Naguilty ako nung may nagpost about how proud she is for breastfeeding her baby, one month lang kasi ako nag padede. It is the best pa naman para kay baby diba? Kaya lang sabi ng doctor, kailangan ko itigil ang pagpapasuso dahil makakasama kay baby ang mga gamot para sa aking post-partum depression. Unahin ko muna daw ang aking sarili, para maalagaan ko ng tama ang aking anak.
Nalungkot ako nung nakita ko yung post ng isa, naka cloth diaper ang anak nya at sabi nya gumaya na din dapat ang iba. Nakakatipid na nga naman, nakakatulong pa sa kapaligiran. Sinubukan ko naman kaya lang nagtatrabaho ako maghapon, at pagdating ko sa bahay, wala na ako lakas na maglaba pa.
Nainggit ako nung may nakita akong naka carrier, gusto ko din nun kaya lang ang mahal pala. Yung mura naman hindi daw recommended ng experts, hindi daw safe para sa little one ko.
Nainsecure ako nung nabasa ko post ng isang nanay, nag mo Montessori way of learning dawsila. Kaya ko din to sabi ko kaya lang wala naman ako alam kung ano yun. Aaralin ko sabi ko pag tulog na mga anak ko, kaya lang pagkatulog nila, pagod na rin ako at naipikit ko na rin ang aking mga mata.
Nakonsensya ako nung nakita ko ang post ng isang nanay, ang hehealthy ng pagkain na hinahanda nya para sa baby nya. Napakatrabahong gawain pero pinagtyatyagaan nya. Sa amin kasi kung ano ang nasa hapag, yun na din ang pagkain ni baby.
Kinabahan ako nung nagpaalala ang isang mommy na hwg masyado iexpose sa gadget si baby. Tama nga naman! Pero kanina habang gusto ko din magpahinga, pinanood ko sya ng cocomelon at dave and ava.
Madalas kong kinukwestyon kung mabuti nga ba akong ina lalo na pag nakikita ko ang post ng iba. Iba na kasi ang pamantayan ng pagiging mabuting magulang ngayon. Sa social media, napakaraming nanay na mukhang milya milya ang galing sayo sa pagaalaga at pagpapalaki ng anak. May karapatan naman silang maging proud, dahil bawat kilos ng isang ina, kilos ng isang babaeng inaalay ang oras at pagod nya pra sa batang iniluwal nya. Noon pa man mahirap na ang maging nanay, pero mas mahirap sa panahon ngayon. Ang panahon kung kailan madaming mata ang kinikilatis kung anong klase ka bang ina, kung kailan naikukumpara mo ang buhay na naibibigay mo sa anak mo kesa sa naibibigay ng iba dahil laging nkpost sa social media. Idagdag mo pa ang frustrations mo bilang isang tao.
Pero kanina habang nakaupo ako at nagtutupi ng damit, ang anak ko naglalaro sa likod ko at inaayusan ang aking buhok. Pumunta sya sa harap ko at sabi βYouβre beautiful, Mommy! I love you!β sabay yakap at halik pa. Isang dalawang taong gulang na taong bata lang pala ang makakasagot sa akin kung mabuti ba akong ina.
Madalas tayong magkumpara pero tandaan natin, ang tamang pamamaraan ng pagpapalaki ng anak ay hindi iisa. Kung pakiramdam mo may kulang ka bilang isang ina, tingnan mo kung ano ang mga meron ka at ang mga nagawa mo na. Kailanman hindi tayo magiging perpekto, pero hanggat sinusubukan natin hanggang sa abot ng ating makakaya, sa mata ng ating mga anak, tayo ang bida, hindi ang iba.
SPConfessions
Comments
Hehe apir!
Ang payo ko saiyo, wag ka ma insecure sa pagiging magulang ng iba sa anak nila at kong gaano siya kagaling bilang ina sa mga anak niya kong pano niya alagaan etc.. my kanya kanya tayong kakayanan at way ng pag-papakita at pag-bibigay ng pag mamahal sa mga anak natin kaya bakit ka naiinggit sa iba.. bakit mo ikokumpara ang sarili mo sa iba bakit ka nagiisip ng mga bagay na meron ka naman din. Ito lang po masasabi ko ikaw ay ikaw at my sarili kang pamamaraan ng pag-aalaga at pag-bibigay ng pag mamahal sa anak mo,. Stop comparing yourself to others everyone of as has a unique ways to nurture our child.. ilang years kna po bang my anak?.. ako indi naman nag isip ng ganyan in 7 years hindi ko pa kasama anak ko nasa probinsya pa sa nanay ko once a year lang kami makauwi ng asawa ko.. pero di ako nag isip na wala ako kwentang nanay/magulang kasi nag tratrabaho tayo para sa anak natin para mabigyan sila ng magandang buhay, para my makain araw araw, maibigay mga gustong bilhin.. hindi ibig sabihin noon wala kana kwentang magulang.. kong gusto mo ng makakausap dito lang ako.. ππ keep safeππWag kna maging nega..
Salamat po sa payo.. Pero nabasa ko lng din po yan,. Shinare ko lng..
π ππ€£ oops akala ko yan na talaga ang nararanasan mo.. hahaha
βοΈπ
TrutH! Wala namang perpektong magulang. At wala din naman sukatan o basehan ng "Tunay na Pagmamahal" para sa mga anak. Basta ang totoo, mahal natin sila at ginagawa natin ang abot ng ating makakaya para sknila.. π