magandang umaga o gabi man sa sinuman bumabasa ng kwento ko ngaun. enjoy lang po sa pagbabasa.

"Ang Pinakamalakas na Aswang"

"Tanghaling tapat ay nagwawalis at naglilinis si Zivy ng bakuran n'ya. subrang kalat na kasi, minsan lang kung umuwi si Zivy sa bahay bakasyunan nila mag anak dito sa probinsya ng mindanao. siya lng ang nakapunta dahil bz masyado ang kanyang Ina At Ama sa negosyo nila sa Maynila.

habang nag lilinis s'ya nakita n'ya may bagong lipat sa harap ng bahay nila. nakatingin lang sa kanya ang mga ito parang pinag mamasdan lang s'ya sa buong maghapun na paglilinis n'ya. binabaliwala lang niya ang mga ito, kasi nga ngayon lang s'ya nakabalik dito sa bahay bakasyunan nila.

lumipas ang oras ay madilim na kaya naiisipan ni Zivy na magluto na nang kakainin n'ya ngaung gabi. habang nag luluto s'ya ng pagkain napansin n'ya na may nakatingin sa kanya sa labas ng bahay. piro hindi n'ya iyon pinapansin tuloy parin s'ya sa pagluluto. hanggang natapus na siya kumain halata n'ya parin ay may nakamasid sa kanya. hanggang pumunta na s'ya sa higaan niya ay may nakatingin parin sa kanya, kaya naging alerto na S'ya.

habang nag tutulog-tulogan s'ya, may isang Aswang na papalapit sa kanya gusto na dukutin ang lamang loob n'ya. biglang sinunggaban ng Aswang ang kama na hinihigaan ni Zivy, lahat ng unan at kumot ay punit sa talas ng koko ng Aswang. nagtaka ang Aswang dahil walang taong nakahiga doon. biglang lumiwanag ang paligid ng kwarto kitang-kita ng Aswang ang mukha n'ya sa salamin, at paglingun n'ya may nakahawak na sa kanyang leeg at naka baon na ang mga koko nito.

hindi makagalaw ang aswang dahil subrang lakas ang nakahawak sa kanyang leeg, dahan-dahan siyang inangat pa taas. habang nakatitig ang Aswang sa mukha ni Zivy kita rito ang pagkabigla at pagkatakot hindi n'ya akalain na masmalakas pa ang taong ito sa kanya.

biglang tinapun s'ya ni zivy sa pader ng bahay, sa subrang lakas naputol ang mga ngipin nito napasigaw ang Aswang sa sakit. habang papalapit si Zivy sa Aswang para tapusin ito may biglang may umataki sa kanya sa likuran, isang magandang babae na kasing edad n'ya maputi at mahaba ang buhok mapupula ang mga labi at sexy ang katawan.

"nasugatan si Zivy ng patalim nang babae buti nalang nakaiwas s'ya ng atakihin ang puso niya ng babae. tumakbo bigla ang babae sa Aswang para ito ay tulungan. Papa! Papa! Papa! pasigaw na tawag ng babaeng maganda. biglang nagbagong anyo ang Aswang at naging tao. umiiyak na ang babaeng maganda habang kayakap ang kanyang Ama. dahan-dahan lumalapit si zivy sa dalawa, habang tumatawa, hahaha!hahaha! nagkamali kayo nang bahay na pinasok at taong papatayin!! dahil hindi ako tao hahaha! hindi nyo ba naramdaman ang nakabalot na kataohan ko.

biglang nagbago nang anyo si Zivy,"Ang mga mata nito ay naging pula at may lumabas na pangil, ang mga koko nito humaba at naging kulay itim. subrang gulat ng mag Amang Aswang kasi nga ito ang pinaka malakas na Aswang sa lahi nila. hindi nila alam ay maynabubuhay pa sa lahi ng mga ito. kasi nga nagsanib ng lakas ang engkanto at aswang noong unang panahon para maubos ang lahi nila, kasi ang pagkain nila ay kapwa nilang mga halimaw. natakot noon ang mga halimaw kaya pinag tulungan nila maubos ang lahi nang mga ito.

