DALAW SA GABI

MATAPOS kong maghapunan kasama si Lola ay dumiretso kaagad ako sa kwartong inihanda niya para sa akin. Nakita ko mula sa bintana ng silid ang sama ng panahon. Umuulan na naman na sinabayan pa ng pagkulog at pagkidlat.

Napapaisip tuloy ako kung bakit kada-dalaw ko kay Lola ay laging ganoon ang panahon. Parang ang lungkot.

Nang makaramdam ng antok at pagod dahil sa biyahe ay nahiga ako sa kama. Nakikita ko ngayon ang aking sarili na nakatingala sa puting kisame ng aking silid na may maliit na bumbilyang dilaw ang liwanag. Tinititigan ko lamang ito habang naglalakbay ang aking isip.

Maya-maya pa'y nawala ang pagkatulala ko nang mawalan ito ng liwanag. Kaagad kong inilabas ang aking cellphone upang ipang-ilaw sa paligid. Doon ko napagtanto na nawalan pala ng kuryente.

Ako'y bumangon upang lumabas sana sa kuwarto at puntahan si Lola ngunit paglapit ko pa lang sa pintuan ay nakaramdam ako ng pagtayo ng aking mga balahibo. Parang may humahaplos sa akin dahilan para manlamig ako.

Ilang saglit pa mula sa aparador sa gilid ng aking kama ay nakarinig na lang ako ng parang may kumakatok sa loob. Inilawan ko ito subalit bigla na lamang natigil ang kung anong ingay roon.

Nagsimula nang kumabog ang dibdib ko dahil sa takot. Hindi ko namalayan na patungo ang mga paa ko palapit sa aparador habang hawak ang aking cellphone.

Nang marating ay marahan ko na sana itong bubuksan ngunit isang ingay na naman ang narinig ko mula sa labas ng pinto. Napalingon ako sa pinto kasabay ng paggapang ng sindak sa akin.

Sunud-sunod na tadyak sa pinto mula sa labas ang naririnig ko. Rinig ko rin ang makapal na boses ng lalaking sigaw nang sigaw na tila may galit sa akin. Saakin ba? Ako lang naman kasi ang tao sa loob ng kwarto?

"Bubuksan mo 'to o papatayin ko ang Nanay at Tatay mo?!" bulalas niya na siyang hindi ko maintindihan kung ako nga ba ang kinakausap niya.

Muli akong napalingon sa aparador nang marinig kong tila may babaeng boses na mahinang humahagulgol sa loob nito. Para akong napako sa kinatatayuan ko sa sobrang takot. Gusto kong lumabas ng kwarto ngunit nauunahan ako ng kaba.

Naalala ko pa'ng sabi ni Lola, huwag na huwag ko raw bubuksan ang pinto anumang marinig ko o makita sa gabing iyon. Mas lumalakas pa ang pwersa ng lalaki sa pagtulak at pagtadyak sa pinto na gusto talagang pasukin ako. Sa sobrang lakas ng boses niya ay maging sa loob ng tainga ko'y dumudoble ang ingay niya. Sinabayan pa ng paghagulgol ng babae sa loob ng aparador na wari'y takot na takot.

Huminga ako nang malalim upang kontrolin ang emosyon ko. Hindi dapat ako magpa-apekto sa kung ano mang naririnig at maaaring makita ko sa gabing ito.

Pikit-mata akong bumalik sa aking kama at nagtalukbong ng kumot. Lumipas ang saglit ay nawala na ang ingay sa labas at wala na ring humahagulgol sa loob ng aparador.

Bagama't natigil na ay patuloy pa rin sa pagkabog ang dibdib ko kasabay ng pagggapang ng pawis sa buo kong katawan. Hinayaan ko lang na nakabukas ang ilaw ng aking cellphone sa loob ng kumot upang mabawasan ang takot ko.

