GOD is Good❤️❤️❤️

Share ko lang ang kwento ko.. July 22,2016 nanganak ang asawa ko sisaryan sa 1st baby namin🥰🥰syempre masaya kami dahil may baby angel na kami finally after 2years of being married.💞thanks GOD⛪3days after hindi pa din nakakalabas ang mag'ina ko sa hospital na naging dahilan para lagnatin ang anak ko at sabihin ng doctor na need iconfine ang anak ko..Sa ospital na yon grabe higpit mother lang talaga ng baby ang pwede magbantay sa loob bawal ang ibang tao..Awang awa ako sa asawa ko dahil nga sisaryan sya tapos mag'aalaga pa na bata.,kaya gumagawa ako ng paraan pra matulungan sya mag'alaga at makapahinga din sya kahit papaano.1week after e nakalabas na din ang mag'ina ko sa ospital.Thanks God❤️. August 2016 e nakakaramdam ang asawa ko ng hindi maganda sa katawan nya,anjan ung hinhingal sya at naghahabol o nahihirapan huminga..Halos 1 buwan mahigit nya nararamdman yon at tiniis.Yung time na un e nasa Manila ako nagwowork non kaya umuwi ako ng September para ipacheck up sya..Yon na nga ayon sa result nagkaroon ng Cardio miopathy ang asawa ko o sakit sa puso.nagkaroon ng tubig o umakyat ang tubig sa puso nya na dahilan ng hingal at hirap huminga nya😢..Yon ata ung manas na tintawag nila kasi grabe manas ng asawa ko ung pagkatpos nya manganak tapos nagbantay p sa bata.kawawa talga😢.September 12,2016 ung pincheck up ko sya sa espesyalista sa puso sabi ng doctor e need na daw iconfine ang asawa ko ASAP bago pa daw kami maunahan ng atake.Yung time na yon another problem nanaman is pera,halos wala kami talaga pera non kaya pano ko paconfine asawa ko.naawa ako.Sabi pa ni Dok e mga 3days lang kami don sa ospital sabi nya at pwede namin magastos is 3k n lang if may philhealth kami..Ginawa ko dinala ko muna sya sa public ospital don sa ospital kung saan sya nanganak pero hindi sya tinanggap dahil wala na daw space..Kahit sa hallway may mga beds na para sa patients..😢wala na kami option kasi almost 5pm na non at kapag madilim na halos wala ng sasakyan don kaya dinala ko na lang sya private don sa ospital ng doktor nya sa puso.Naconfine na nga ang asawa ko pero sa charity room lang kasi wala kami pera non.500/day ang rent sa room.Sinalang agad asawa ko sa mga test at laboratories.Madami ginawa sa kanya.Unang araw pa lang yon at sa unang araw e ok naman ang sitwasyon.2nd day namin around 1pm non dumating ang doctor nya sa puso at tinignan sya at kinausap kami..Sabi nya is ok naman daw ang asawa ko kaya bukas e pwede na kayo makauwi kaya sabi namin is salamat Dok..Masaya kami kasi ok naman daw at reresetahan na lang daw kami ng gamot...bandang 2pm pumasok ako sa cr para magjingle😂at paglabas ko ng cr e tumanaw ako sa bintana nakatingin sa malayo,nasa 4th floor kasi kami non..Eto na yung time na dadating na pala ang pinakamalaking dagok sa buhay ko at sa buhay namin mag'asawa.Habang nakatanaw ako sa bintana eh hindi ko alam sa likod ko pala e inaatake na ang asawa ko.