Alpha ang tawag sa kanila isa sa pinakamalas na halimaw sa buong mundo. hindi alam ng mag ama ay makakaharap sila ng isang Alpha, kaya halong takot at pagkabigla ang naramdaman nila.

biglang lumuhod sa harapan ni Zivy ang Ama na Aswang humihingi ng tawad... habang ito ay umiiyak!! "S'ya nalang daw ang patayin wag na ang kanyang Anak. biglang lumapit ang magandang babae kay Zivy sinampal siya nito at sinabing... hindi ako natatakot sayo hindi mo kami kayang patayin agad sinak-sak ng babae si Zivy sa tagiliran!!! biglang hinawakan ni Zivy ang ulo ng babae at pinalapit sa kanyang mukha, biglang hinalikan ni Zivy ang labi nang babaeng maganda, lasap ng babae ang labi ni Zivy nasarapan siya sa halik ni Zivy, subalit kinagat n'ya ang labi ni Zivy at tinulak N'ya ito papalayo sa kanya, kaya nasugatan ang labi ni Zivy at nag dugo.

imbis na magalit si Zivy tumawa pa ito at nag salita, hahahah! hahaha! gusto kita babae! ang tapang mo!!? ikaw palang ang taong nakasugat sa katawan ko, at tumanggi sa mga labi ko hahhaha! biglang kinuha ni Zivy Ang patalim sa kanyang tagiliran at binigay sa babae!! nagulat sila kasi naghilum ang lahat ng sugat nito na parang walang nangyari... at sinabi sa dalawa, hindi ko kayo papatayin basta walang makaka-alam sa nangyari dito ngaung gabi. walang makaka alam?? tayong tatlo lang na nandito sa kwarto!!.. kahit ang asawa mo at ibang kamag anak nyo walang makaka alam. kapag nalaman ko na may ibang nakaalam nito uubusin kong ang buong pamilya mo at kakainin ko kayong lahat!!!...

kaya pina uwi na ni Zivy ang dalawa subrang saya ng dalawa kasi binuhay pa sila ng Alpha. lumipas ang gabi, hindi nakatulog si Zivy sa kakaisip sa magandang babae nakalimutan n'yang itanung ang pangalan ng babaeng maganda. ngunit ang babaeng maganda ay galit at pagkainis ang naramdaman nya ng gabing iyon gusto n'yang patayin si Zivy. dahil nasaktan ng husto ang Ama n'ya at ninakawan S'ya ng halik, subalit may kilig s'yang naramdaman habang hawak-hawak n'ya ang kanyang labi. iniisip n'ya ang mukha ni Zivy subrang gwapo nito, subalit natakot s'ya ng nagpalit ng anyo bilang isang alpha. kaya gusto n'ya ito patayin baka mapahamak pa ang buong pamilya n'ya.

lumipas ang oras, tanghali na nagising si Zivy, pag-gising n'ya nakita n'ya sa labas ang Ama nang babaeng maganda naglilinis sa bakuran n'ya,wala na rin ang mga damong malalabong at matataas. subrang linis na ng bakuran ni Zivy, kaya mabilis s'yang lumabas para tanungin ang papa ng magandang babae. "Anu ang ginagawa mo dito?tanung ni Zivy sa papa ng babaeng maganda. "bumabawi lang ako iho! at napatawad mo ako sa ginawa ko sayo kagabi, at sana patawarin mo rin ang aking Anak kasi masyado talaga yung matapang. sagot ng Ama ng babaeng maganda. sumagot si Zivy ok lng po yun, ako po dapat humingi ng tawad sa inyo kasi po nasaktan kita ng husto kagabi, ok lang po ba mga ngipin nyo manong? oo iho!! talto lng ang naputol magaling naman siya.. pinahiran ko na nang lana ng mga aswang para madaling gumaling. sagot ng lalake. anu po pala pangalan n'yo ginoo? ako nga pala si Chong, yan ang tawag saakin dito sa lugar natin. ikw anu ang pangalan mo? ako po si Zivy bakasyon lang po ako dito sa lugar natin mga dalawang taon lang.

