Pusong dalisay

Namulat sa kabutihan, Puso ay dalisay at puno ng pagmamahal. Pagkatao ay purong totoo, walang mantsa ng kasamaan.

Negatibong bagay ay di tinatanggap ng sistemang puno ng positibong pananaw, Kabutihang asal sa lahat ay pinalaganap.

Banal na mga kataga binibigkas ng bibig, Salita ng Diyos, ay ipinakalat at buong pusong ginawa nang kusa.

Kawang gawa ay lumaganap, bukambibig ng lahat, Puso ay napuno ng galak, Buhay na banal ay niyakap.

1
$
User's avatar
@Dangkit06 posted 3 years ago

Comments