Si Uno, Dos, Tres; Ang mga batang Maya🐩

3 25
Avatar for Abbyey
Written by
3 years ago

Sa isang saganang bulubundukin naninirahan ng masaya at mapayapa ang iba’t –ibang uri ng hayop. Sa isang matayog at napakagandang puno nananahan ang mag-anak na maya.Si Itay Lito, Si Inay Lita at ang kanilang mga supling na sina Uno, Dos at si Tres.Si Uno ang panganay na anak ay mabait, at masunurin, si Dos ay masipag at matulungin. At ang bunsong si Tres ay isa namang pasaway at ginagawa ang anumang naisin niya

Simula pagkabata nila ay tinuturuan na sila ng kanilang ama na lumipad, at humanap ng sariling makakain.

Isang araw, “mga anak tara na at humanap tayo ng makakain” wika ng Itay Lito.

“opo Itay” sagot ng mga maya.

“mag iingat kayo sa paglipad” sambit ng Inay Lita.

“sumunod kayo sa akin at huwag kayong hihiwalay, masyadong malawak ang himpapawid” paalala ni Itay Lito.

Masayang masaya ang magkakapatid sa kanilang paglipad at sa paghahanap ng makakain.

“Lipad! Lipad!Lipad!... wika ni Uno na manghang-mangha na nakikita ang malawak na dagat.

“hintay .. hintay.. “sigaw naman ni Dos

“mauuna na ako.. ang babagal niyo naman” singit naman ni Tres.

“tres ! tres! Tres! Sigaw ng kanyang ama habang hinahabol siya sa paglipad.

Ngunit dahil sa mabilis na paglipad ni Tres hindi niya narinig ang kanyang ama.

“ang sayang lumipad kapantay ko ang bundok, nakikita ko ang ganda at lawak ng kapatagan” wika ni Tres

Lumingon si Tres, ngunit sa kanyang paglipad ay hindi na niya matanaw ang kanyang Itay Lito pati na ang kanyang mga kapatid na si Uno at si Dos.

‘itay! Kuya Uno! 
Kuya Dos
. Asan na kayo?... wika ni Tres..

Subalit ni isang sagot ay wala siyang narinig..

Sa kanyang patuloy na paglipad nakita niya ang isang bulkan, “Ginoong Bulkan,nakita mo ba ang aking Itay at mga kapatid? Tanong nit res.

“pasensiya ka na munting maya, ngunit hindi ko sila napansin” sagot ng bulkan.

Lumipad muli ang munting maya. Sa di kalayuan ay natanaw niya ang kalmadong lawa,siya’y hminto at nagtanong.

“ ginang lawa, nakita moba ang Itay ko at mga kapatid?”

“ipagpaumanhin mo munting maya, ngunit hindi ko sila napadaan dito” sagot ng lawa.

“maraming salamat po, sige po ako’y aalis na” wika ng malungkot na si Tres.

Palubog na ang araw! Nagaalala na ang kanyang Itay at mga kapatid.

Sila ay bumalik sa kanilang tirahan.

“nasaan si Tres” tanong ng Inay Lita.

“ sa aming paghahanap siya ay nawala sa aming tabi” sambit ng ama.

Napagdesisyunan ng magasawa at ng kanilang mga anak na hanapin si Tres.

Samantala si Tres ay umiiyak habang nakadapo sa isang malaking puno, malapit sa talon. Narinig ng talon ang mahinang hikbi ng munting maya.

“bakit ka umiiyak munting maya?”tanong ni talon.

“nawawala po kasi ako, hindi ko mahanap ang Itay ko at mga kapatid ko.”wika ni Tres.

“paano ka ba nawala” tanong ng talon.

“nakipagunahan po akong lumipad hindi ko napansin ako’y napalayo sa kanila. sinabi na nga po ng aking Itay na huwag lalayo skanya ta malawak ang himpapawid pero hindi po ako nakinig. wika ni Tres

“dapat munting maya ay nakikinig ka sa iyong ama atIna sapagkat wala silang ninanais kundi ang mapabuti ka, hindi tulad ko nagiisa at walang kasama masaya na akong nakikita ang mga ibon na dumaraan sa aking harapan” wika ng talon.

Habang lumilipad ang mag-anak , napadaan sila sa mapayapang lawa, Ginang lawa maari po bang magtanong?” wika ni Inay Lita

“nakita moba ang anak kong si Tres?”

“ay oo ginang maya, nagtanong siya sa akin kanina, ngunit ang sabi ko’y hindi ko kayo nakita, subukan niyong magtanong kay ginoong bulkan o kay ginoong talon baka sakailng doon ay nagpahinga siya.” Sagot ng lawa.

Maraming salamat wika ng mag-anak.

Sa kanilang paglipad tinatawag nila ang pangalan ni Tres..

Tres .. Tres.. Tres.. wika nila.

“oh mukhang malapit ditto ang mga magulang mo, nauulinigan ko ang kanilang mga tinig.

Ang malungkot na maya ay biglang sumaya. Ito ay lumipad papunta sa pinanggagalingan ng tinig.

At saw akas nakita niya ang kanyang mga magulang at kapatid.

4
$ 0.08
$ 0.05 from @Ruffa
$ 0.03 from @Pachuchay
Avatar for Abbyey
Written by
3 years ago

Comments

Wag kasi matigas ang ulo tres, hehe

$ 0.00
3 years ago

Yes ate @Ruffa hehe Meron pa akong mga unpublish story hehe

$ 0.00
3 years ago

Hoyaaa, gumagawa ka din ng pambatang story? Naysuuuuu đŸ€©

$ 0.01
3 years ago