WANTED YAYA

"Mukhang interesting ito huh? 50k per month? Mag aalaga lang ng bata? At libre pa lahat? At 10 years Contract pa? May ganun? Yayamanin ang pamilya na ito."sabi ni Alice isang Probinsiyang nang nag hahanap ng trabo sa siyudad.

Naroon siya sa isang computer shop para mag apply online.

At nagka interest nga siya sa Wanted YAYA na may 50 k per month.

Kaya sinubukan niya mag pasa ng Resume baka sakaling matanggap.

Hindi na bago sa kaniya ang mag alaga ng mga bata, dahil pito silang magkakapatid at siya ang panganay at siya ay nasa edad 22 pa lamang.

"Kapag ako talaga nag kapamilya isa o dalawang anak lang pwede na! Ang hirap kaya ng buhay pasaway kasi ang mama at papa ko masyadong nagmamahalan dumami tuloy kami.'"sabi ni Alice.

Dahil nga sa dami nila hindi na siya naka pag kolehiyo after high school kung saan na siya namasukan para kumita ng kakarampot na salapi.

Kaya naman malaking tulong sa kanila kapag natanggap siya sa inaplayan niyang trabaho.


Pero sa lumipas na isang buwan..

Walang responce ang mga pinasahan niya ng Resume, kabilang na ang may 50k per month.

"Minamalas nga naman? Malapit na bayaran ng tubig at kuryente mga baon pa ng kapatid ko."Namomoreblemang sabi ni Alice.

Dahil hindi rin sumasapat ang maliit nilang sakahan sa bukid, sapat lang na makakain sila.

"Sana ang buhay parang Fairytale na lang tulad ni Cinderella."sabi ni Alice na napapabuntong hininga na lamang.

Hanggang sa...

Nag Vibrate ang Cp niya sa kaniyang bulsa na kaniyang ikinagulat.

"Palakang Bakla!"

Biglaang sabi ni Alice ng siya ay magulat.

"Number lang? Sino naman kaya ito?" Tanong ni Alice.

"Hello sino po sila?" Tanong ni Alice.

"Ikaw ba si Alice Tolome?" sabi nito.

"Opo ako po yun. Pero huwag ninyo na po banggitin ang Surename ko ang sagwa kasi."sabi ni Alice.

"Natanggap ko ang Resume bilang Wanted Yaya, tanggap ka mag sisimula ka agad matapos natin mag pirmahan ng mga kasunduan."sabi nito sa kaniya.

"Mga kasunduan? Anong mga kasunduan?'"tanong ni Alice.

"Dito na lamang natin pag usapan, 50 k per month ang sahod mo at may mga Benifits ka rin tulad ng mga iba pang manggawa hihintayin ko ang pag datiing mo,mag papadala ako ng pera para wala ka ng problema sa pamasahe."sabi muli nito sa kaniya at naputol na ang linya.

"Wow! Akalain mo yun? Tanggap na ako 50k per month? Mababago na kahit paano buhay namin! Sana may gwapong Driver dun o kaya gwapong Hardinero na may Abs! Tapos pawisin pa!" Kinikilig na sabi ni Alice.

1
$
User's avatar
@rob003 posted 3 years ago

Comments