BANTAY: Dalawang Lalaki
Hello , kwento lang ito sa'kin ng pinsan ko na nagwo-work sa isang BPO company o callcenter. Lagi kasi siyang madaling araw o minsan umaga na nakakauwi dahil sa work niya. POV niya ang gagamitin mo para smooth ang daloy ng kwento:
Ako si Rima, isa akong employee sa isang company na aking pinapasukan. Halos araw-araw ay madaling araw na ako nakakauwi sa tinutuluyan kong apartment. Madalas kasing napupunta ako sa night shift kaya mga 7:00pm- 12:00am ang pasok ko everytime na night shift kaya no choice.
Pagkatapos ng trabaho at ng mga gawain ko sa office ay niligpit ko ang mga natitirang gamit at itinabi.
Kasabay ko ang mga katrabaho ko palabas ng company building pero iba ang daan nila pauwi kaya mag-isa lang akong sumakay ng jeep.
Halos lahat na kasakay ko sa jeep ay inaantok. Naidlip ako at nagising sakto sa bababaan ko rito sa kanto, papasok na sa barangay.
1:27pm nang tignan ko ang aking relo. Sanay na ako na gabi umuuwi.
Dumiretso ako sa pila ng tricycle pero wala nang mga pumapasada. Masyadong na-late ang pag-out ko kaya inabot ako ng ganitong oras na malimit na ang mga tricycle.
Dahil wala na akong masakyan, naisipan ko na lang maglakad papasok sa barangay kung saan nasa dulo ang apartment na inuupahan ko.
Malamig ang yapos ng hangin at medyo creepy dahil ako lang ang mag-isang naglalakad dito sa kahabaan ng street.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad ng may makita akong dalawang lalaki na nakatayo sa poste.
Napatigil ako at napatitig kung saan sila nakatayo at tila may hinihintay.
Aninag ko ang pinaglalaruang kutsilyo ng isa sa mga ito.
Nanginig ang mga kamay ko sa takot at napanganga.
Patuloy ng isang ito na pinaglalaruan ang kaniyang kutsilyo at isinasaksak sa hangin. Ganon din ang ginagawa ng isa na isinasaksak-saksak sa posteng katabi nila.
Medyo madilim sa kinakatayuan nila kaya bigla akong kinabahan.
Hindi ko gusto kung ano man ang maaring mangyari.
Pumikit ako at taimtim na nagdasal saka ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
Panginoon, panginoon ko, huwag niyo po akong pababayaan ngayon, kung anuman ang maaring mangyari sana'y huwag niyo pa rin akong pababayaan. Gabayan niyo po ako at tulungan sa maaaring mangyari sakin ngayon. Protektahan niyo po ako sa mga taong ngayon ay dahilan ng pagkatakot ko.
Nakaramdam ako ng paglamig ng simoy ng hangin dahilan para tumaas ang balahibo ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan.
Tila ba mas lalong lumamig ang paligid.
Patuloy pa rin ako sa pagdadasal at nangangatog ang tuhod na naglalakad sa dilim.
Napapapikit ako at patuloy na nagdadasal.
Hanggang sa matapat ako sa dalawang lalaki na nakatitig sa akin ngayon. Hawak pa rin nila ang kutsilyo nila kaya sobrang bilis na ng kabog ng dibdib ko.
Alam kong naaaninag nila ang mukha dahil sa ilaw sa daanan na patuloy na nilalakaran ko.
Takot na takot man ay patuloy akong nagdasal at nagmadali sa paglalakad.
Hanggang sa nalampasan ko sila. Laking pasasalamat ko sa Diyos at hindi ako nasaktan.
Kinabukasan...
Lumabas ako ng bahay mga 9:00am upang bumili ng almusal, tinanghali na ako ng gising dahil din siguro sa takot.
Kumunot ang noo ko ng may makitang mga pulis at mga nagkukumpulang tao sa kabilang iskinita ng barangay.
