Ang KALIKASAN ay yaman; Ito'y ating pangalagaan.

1 17
Avatar for Abbyey
Written by
3 years ago

Sa isang tahimik at malayong lugar na napapaligiran ng mga kabundukan at mga iba’t ibang anyo ng tubig tulad ng talon,batis, lawa at mababatong ilog. Isinilang ang isang batang nagngangalang Berto.

“Anak maguumga na bumangon ka na’t maghanda sa pagpasok” wika ng kanyang ina.

Si Berto ay isang anak na masipag. Siya ay kaisang isang anak ng mag-asawang si Aling Berna at Mang Manolito. Kaya’t bilang solong anak ay namulat siya sa pagiging responsable sa murang edad . Tuwing umaga pagkagising niya ay agad niyang tinutulungan ang kanyang magulang sa pamamagitan ng pag-iigib ng tubig sa sapa at sabay na nito ang kanyang pagligo.

“Ina’y napuno ko na po ang banga, nakaligo na din po” wika ni berto.

Pagkatapos ng kanyang gawain siya ay maglalakad nang walang suot sa paa ng isang oras upang siya’y makarating sa kanyang paaralan.

Oras na ng kanilang meryenda at nakita niya ang kanyang kaibigan na si Rodolfo na isang tabi at ito’y inalok niya ng dala dalang niyang pagkain.

“ O nilagang saging ! Tara kain tayo.” Tugon ni berto.

“ Sige katatapos ko lang din kumain ng minatamis na saging” tugon ni dolf.

“ Wow! Minatmis na saging san kayo nakakuha ng asukal iba na talaga ang umaangat sa buhay” sabi ni Berto.

“ Loko pag may asukal mayaman ka agad? Di ba puwedeng nakahanap lang si tatay ng trabaho malapit dito sa atin” sagot ni dolf

“ Anong trabaho naman?” tanong ni Berto.

Sa minahan siya nagtratrabaho. Nabanggit sakin ni tatay na kailangan pa nila ng trabahador baka nais subukan ni Mang Manolito.? Wika nito.

“Sige sasabihin ko kay ita’y. sagot ni Berto.

Nang matapos ang kanyang klase ay agad itong umuwi upang ibalita sa kanyang ama ang napagusapan nila ng kanyang kaibigan.

“ Mano po itay , Mano po inay”

“ Magpahinga ka na’t magpalit upang tayo’y makakain na ng hapunan” wika ng kanyang inay.

Habang nasa hapag kainan ay naalala ni berto ang nabanggit ng kanyang kaibigan.

“itay may nasabi nga pala si Rodolfo na may bakanteng trabaho daw sa isang minahan na malapit dito sa atin.” Sabi ni berto

“Minahan diba delikado iyon?”. Wika ng kanyang itay

“ Paano po naging delikado iyon itay”.tanong ni berto .

“ Hindi mo ba alam na ang pagmimina ay nakakasama sa atin kalikasan dahil ito’y nagdudulot ng pagguho ng mga puno sa bundok at pag apaw ng mga ilog na sanhi ng pagmimina. Na kahit tayo ay maaring mawalan ng tirahan dahil sa pagguho.” Tugon ng kanyang ama.

“Tama ho kayo itay masama nga po pala talaga ang pagmimina” wika ni berto.

“ Oo anak kaya’t mas pipiliin kong ayusin at alagaan an gating mga pananim” sabi mg kanyang itay.

Makalipas ang ilang araw na pagulan. Masayang bumaba sa bayan ang pamilya upag magtinda at mamili ng ilang gamit kasama na ang tsinelas ni Berto. Subalit makalipas ang ilang oras bigla na lang rumagasa ang tubig na may putik bato at mga troso galling sa bundok na daling daling nakita ni mang manolito na agad niya namang inilagay sa ligtas na lugar ang kanyang magina .

“ Ayos lang ba kayu jan?tanong ng kanyang ama.

“ Opo itay ayos lang kami ni inay dto”. Sagot ni Berto.

“ Ito na nga bang sinasabi ko . hindi malayong gumuho ito dahil sa kanilang pagmimina. Paano na ang mga tao kung nasira na ang mga taniman at mga bahay”. Tugon ng kanyang ama.

Matapos ang trahedyang ito agad naman na aksyunan at napatigil ang pagmimina

Simula noon nagsikap na lamang ang mga tao at pinalago ang mga puno at paninam na kanilang tinanim upang mabuhay at maging maganda muli ang kabundukan.

MORAL LESSON:

ALAGAAN ANG KALIKASAN HUWAG ITONG ABUSUHIN.

3
$ 0.02
$ 0.02 from @charmingcherry08
Avatar for Abbyey
Written by
3 years ago

Comments

Kaso sa ngayon, dala na din ng pag-unlad kuno eh unang una g naapektuhan ang kalikasa

$ 0.00
3 years ago