Panukalang Parusang Kamatayan para sa mga mapapatunanyang nangulimbat at nakurakot sa kaban ng ating bayan isinusulong na. Mga Read cash pabor ba kayo dito???

7
$
User's avatar
@Annthony18 posted 4 years ago

Comments

Pabor ako kasi kung hahayaan lang sila marami pang susunod na tutulad sakanila. Dapat lang na mabigyan sila ng leksyon para dina tularan pa. Dapat nga ibalik din nila yung mga ninakaw nila eh. Bawiin mga ari arian nila kung wala na silang maibalik. Dapat ganun. Ewan ko nalang kung meron pang magtangkang gawin yang mga gawain nilang yan... Dapat matakot sila sa batas para hindi na ulitin o tularan ng iba.. Kasi kung sobrang luwag ng batas wala din, gagawin at gagawin nila ulit yan kung sakaling makalaya sila. Dapat matakot sila para dina nila ulitin................... Pero sana sa isang iglap maging ok nalang ang lahat at sana mawala nalang yung pagiging sugapa nila sa pera at kayamanan. Kung ganun nalang sana ayos yon.

$ 0.00
4 years ago

Kaya tama yan lahat ang mga sinabi mo dapat ganu talaga ang gawin at mag tatangka pa lang sila gawin ay matatakot na sila dahil mag dadalawang isip sila na ang kapalit ng panandaliang kayaman ay ang kanilang buhay, kasama rin pala sa isisnusulong na batas na ang lahat na mapapatunayan an nagkasala ay kukuhain ng gobyerno ang lahat ng yaman ng kanilang pamilya kaya sana amaaprove talaga ito.

$ 0.00
4 years ago

Ako naman di pabor,masakit man isipin na ganun sila,tao pa rin tayo nagkakamali,bahala na ang dyos sa mga ganyan klasing tao, pero kung iisipin talaga mahirap dahil kaban ng bayan ang ninanakaw nila,mahirap talaga pag hindi ka kuntento sa kung ano ang kita o sweldo na mayroon ka,siguro nagagawa nila yan para ipakita sa mga amigo at amiga na kaya nilang makipagsabayan sa mga taong billionaryo na kaya din nila makuha ang mga luho nila ng isang click lang kaya ginagawa nila yan,mga sasakyan mga lupain mga bahay at mga luho ng mga anak.Sa mga ganyang klasing mga empleyado ng gobyerno panakip butas lang ang mga sinasabi nila sa halalan pag naka upo na sila hindi batas ang para sa bayan ang tatrabahuin nila kundi batas ng bulsa nila ang prayoridad.Kung minsan sila pa itong mga namumuno ng mga kababalaghan sa lansangan.mga pinansir sa droga at iba pa. Ang purpose nila ay biglang pagyaman,natatakot din sila maging mahirap dahil di nila kaya ang buhay nating mahihirap na kakahig ka muna bago makatuka takot sila dyan,para sa kanila ang pera ang kinikilala nilang dyos, pera na kasi ngayon ang pagpapaikot sa mundo hindi na ang salita ng dyos,para sa akin sapat na makakain ng tatlong beses sa isang araw at kuntento sa sweldo buwanan ang importante wala kang nasasaktan na tao,wala ka nayuyurakan na pagkatao,at buo ang pamilya na walang nagaaway dahil sa pera,anong silbi ng maraming pera kung galing naman sa masama, paano ka nakakaharap sa mga tao at magmayabang kung ang salapi ng pamilya ay galing sa masama,dahil itim at ubod ng itim ang budhi mo,at sobrang kapal ng pag mumukha na noon,sa atin sa pinas yung mga nasa gobyerno ang galing humarap nagagawa pang ngumiti,nakikipagkamayan,biso biso na salikod ng kanyang maamo at masayang ipinakita sa tao ay nababalutan ito ng di maganda.itinatago ang katutuhanan sa kanilang pagkatao basta para sa pera.yun lang po!para sa akin lang yan basta ako nagsasabi lang ako ng totoo sa article na ito,sorry pa sensya po hahahahahhaha!!!!!ang totoo ay totoo,parang kanin lang yan eh,rice is rice hahahahahaa!bye thank you guys,good job......

$ 0.00
4 years ago

Salamat po sa isang napa ka makabuluhang komento sana nga lang talaga ay wala ng mangurakot sa kaban ng ating bayan ngunit sa mga nabangit mo nga po na mga kadahilalanan kaya sila nangungurakot ay sadyang imposible na walang mga taong mangahas na kurakutin ang kaban ng ating bayan kaya mas maganda na rin sa sarili kong pinyon na maisa batas itong isinusulong ni Congressman Belgica at ng matakot na talaga ang mga nanunungkulan at ibigay na lang nila ang buo at tapat na serbisyo na ipinangako nila nuong nangangampanya pa lamang sila.

$ 0.00
4 years ago

Mahirap pumatay eh hays! Pagbayarin na lang ng doble pero DU30 umasa tayong Kamatayan talaga yan

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga mahirap talaga pumatay kung ang kasalanan ay pag nanakaw lang na kung ihahalintulad mo sa kaso nga ni Pemberton na nakapatay ay binigyan pa ng Absolute Pardon at pinalaya, ewan ko lang kung makalusot itong batas na ito.

$ 0.00
4 years ago

Grabe naman patay agad, hampasin nalang ng latigo. para mag tanda, tapos bayaran ng doble yung kinuha sa kaban ng bayan.

$ 0.00
4 years ago

pwede rin cguro yun naisip mo bro pero isinusulong na ngayon ni Congressman Belgica ang panukala at sa tingin ko maaprove yun bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte

$ 0.00
4 years ago

Kung ma isa batas yan, matakot na sana sila, at kung wala ng kurapt aasenso na tayo,

$ 0.00
4 years ago

Kaya nga mai sa batas na yan sa lalong madaling panahon para wala na talaga corrupt.

$ 0.00
4 years ago

ubusin nlaang yung yaman nila ahahah

$ 0.00
4 years ago

Kasama na yun cguro sa batas ang kuhain ng lahat ng ari arian nila dahil wala naman talaga sila yaman yumaman lang sila dahil sa pag nanakaw sa kaban ng ating bansa.

$ 0.00
4 years ago

Hehehe parang too much naman. Ikulong na lang mga yan, ibartolina.

$ 0.00
4 years ago

Mabuti na rin cguro yan para wala na talagang mag tangka or gumawa na mangurakot sa kaban ng ating bansa at maibigay talaga sa ating mga mamayan ang nararapat na pondo at serbisyo ng gobyerno.

$ 0.00
4 years ago