Joshua 6: 1-5 Alam na ni Joshua ang kalalabasan ng labanan sa Jerico dahil nangako sa kanya ang Panginoon ng tagumpay. Sinabi sa kanya ng Diyos ang dapat nilang gawin at hindi ito tipikal na plano sa pakikipaglaban. Ngunit sa kabila ng anumang pag-aalala na maaaring nadama nila, si Joshua at ang buong hukbo ay naniwala sa Panginoon at sinunod ang hindi pangkaraniwang plano ng Diyos.

May mga pagkakataon din sa ating buhay na ang pagsunod sa Salita ng Diyos ay nagiging isang hamon para sa atin dahil labag ito sa ating natural na pangangatuwiran. Madalas humahantong tayo sa pag-aalinlangan at minsan nangangatwiran sapagkat ito ay imposible.

Halimbawa: "... magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok." -Santiago 1:2

Maaaring may mga tanong tayo sa plano ng Diyos, ngunit sinasabi Niya na ito ay para sa ating ikabubuti. Ang dapat nating gawin ay matiwala at sumunod. PURIHIN ANG DIYOS!

4
$
User's avatar
@serchief posted 4 years ago

Comments