😭kung hindi pa nagsalita ang mga kasama namin sa kwarto e hindi ko mapapansin may nangyayari na pala.paglingon ko nakita ko sya naninigas,nangitim at grabe na nangyayari sa kanya😭.natulala ako halos awang awa ako sa asawa ko..Salamat sa mga kasma namin at sila na ang tumawag ng doktor at nurse.Grabe ung time na un kitang kita ko na nasa kritikal ang kalagayan ng asawa ko😭😭.Yung time na yon grabe dasal ko dahil naalala ko bigla ang anak namin.Sabi ko Lord iligtas mo po ang asawa ko kawawa naman ang anak namin if may hindi mganda mangyari sa mommy nya.Napakabata pa ng anak ko.Naawa ako sa mag'ina ko.Madami ginwa ang mga doktor at nurse sa asawa ko para makasurvive sya dahil halos huminto na tibok ng puso nya.Anjan na din ung sumusuka na sya.nagwawala,ung style kombulsyon grabe talga..naiihi na sya sa panty nya..as in grabe talaga madami pa gamot tinusok sa kanya.Ako wala ako nagawa kung hindi tignan lang sya..after 10minutes nasurvive sya ng mga doktor at nurse.Thanks God.. Sinabihan ako ng doktor na need daw ilagay sa ICU ang asawa ko.Nagtanong ako kung magkano ba ang magagastos kung saka-sakali..Sa ICU nasa 20-25k hindi pa kasama ung 10k sa doktor at gamot nya ang magastos kada araw😲😲gulat ako kasi ang pera na lang namin is 2500😢.walang wala na talga kami bala para sa giyera nato huh😢😢.Sinabihan pako ng nurse na pwede naman daw ilipat sa ibang ospital ang asawa ko sa public kasi nga nasa private kami ospital.Napaisip ako bigla kung dalhin ko asawa ko sa ibang ospital tapos hindi tanggapin baka mapahamak pa lalo ang asawa ko🤔Kaya nag desisyon na ako na ipasok ang asawa ko sa icu nila kahit wala kami pera.bahala na sabi ko importante makaligtas ang asawa ko..Yon na nga pinasok na ang asawa ko sa ICU..sobrang stress nako ng time na yon sobrang dami ko iniisip kung ano ano..Pumunta ako sa chapel para magdasal...🙏🙏🙏 Madami ako dinasal,tanong at hiningi kay Lord..Ang pinakadinasal ko tlaga is yung maging ok na ang asawa ko para sa anak namin kahit hindi na para sa akin..Ayoko kasi maranasan ng anak ko na wala syang tatay o nanay sa paglaki nya.Ayoko maranasan nya ung naransan ko noong bata pako dahil nga namatay ang tatay ko ung bata pako..Mahal na mahal ko ang mag'ina ko sobra.. 3days sa ICU ang asawa ko. Grabe na ang stress ko dahil walang wala na kami talaga kahit piso.Sa ospital na yon hindi ka makakakuha ng gamot kung hindi mo bibilihin o magdedeposito sa pharmacy nila.Grabe talga.kya nangyari utang doon utang dito.Paano na sa susunod pang mga araw..Nilipat ang asawa ko sa isang kwarto para don magparecover..1k naman ang rent per day grabe..Nagkaproblema nanaman kami sa pinansyal dahil need turukan ng antibiotic ang asawa ko sa umaga at gabi na nagkakahalaga ng 3200 isang araw..1600 sa umaga at 1600 sa gabi..yan ang price ng gamot..Wala ako ginawa kung hindi magdasal at humingi ng tulong kay Lord..Salamat dahil kahit wala kami kapera pera is may nangyayaring kakaiba o himala ba tawag don..Bigla bigla e may dumadating na grasya.meron nagpapahiram at nagbibigay na dahilan para makabili ako ng gamot para sa asawa ko.Kya salamat po Lord🙏🙏🙏 Isa sa naalala ko pa hanggang sa ngayon e yung pumunta ako sa pharmacy at nakiusap na kung pwede ako bumili ng gamot pero kulang ang pera ko ng 60pesos..kasi 1540 lang pera ko.Nakiusap ako para lang matusukan ang asawa ko ng gamot,pero hindi pumayag ung staff at sinabihan pako na balik ka