Ano Ang Sekreto niyo para maging masaya laying mag-asawa..Nice topic Ito..Patulong naman

3
$
User's avatar
@Basahinako posted 4 years ago

Comments

Sa babae wag dapat mabunga-nga mag usap nang maayos, at intindihin ang asawa.. Sa lalaki ma kuntento sa asawa mo, respito at maging sweet ka naman palagi..

Anu paba..

$ 0.00
4 years ago

Matutong makuntento at pahalagahan ang bawat isa. Huwag mawala ang respeto at pagmamahal ❣️.

$ 0.00
4 years ago

Nakahula ba sa Bibliya ang tungkol sa mga pandemic? Hindi inihula sa Bibliya ang espesipikong mga sakit gaya ng COVID-19, AIDS, o Spanish flu. Pero inihula nito na magkakaroon ng “mga epidemya” at mga “nakamamatay na salot.” (Lucas 21:11; Apocalipsis 6:8) Bahagi ang mga ito ng tanda ng “mga huling araw,” na tinatawag ding “katapusan ng sistemang ito.

$ 0.00
4 years ago

Matutulungan ba tayo ng Bibliya na maging handa sa likas na mga sakuna? Oo. Hindi man isang manwal para sa paghahanda sa likas na mga sakuna ang Bibliya, may mga prinsipyo naman ito na makakatulong. Halimbawa:

Patiunang magplano ng mga gagawin kapag may likas na mga sakuna. “Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago,” ang sabi ng Bibliya. (Kawikaan 22:3) Isang katalinuhan kung mayroon na tayong emergency plan. Kasama rito ang pagkakaroon ng emergency kit na madaling kunin. Praktisin din bilang pamilya kung saan magkikita-kita kapag may sakuna.

Pahalagahan ang buhay kaysa mga pag-aari. Sinasabi ng Bibliya: “Wala tayong dinalang anuman sa mundo, at wala rin tayong anumang mailalabas.” (1 Timoteo 6:7, 8) Dapat na handa nating iwan ang ating bahay at mga pag-aari kapag may sakuna. Tandaan, mas mahalaga ang ating buhay kaysa sa mga materyal na mga bagay.—Mateo 6:25.

Mga teksto sa Bibliya na makakapagpatibay sa mga biktima ng likas na mga sakuna Genesis 18:25: “Malayong mangyari na patayin [ng Diyos] ang matuwid kasama ng masama . . . Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong lupa kung ano ang tama?”

Ibig sabihin: Laging ginagawa ng Diyos ang tama; hindi siya ang dapat sisihin kapag may namatay na mabuting tao dahil sa likas na mga sakuna.

Awit 46:1, 2: “Ang Diyos ang ating kanlungan at lakas, handa siyang tumulong kapag may mga problema. Kaya hindi tayo matatakot, kahit may pagbabagong mangyari sa lupa.”

Ibig sabihin: Anuman ang mangyari sa paligid natin, bibigyan tayo ng Diyos ng lakas na kailangan natin.

Isaias 63:9: “Sa lahat ng paghihirap nila ay nahihirapan siya.”

Ibig sabihin: May empatiya ang Diyos—nararamdaman niya kapag nagdurusa tayo.

Juan 5:28, 29: “Darating ang panahon na ang lahat ng nasa mga libingan ay makaririnig sa tinig [ni Jesus].”

Ibig sabihin: May pag-asa tayong makitang muli ang mga namatay nating mahal sa buhay dahil binigyan ng Diyos ng kapangyarihan si Jesus na bumuhay ng patay.

1 Pedro 5:6, 7: “Magpakababa kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos . . . habang inihahagis ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong álalahanín, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.”

Ibig sabihin: Talagang nagmamalasakit ang Diyos sa atin at gusto niyang sabihin natin sa panalangin ang mga kabalisahan natin.

Apocalipsis 21:4: “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa mga mata nila, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot. Ang dating mga bagay ay lumipas na.”

Ibig sabihin: Aalisin ng Diyos ang lahat ng dahilan ng pagdurusa, kasama na ang likas na mga sakuna.

$ 0.00
4 years ago