"S'ya nga po pala anu ang pangalan ng Anak n'yo Chong? Ah! S'ya nga pala si khaye nag iisa kong anak, hindi s'ya katulad ko na aswang normal na tao siya piro ang lakas n'ya parang sa aswang din kasi kumakain din s'ya ng tao piro kaylangan nya pang lutuin bago n'ya kaininin. sagot ni Chong kay Zivy.

Ah ganun po ba!,ako po hindi kumakain ng tao mga hayop lng at mga halimaw na masasama ang kinakain ko, pag masama ang halimaw maslalong masarap ang karne!!.. dito kana po kumain Chong magluluto lang ako may lamang loob dyan sa kabinet bagong huli ko po yan kahapon bago ako nakarating dito, lamang loob po yan ng isang mabangis lobo sa gubat. biglang napanganga si chong, yan ba ang lobo na kasing laki ng tao? opo Chong bakit po? "Zivy yan ang lobo na alaga ng aming pinonong Aswang dito sa lugar natin kasing lakas ng limang aswang ang lakas ng lobo na yan.sagot ni Chong. hahaha!tumawa si Zivy malakas ba yan isang suntok ko lang yan sa kanyang puso, habang inataki n'ya ako sa kagubatan, hindi nga ako nagalusan n'yan.sagot ni Zivy kay chong.

Zivy wag kang maingay sa iba baka hanapin ka ng pinono namin at patayin dahil sa ginawa mo sa kanyang alagang lobo. "Mag iingat ka Zivy baka malaman nila na ikaw ang may gawa sa pagkawala ng alaga niyang lobo...? tumawa nanaman si Zivy, hahahaha!hahaha! "Yun nga ang gusto ko Chong sila na ang lalapit sa akin para maging pagkain ko ahhaha! ahhaha! ... Pati si chong nangilabot kay Zivy kasi alam nya naman kung gaano ka lakas si Zivy, kaya kina ibigan n'ya ito para hindi madamay ang kanyang pamilya kapag nagutom si Zivy.

habang kumakain ang dalawa may tumawag sa labas ng bahay, Ang anak ni Chong, si Khaye. Papa! Papa! may tao sa bahay hinahanap ka? pagsigaw na tawag ni khaye sa labas ng bahay. lumabas si Chong at nag tanung sino ang naghahanap sa akin khaye? taohan ni pinono Papang pinapatawag po daw tayo para sa isang mahalaga pagtitipun at sa mahalagang minsahi ni pinono.

Na isip ni Chong baka pinatawag sila dahil sa alaga nitong lobo na pinatay ni Zivy. kaya madaling umuwi si chong para malaman kong ano ang dahilan nag pagpapatawag nang kanilang pinono. habang papauwi si Chong sinalubong na s'ya nang taong nag hahanap sa kanya, at kanyang kina usap. "Anuba ang Problima kaibigan? "bakit kami pina tatawag ng pinono? sumagot ang lalake may malaki tayong problima Chong may pumatay sa lobo na alaga ni pinono! hindi basta-basta ang pumatay dun kasi kahit sinu sa atin dito na aswang walang makakapatay dun! kaya maging alerto ka napasok tayo ng malakas na halimaw. bukas ng gabi pumunta ka sa bahay ni pinono para pag-usapan ang tungkol dito? at agad umalis ang lalake palayo kay chong.

alam na ni Chong kung sino ang kinatatakutan ng mga Aswang ngunit kaylangan nya maging tahimik para hindi madamay ang buong pamilya n'ya, at alam naman niya na Mabait si Zivy na isang malakas na Alpha.

itutuloy,

paki hintay lang po ang kasunod, marami pang exciting na magaganap, like at comment lang po para ganahan ako sa paggawa, salamat po sa pag babasa..

1
$
User's avatar
@rob003 posted 3 years ago

Comments