung pagconstruct ng sentences at paragraph ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Kaya ended up ito ang article ko, ung experience ko kagabi.

Habang nagdinner ako, si partner nanood ng TV, si Adrielle nasa kwarto nagyoutube, may sumilip sa bintana namin, ung anak ng kapitbahay ko at ganito ang sabi ATE ANNIE PAHIRAM DAW PO NG PANTUTULI, ewan ko kung anong sumapi sa akin at sumagot ako ng WALA. Pero ang totoo po meron talaga kami, kasi nakailang beses na din silang nakahiram sa akin, then nagtanong si partner, ANO DAW? Sabi ko ung pantutuli daw pahiram, ndi sya nagreact kahit alam nya na meron kami.

Ito ung hinihiram nila

Then, today naisip kong manghingi ng idea sa iba if kadamutan ba ung ginawa ko kagabi kaya nagpost ako sa noise about dun, ito po ung linkhttps://noise.cash/post/lzmq4mkg at most of the comments is positive or in my side. Attach ko po dito ung mga comments nila regarding my post.

Ito ung post ko

Yan po halos lahat ng comments sa post ko.

Alam ko naman po masamang maging madamot pero, ung ilang beses po na pagpapahiram ay siguro naman po tama na, hindi naman libo ang presyo nung bagay para ndi sila makabili, tsaka isa pa nga po, personal things talaga yun dapat talaga ndi pinapahiram sa iba, kaso ung mga unang beses ay nauunahan ako ng hiya na tumanggi kasi huhugasan na lng daw ng alcohol kapag sinasabing hihiram kaya syempre no choice po ako kundi ipahiram sa kanila, this is the first time na tumanggi ako, actually ndi lang po yan ang mga hinihiram nila sa akin minsan nail cutter, gunting, minsan naman nanghihingi mg cotton buds, vicks or ung iba pang gamit ni baby, kasi may bata din sila. Naalala ko nga dati nanghingi sila sa akin ng aceitekasi masakit daw tiyan ng anak, pinahiram ko, then after one day hiram daw uli, kaya ang ginawa ko, ung stock ko na maliit, binigay ko na lng kasi minsan nakakairita din ung gabi na kakatok pa kasi manghihiram ng mga ganung bagay, alam ko naman po na naiintindihan nyo ang sides ko sa bagay na ito.


Sinulat ko po ito hindi para manira ng kapwa or magyabang, sinulat ko po ito para mashare lang din yun experiences ko dito, at mashare na din sa iba, lalo na ung mga magbubuo pa lang ng pamilya na unahin natin bilhin ang mga personal used natin, lalo na kapag may anak tayo,wag tayong masanay sa hiram dahil hindi po magandang practice yun, kahit pa kapatid or kamag-anak natin ang lalapitan natin, wala din naman pong masama sa panghihiram, pero kung paulit ulit na at personal used, once is enough.

Salamat sa pagbabasa nyo ng article kong ito sana may nakuha din kayong aral kahit papano, at pede din po kayong mag-iwan ng komento kung tama po ba or mali ang ginawa kong pagdadamot.

Godbless Us All!

AnnieMarie

2021.09.29

8
$ 1.74
$ 1.56 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @ARTicLEE
$ 0.05 from @Bloghound
+ 2
Sponsors of Adrielle1214
empty
empty
empty
Avatar for Adrielle1214
3 years ago

Comments

Minsan naman po talaga nakaka irita din lalo na at paulit ulit na , Lalo na at mga personal na gamit dapat Hindi na hinihiram ,meron talaga minsan abusado lng

$ 0.01
3 years ago

Kaya nga, minsan tuloy inaabot ako ng pagkamadamot at maldita hehe

$ 0.00
3 years ago

Sis di po yan pagdadamot. Personal po yan eh hehe. Natawa ako sa pagtutuli hihi

$ 0.00
3 years ago

Haha, oo nga sis, kaso para bang ndi nila alam na personal used yun para masanay silang laging hiramin, minsan tlga napapahiya akong tumanggi, itong huli lng ako tumanggi:(

$ 0.00
3 years ago

Ay tama lang po sis yong ginawa mo..Kasi po kung patuloy mo silang papahiramin hindi sila makakaisip na bumili din ng sariling gamit.and besides po sis..Kailangan mo din ingatan yong family dahil nga po sa pandemic na din..Naranasan ko na din yan sis..Minsan Ang mama ko lagi ang hinihingan.Eh mabait talaga Ang mama ko kaya lang minsan nakakainis din diba kung lahat nalang iaasa Ng kapitbahay sayo..heheh

$ 0.01
3 years ago

Oo nga sis, minsan tlga nakakapag-isip din magdamot:(

$ 0.00
3 years ago

Hindi naman po pagdadamot yun ate personal stuff yun kaya dapat lahat meron hehe...

$ 0.01
3 years ago

Naku sis, minsan tlaga napapaisip na lng din ako if ano kaya gamit sa bahay nila kasi minsan lahat hiram at hingi ej

$ 0.00
3 years ago

Well agree Ako dun sis. Personal thing na Yun di na dapat pinapahiram pa.

$ 0.01
3 years ago

Minsan kasi on the spot hinihiram kaya mapapahiya ka tlgang ndi ipahiram

$ 0.00
3 years ago

Agree ako sa mga nagcocoments sis ,personal na gamit na kasi yan ,ganito nalang sis pag may extra money ka , bili ka na lng ng bago tas bigay mo na lng yung luma 😄

$ 0.01
3 years ago

Ay magandang idea yan sis, naisip ko na pala yan dati kaso nakakalimutan ko kapag nsa bayan ako, sana maalala ko kapag pmunta ako sa bayan

$ 0.00
3 years ago

Agree ako sa comments ng iba. Pag ganyan, wag na uy. Pati nail cutter wag dapat. Tama din un sabi na regaluhan mo na lang.

$ 0.01
3 years ago

Parang nahihiya naman ako magregalo parang nakakaoffend

$ 0.00
3 years ago

Hindi naman yatanpwede nakahit yon hinihiram pa. Pwede pa sana karayom o sinulit hiramin pero ung personal na gagamitin natin sa katawan ay mukhang hindi na pwede

$ 0.01
3 years ago

Kya nga kagabi sabi ko wla, pero nakonsensya naman ako

$ 0.00
3 years ago

Diko pa nabasa post mo sissy, minsanan lang makadalaw sa noise. Andaming babasahin now haha

$ 0.00
3 years ago

Ayos lng yan, haha busy mode:)

$ 0.00
3 years ago