Magandang araw sa lahat, sana po ay lahat tayo ay nsa mabuting kalagayan saan mang sulok tayo ng mundo. Naway patuloy tayong gabayan ng ating Mahal na Panginoon sa araw araw nating pakikibaka. At higit sa lahat lagi pa din po tayong mag-iingat dahil ang ating kinakaharap na virus ay hindi natin nakikita pero unti-unting kumikitil ng buhay ng mga kapwa natin, kaya doble at tripleng ingat po tayo lahat.
Gusto ko lang magkwento sa inyo tungkol sa anak ko. Sya ay mag 3years old ngayong december, pero alam nyo po ba sa murang edad nya andami nya ng gustong gawin na hindi ko man lang narinig sa mga pamangkin ko nung sila ay nasa edad nya.
Kapag naglilinis ako ng bahay lagi syang nakikisawsaw, pero syempre madalas sinasaway ko sya kasi hindi ako matatapos, kaya ganito ang nagiging sagot nya sa akin kapag sinaway ko sya. Kapag big girl na ako maglilinis na ako ng bahay, syempre sinasagot ko sya oo bebe kapag big girl ka na ikaw na lahat ang gagawa nyan.
Kapag magluluto or maghahanda ako ng lulutuin ko para sa tanghalian namin at nakita nya ako na may hawak na kutsilyo, magsasalita uli yan ng ganito: dahan-dahan Mama at baka masugatan ka.
Kapag naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin, sasambit uli yan kapag big girl na ako magdadayag(maghuhugas) na ako ng mga pinggan
Kapag naglalaba ako at nanonood sya sa akin, sasabihin nyan kapag big girl na ako maglalaba na ako ng damit ko, damit ni tatay at ni mama, magbrush din ako mga damit.
Kapag pinapaliguan or hinihilamusan ko sya, sasabhn nya kapag big girl na ako, ako na mag-isa maliligo at magtoothbrush at maghihilamos, dapat magkuskus ako ng bimpo.
Kapag may mga batang nagtatakbuhan sa harapan namin, sinasaway na yan ng ganito: wag kayong takbo takbo madadapa kayo masusugatan kayo, ako nadapa sa kalsada kasi takbo takbo ako.
Kapag naiinis ako sa kanya kasi madalas talaga sobrang kulit nya, lalapit yan sa akin at sasabhn nya Love love kita Mama taz yayakapin nya ako
Marami pa syang sinasabi na minsan sa murang edad nya hindi mo akalain na sasabihin nya, yung mga kapitbahay namin natatawa sa kanya kasi iba talaga ang talas ng pananalita nya, minsan nga sinasabi nila na bata sya pero matanda ang pag-iisip, may tatlong bata dito sa paligid namin na halos matanda lng sa knya ng buwan, pero hindi sila katulad ng anak ko, nakakatawa sya sa sobrang kabibuhan nya, pero kapag nasa balwarte kami ng mga kapatid ni partner sobrang mahiyain sya at takot sa tao, yun ang problema sa kanya.
Andami kong inalagaan na pamangkin pero sa totoo lang wala akong ni isa sa kanila na nagsalita ng gaya ng sinasabi ng anak ko ngayon, nakakaproud para sa side ko na ganito ang anak ko, ganito din ba mga anak nyo? Sobrang proud ako sa knya na parang napaka-advance ng isip nya ndi ko naman sya tinuturuan, ay pong mga sinasabi nya ay kusang lumalabas sa bibig nya kaya kahit minsan ako nagtataka din ako. Kaya minsan kapag sinasaway nya yung mga bata dito sa harapan namin, sinisita ko sya kasi baka isipin ng mga bata tinuturuan ko sya.
Pangwakas
Sinulat ko lang po ito para magshare sa inyo kung gaano ako kaproud sa anak ko, at ito pong artikulo na ito ay pawang katotohanan, wlang dagdag, ganyan talaga ang way ng pagsasalita nya.
Hindi ko alam kung may ambag ba ang gatas na iniinom nya, pero mumurahin lng din naman ang gatas nya Bonna nung baby pa sya ngaun Bonakid na 1-3years old, ang vitamins naman nya is vitamin C lng wla ng iba.
Siguro nasa development na din po ng bata if lalaki silang matalino at syempre siguro sa tulong na din nating mga magulang. Kahit yung iba tao na unang kita lang sa anak ko yan ang first inpression nila mukha daw matalino ung anak ko. Sarap pala sa pakiramdam na ganun ang tingin ng tao sa anak mo. Alam ko yung mga nanay dito ganito din sila kaproud sa anak nila.
Ito po muna article ko for today since hindi masyado gumagana ang isip ko. Salamat sa mga nagbabasa ng article ko, nag-upvote at nagkokomento, sana wag kayong magsawa at ganun din naman ako sa inyo.
Sa mga sponsors ko salamat sa tiwala, kung hindi sa inyo hindi din siguro ako magsisipag na gumawa ng article.
God Bless Us All !
๐นAnnie Marie๐น
2021.10.20
Wow, iba nah talaga ang kabataan ngayon,,may potential talaga c baby,, keep up the good work baby, sana hindi kah magbago, alang2x sah mga magulang moh.