"Singsing"

Nandito kami ngayun ng jowa ko sa mall.

Napapansin ko nga dito sa girlfriend ko.Kanina pa niya tinitignan yung sing sing.

Dahil sa curious tinanong ko na siya.

"Baby gusto mo ba yang sing sing na yan?"Sabay akbay ko dito.

"Ahmm hihih oo eh.Napaka ganda kasi "Sabay tingin ulit sa singsing

Gusto ko sana itong bilihin pero wala akong sapat na pera para mabili ito.

"Baby wag kanang malungkot ok.Bibilhin ko yan para sayo.Kaya smile kana .Pero hindi pa sa ngayun kasi wala pa akong pera "Sabay ngiti ko dito.Napatango naman ito at ngumiti.

Mahal na mahal ko talaga tung gf kung to.Lahat ng gusto niya binibigay ko.

Kahit minsan madalas ko siyang mahuling may katawag sa phone na lalaki.Hindi ko na lang iyon pinansin.May tiwala naman kasi ako sa girlfriend ko.At alam kung hindi niya ako niluluko.


Nag trabaho ako.Para lang makuha iyong singsing.Nag ipon ako halos di na ako kumakain .Mabili ko lang ang gusto ng babaeng pinaka mamahal ko.

__

Sawakas at nabili ko na ito.Excited na akong ibigay ito sakanya.Sigurado akong matutuwa iyon.

Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ang aking pinaka mamahal na babae.

Kahit ang kasayahan niya ay ang labis na ikakasakit ko.

Handa akong mag sakripisyo para lang sakanya.

Lahat gagawin ko para sa kanya .Dahil ganun ko ito kamahal.Siya na ang naging mundo ko.


Aalis na sana ako upang ibigay ang sing sing sa pinaka mamahal kung babae.Ngunit nag ka problema .Dahil pinag babawal ng lumabas at mag byahe.Dahil sa covid na nagaganap ngayun.Kaya i chachat ko na lang ito.

Convo with him.

Me:Baby may sasabihin ako sayoMasaya kong saad

Her:ako din maysasabihin sayo

Me:sige sabay na tayo baby

Her:sorry.... matagal na pala kitang niluluko..hindi talaga kita mahal.Pinagpirahan ka lang talaga namin sorry may jowa na ako.

Typing palang ako ng nabasa ko na agad ang gusto nitong sabihin.

Biglang tumigil ang mundo ko.Halos manginig lahat ng katawan ko.Di ko namamalayan umiiyak na pala ako.

Ang sakit shit.Parang unti unti akong dinudurog.

Pinag katiwalaan ko siya.Akala ko mahal talaga niya ako.Pero lahat ng iyong ay akala lang pala

Di ko magawang magalit sakanya.Kahit sobrang sakit ng kanyang ginawa saakin.Hindi parin ako magagalit.

Mahal ko siya eh .Kahit gawan niya ako ng ikakasakit ko.Tatanggapin ko parin siya.Mamahalin ko parin siya.Kahit sobrang sakit na.

Kung saan siya masaya dun na din ako.Wala eh .Hindi siguro siya talaga masaya saakin.

Yung binigay mo na lahat sakanya.Pero nagawa ka paring lukohin

1
$
User's avatar
@rob003 posted 3 years ago

Comments