"WE ACCEPT THE LOVE WE THINK WE DESERVE."

Lahat naman tayo gustong mahalin diba? Lahat tayo gustong masuklian yung pagmamahal na binibigay natin. Lahat ng iloveyou, efforts, pagmamahal, at pagsasakripisyo gusto nating maibalik satin. Pero hindi 'yun dahilan para tanggapin natin yung pagmamahal na hindi naman natin deserve. Bakit ka nag- stay? Bakit patuloy mo pa ring minamahal despite of all the bad things he/she did? Dahil mahal mo? Sobrang mahal na mahal mo? Dahil sa memories na hindi mo mabitawan? Dahil legal kayo both sides? Dahil may nangyare na sa inyo? Treat yourself right. Iba yung pagmamahal na may warmth pa kaysa sa pagmamahal na nanghihinayang sa mga pinagdaanan. Wag ka magstay dahil sa mga memories nyo, sa mga nangyare, at sa mga taon na dumaan sa inyo. Mag stay ka kase deserve mo mag stay. Kung karapat dapat ka talaga hindi mo mararamdaman na wala ka lang, na baliwala ka lang, na wala kang kwentang girlfriend o boyfriend. Kung talagang mahal ka ng partner mo you will still feel his/her presence kahit na busy sya o malayo kayo sa isa't isa. Hindi ko sinasabing iwan mo sya or what, gusto ko lang malaman mo yung halaga mo. Kasi kung paulit ulit ka nalang nyang ginaganyan, bakit ka pa nanjan? Why don't you fight for what you think is right? You deserve to be happy, everyone does. There is someone out there na deserving sa pagmamahal mo, sa effort mo, sa sacrifices mo, wag mo ikulong ang sarili mo sa kanya. So why do you accept the love you don't deserve? Siguro akala natin sila na yung para satin, mahal kasi natin kaya tayo nagpapakatanga at nagpapakabulag. Dahil sa pagmamahal natin sa kanila nagkakaron ng fence between what is right and wrong. Nakakalimutan na natin yung halaga natin. Mahirap magising, mahirap matauhan, mahirap ipaintindi sa puso natin na hindi lahat ng taong dumadating sa buhay natin ay deserve natin. May iba na napadaan lang, may iba na mananakit lang, at yung iba naman mag stay naman kaso panandalian lang. Wag nating madaliin ang love, millenials! 7 bilyon ang tao sa mundo, hindi tayo mauubusan. Don't settle for someone who don't deserve you. Sa mga kagaya ko na nagmahal, sinaktan at natauhan, mabuhay tayo! We will meet the One, wag lang tayong mag-apura. Sa mga nanakit samin, maraming pwedeng maging hobby bakit pananakit pa? Haha. Dejk lang, thank you for the lessons. Let's celebrate life! Kampaii!

4
$
User's avatar
@Ruby.rubi posted 3 years ago

Comments

Ang sakit mo naman mag salita HAHAHAHA joke lang, ang ganda basahin I hope na makita to ng mga sponsors.

$ 0.00
3 years ago