na lang kapag kumpleto na pera mo..sobrang naiinis ako non,kasi todo pakiusap ko na ibabalik ko na lang ang kulang sa susunod na bumili ako.Buti na lang meron isang tao na mabait at dingdagan un pera ko para makbili ako gamot.Thanks Lord.. Sa araw-araw e sobrang stress ko talaga kapag tinusukan na ang asawa ko ng gamot e iisipin ko nnaman para mamaya kung saan ako kukuha pambli para mamaya nnaman😔😔.Ang naging sagot ko sa mga problema ko is panalangin na mataimtim..September 22,2016 is pwede na makauwi ang asawa ko.nilakad ko ang lahat na kailangan lakarin.Umabot sa 161k ang bill namin sa ospital..😲😲labas na ang philhealth jan.huh grabe san ako kukuha ng pambayad jan.Nakiusap nako sa ospital para mabawasan pa kahit papaano ung bill namin.Kinausap ko na mismo ang may'ari na talaga ng private hospital na yon grabe ang pagmamakaawa ko kulang na lang e sambahin ko siya.Pero grabe lupet at tigas ng puso nila huh..😢Sinabihan pa ako na kung hindi ko kaya bayaran ung bill hindi pwede umuwi asawa ko.take note kasama pa si kapitan para mkapagusp at masiguro na hindi kami miymbro ng budol budol😂gagawa sana kami ng promisorry note.pero wala hindi talaga pumayag si owner .Syempre nagaalala ko sa asawa ko bawal mastress sya..auko magisip sya kaya pagdting sa pinansyal na problema e sinasarili ko na lang.😥..Naghanap kami ng mauutngan para makalabas na asawa ko sa ospital.may nautangan pero kulang pa din kaya nakaisip ako ng ibang paraan.Kinausap ko ung 2 doktor na in charge sa asawa ko.Kinausap ko sila na kung pwede po ba e kalahati lang muna ang ibayad ko sa professional fee para maiuwi ko na ang asawa ko at makapagwork nako para mabyaran sila.Kasi kung hindi ko po maiuwi asawa ko lalo kami tatagal at lalaki lalo ang bayarin namin sa ospital..Salamat Lord at naawa sila pumayag sila at wala daw problema naiintindihan nila ang gaya ko.Thanks Lord. Nakauwi na nga kami at may naiwan pang konting balanse sa ospital.Nilakad at nilapit ko yon sa mga pwedeng lapitan..Salamat sa pcso dahil nabayaran yon..nagawan namin paraan ilapit sa pcso kahit private hospital yon..Salamat sa isang staff sa ospital na yon na tumulong sa akin..👍👍 Madami pa po sana ako idagdag sa kwento kaya lang masyadong hahaba po eh baka tamarin na kayo basahin. Sa ngayon e nakarecover na ang asawa ko at ok na sya.Salamat kay Lord.❤️ Lesson learned..Sa nangyari sa buhay namin e lalo ako napalapit sayo..Napakabuti ng Diyos sa atin.Sa likod ng madilim na karanasan namin anjan ung akala namin wala ng pag asa dahil grabe krisis namin lalo na sa pinansyal e hindi kami pinbayaan ng Diyos. Napaisip ako sa sarili ko na kaya siguro nangyari ang ganon e dahil sa nakalimot kami sa kanya.Kaya kumbaga un ang way para maalala namin sya na lagi anjan para sa atin lahat.Salamat po.. Lord salamat po sa lahat ng blessings sa gitna na nangyaring problema sa amin hindi mo pa pa din kami pinabayaan.Sa time na wlang wala na kaming pinsyal e nakasurvive kami sa laban na yon na kung iispin ko talga until now e pano namin nalagpasan ang ganon problema..Yon po ay dahil sa inyo Lord.Salamat po sa lahat lahat..❤️❤️❤️❤️

2
$
User's avatar
@rob003 posted 3 years ago

Comments