Maya-maya pa ay marahan akong sumilip mula sa loob ng aking kumot sa aparador at sa pintuan. Tinutukan ko ito ng liwanag upang kumbinsihin ang sarili ko na wala na sila. Dahil dito kaya inalis ko ang kumot sa aking katawan.

Pinatay ko na rin ang ilaw ng aking cellphone. Muli kong naalala ang sinabi ni Lola, "Matulog ka lang at sa pamamagitan niyo'y aalis na sila." Gayundin, inalis ko ang takot sa aking sarili at nag-isip na lamang ng ibang bagay na makapagpapaantok sa akin. Datap'wat makukuha ko na sana ang tulog ko nang biglang may ibang nagkumot sa akin.

Napasigaw ako ng ubod nang lakas nang makita ko ang babae at lalaki na pinagitnaan ako sa paghiga. Kitang-kita ko ang pangungulila at pagsisisi sa kanilang mga mukha nang muling magka-ilaw sa kwarto.

KINABUKASAN ay nagising na lang ako sa pagkatok ni Lola sa pinto ng kwarto ko. Nag-unat muna ako bago bumangon saka siya pinagbuksan.

Umarko ang kilay ko nang bigla niya akong yakapin na parang may masamang nangyari sa akin. Doon ay naalala ko ang mga nangyari kagabi.

Ang malagim na nasaksihan at nakita ko bago ako mawalan ng malay at makatulog. Gumanti na rin ako ng yakap sa kaniya kasabay ng paghagulgol ko.

IKA-2 na ng Nobyembre ngayon at papunta na kami ni Lola sa puntod ni Mama at Papa, pati na rin kay Lolo.
Habang nakatayo sa ibabaw ng himlayan ng aking mga magulang ay napaiyak ako sa isiniwalat ni Lola.

"Isang gabi noon ay lasing na umuwi ang iyong Ama sa bahay dahil nalaman niyang may ibang lalaki ang Nanay mo. Galit na galit siya nang mga oras na iyon. Pinilit namin siyang pakalmahin ng Lolo mo pero 'di talaga siya maawat-awat. Papasok pa palang si Jun sa bahay noon nang makita siya ng Lolo mo kaya agad naming pinagtago si Emily sa kuwarto kung saan ka natulog kagabi. Pinagtago namin ang Nanay mo sa aparador kasama ka sa kadahilanang gusto kang kunin ng Tatay mo sa kaniya. Patawarin mo sana ang Tatay mo sa nagawa niya sa Nanay mo, apo. Gayundin ako sa ginawa kong pagsisi sa Lolo mo noon kaya siya nagpatiwakal."

Gustong bumagsak ng tuhod ko sa sobrang lungkot at panghihinayang sa sinabi ni Lola. Magmula pagkabata ay wala akong kinagisnang totoong magulang bukod sa kapatid ng Tatay ko na tinuring akong tunay na anak. Siya ang nagpalaki sa akin at sumuporta sa pag-aaral ko. Gustung-gusto kong umiyak pero 'di ko magawa dahil aminado akong may galit rin ako! Bakit naatim ni Tatay na patayin sa Nanay? Bakit hinayaan ni Lolo na mawalan ako ng Tatay? Hindi man lang ba nila ako naisip? Kung ano ang magiging buhay kung wala ang mga taong sana'y nagmamahal sa akin ngayon?

Gayunpaman ay sadyang hindi ko na mababaho ang husga ng kapalaran. Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit papaano'y may nagmamahal pa rin sa akin. Si Tito na kapatid ni Tatay at si Lola, teka! 'Asan na si Lola? Bakit bigla siyang nawala? Ganoon na lamang ang takot ko nang makita siyang binubungkal ang himlayan ni Lolo. Malambot ang lupa dahil umulan kagabi.

"Ano'ng ginagawa mo, Lola?!" pagkuwa'y bulalas ko.

"Huhukayin ko rin ang buto ng Lolo mo at ilalagay sa aparador ko para gaya mo ay dalawin din ako!"

Jusko Lord!

Wakas.

1
$
User's avatar
@rob003 posted 4 years ago

Comments