Naalala ko na doon ako dumaan kagabi kung saan nakita ko ang dalawang lalaki na nag-aabang doon.
Dahil sa curiosity ay lumapit ako sa mga tao at pilit na nakisingit upang makita ang mga kaganapan.
Halos mapanganga ako dahil kitang kita ng dalawang mata ko ang isang babaeng nakabulagta, hubot-hubad at puno ng saksak. Nagkalat ang dugo nito sa buong katawan.
Nakita ko rin ang dalawang lalaki kagabi na kahit hindi ko aninag ang mukha ay alam kong sila iyon. Nagtanong ako sa babaeng katabi ko.
"Miss, ano pong nangyari?" Tanong ko sa katabi ko.
"Ginahasa at pinatay ang babaeng iyan kaninang madaling araw. Mga alas dos ata. Pagkatapos daw gahasain ay pinagsasaksak. Isinako raw at inilagay sa gilid ng poste" kwento niya at itinuro ang poste na may mga sako ng basura. "Pero nangamoy ito kaya nakita ng mga tao at ini-report nga sa mga pulis. Nakita sa loob ng sako ang duguang babae at kutsilyo na pagmamay-ari ng pumatay na nakatira sa iskinatang iyan." Dagdag pa niya.
Halos natulala at hindi ako makahinga sa nakita at narinig ko.
Bakit hindi ako ang ginahasa at pinatay nila kung mas nauna akong dumaan kaysa sa babaeng ito?
Pasado 1:30am ako dumaan at nadaanan ko sila bakit hindi nila ako sinaktan o binalak na patayin? Etong babaeng nasa harapan ko'y pasado 2:00am dumaan sa kanila at ito ang kanilang pinatay?
Naglakas-loob akong lumapit sa mga pulis at sasakyan kung nasaan ang dalawang lalaking nakaposas at nakayuko.
"Bakit hindi ako ang ginahasa at pinatay niyo?" Simulang tanong ko sa kanila. Napalingon silang dalawa sakin at mas lalong natakot at namutla. "Ako ang naunang dumaan bago pa ang babaeng iyon." Dagdag ko pa.
Nanginginig ang kamay at nagpailing-iling na sumagot ang isa sa kanila.
"M-miss, habang naglalakad ka, m-may kasama kang dalawang la-lalaki na malaking tao at matangkad, nakaputi silang pareho at p-pinaggigitnaan ka kaya n-natakot kaming lumapit at p-patayin ka." Utal utal na paliwanag ng lalaking nasa harapan ko.
Nagulat, nagtaka at natakot ako sa sinabi niya.
Nag-iisa lang akong naglalakad kagabi. Halos tumakbo na nga ako sa takot.
Paanong nagkaroon ako ng kasabay at dalawang lalaki?
Hindi kaya'y masyado silang nalulong sa droga kaya kung ano-anong pinagsasasabi nila?
Dalawang lalaki na kasabay ko? Kaya hindi ako ang pinuntirya nilang gahasain at patayin— hind kaya'y—
Hindi kaya'y yung naramdaman kong malamig na nagpatayo sa balahibo ko ay yung dalawang lalaki. Sila kaya ang dahilan kung bakit nanlamig ang paligid kagabi habang naglalakad ako?
At sila ang dahilan kung bakit ligtas ako. Kung bakit hindi lumapit ang dalawang lalaki kagabi. Kung bakit hindi ako ang babaeng nasa sako at wala ng buhay ngayon.
Nakatulala akong umuwi sa apartment na inuupahan ko at the sametime ay thankful.
Dahil sa pagdasal ko kagabing madaling araw ay naligtas ako. Niligtas ako ng dalawang lalaking sumabay sakin upang hindi mapahamak sa mga mamamatay tao.
roarzen

Dahil sa pagdasal ko kagabing madaling araw ay naligtas ako. Niligtas ako ng dalawang lalaking sumabay sakin upang hindi mapahamak sa mga mamamatay tao. roarzen