BOSES

Hello, I'm a silent reader this is my first time sharing my creepy experience here in socmed.

This story happened way back 2014.

Mayroon akong 5 babaeng kaibigan na lagi kong kasama. Si Seulgi, Joy, Irene at ang magkapatid na si ate Wendy and Yeri (Not their real name). Palagi kami sa comshop o di kaya sa bahay nina Joy, ate Wendy at Yeri nakatambay, na malapit din lang sa comshop kasi na sa iisang eskinita yung mga bahay nila. Bale yung bahay nila joy, yun na yung pinaka dulo ng eskinita; yung comshop, kahilera lang nung bahay nila ate Wendy at Yeri sa right side, pero gilid lang ng bahay nila ate Wendy at Yeri na may bintana yung nakatapat doon sa tulay na daanan papasok sa loob ng eskinita (sana ma-gets nyo).

One time may usapan kami na doon tatambay sa bahay nila Joy. Syempre mapapadaan ako doon sa gilid ng bahay nila Yeri at ate Wendy. Nagulat ako kasi narinig ko yung boses ni Yeri at Joy na tinatawag ako mula doon sa loob. "C, nandito kami. Halika dito" pagtawag ni Yeri sa akin na sinundan naman ng boses ni Joy na tila nangungumbinsi. "Dali bilisan mo. Pumunta ka na dito, C" after nilang sabihin yan, naghagikhikan sila. Syempre nagtaka ako bakit sila nandoon eh yung usapan namin, doon kami kela Joy tatambay. Isinawalang bahala ko rin yung saktong pagtawag nila sa akin sa pagdaan ko sa gilid ng bahay nila dahil naisip kong baka inabangan talaga nila ako sa bintana. Medyo mataas nga pala yung bintana at maliit din lang ako kaya hindi ko rin masilip.

Naisip ko baka iniba na nila yung plano kaya naman dali-dali akong pumasok sa bahay nila ate Wendy at Yeri. Hindi naman ako basta-basta pumapasok sa isang bahay ng walang consent ng may-ari. Pero dahil tinawag nga ako ni Yeri at Joy eh dumiretso na ako sa pinto at hindi na kumatok pa. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, nagulat ako kasi may hangin galing sa loob na tumama sa balat ko. Tapos patay yung mga ilaw. Gawa sa bato yung baba ng bahay nila at dikit dikit din yung mga bahay sa lugar namin kaya medyo madilim talaga kapag nakapatay yung ilaw. Natatawa pa ako nang bahagya nang sabihing "Hoy! Ano to? Tagu-taguan?". Pumasok ako sa kwarto nila, sinilip yung ilalim ng higaan, wala akong nakita. Sinilip ko yung banyo, wala pa rin. "Ang galing nyong magtago ah" Sigaw ko para marinig nila kung nasaan man sila nagtatago. Feeling ko na sa taas sila kasi may narinig akong kalabog. Kaya naman umakyat agad ako para hulihin sila. Pero natingnan ko na lahat ng pwedeng pagtaguan, wala pa rin sila. Tapos doon ko lang narealize na wala pala talagang tao sa loob. Doon na ako nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko rin may mga nakatingin sa akin nung mga sandaling yon.

Kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay. Saktong pagsarado ko ng pinto, nakita ko si Joy at Yeri na may kasamang babae na pinsan pala ni Joy. Nagtanong si Yeri kung bakit daw ako galing sa loob ng bahay nila at bakit daw ako namumutla. Hindi ko sinagot yung mga tanong at ang mga salita lang na lumabas sa bibig ko ay "Saan kayo galing?". Sumagot si Joy na "Nagpasama ako kay Yeri na sunduin si Hazel sa kanto. Bakit?" Kung galing sila sa kanto, kanino galing yung mga boses na narinig ko? Yan lamang ang mga naglalaro sa aking isipan magpahanggang ngayon. After kong mahimasmasan that time, kinuwento ko yung nangyari sa lima kong kaibigan at sinabi ni ate Wendy na kahit ang mama raw nila ay may ganoon din daw na karanasan sa bahay nila.

Hanggang dito na lamang po. Kapag sinipag ulit akong mag-type, next ko namang isshare yung karanasan ko sa inupahang bahay namin dati. Happy reading, everyone!

Ms. C

1
$
User's avatar
@Nicay05 posted 2 years ago

Comments