Bakit ang dali para sa iba to judge other people, to bash, mgcomment nangnegative towards other people? At kahit d personal na kakilala ha, marami paring pumupuna. Maraming perfect eh.

Sight ko lang as an example is when a certain celebrity post something on their social media accounts, kahit ano at sino pa yan, may masasabi talaga ang tao eh. 'Yon bang pag binasa mo ang mga comments eh parang kilalang kilala nya yong tao. Kung makapag comment pa eh wagas, kung makapanglait pa to the highest level. Tapos sasabihin lang, 'this is my opinion, this is my account" kesyo mga public figure naman daw yong mga artista eh nakakatanggap daw talaga nang pagpuna.

I got what you mean by that, pero dahil ba public figure ka eh ok lang na manlait ka? Ok lang na mgcomment ka nang mga nakakapanakit na salita? Hindi pa pwedeng isaayos mo ang pgcomment mo? Kasi hindi mo alam kung ano ang pwedeng maging epekto nyan sa ibang tao. Uu, karapatan mong magvoice out, pwede kang magcomment, pero sana isaayos mo. Wag kang pabibo. Kasi masyado nang toxic ang mundo, wang kana makigulo.

Hindi lamang to para sa iisang tao, para to sa lahat na ayusin nyo pag gamit ng social media accounts nyo. Ayusin nyo buhay nyo. Kung nega kayo, wag na mandamay nang tao. Mga ate at mga kuya, paalala lang naman to. Siguro naman pwede nating idaan sa mas maayos na paraan ang pag gamit nang mga accounts natin. Wag makiuso sa pangbubully at pangbash nang iba. Di nyo kinaganda yan. Short post sana to, na long na tuloy. Sige bye!😉

1
$
User's avatar
@Sexylove22 posted 3 years ago

Comments