RAPE VICTIM

Naglalakad ang labing limang taong gulang na si Cassandra sa gilid ng kalsada. Galing ito sa pinuntahan niyang birthday party at gabi na nakauwi pa. Sa kanyang paglalakad ay walang ibang tao ang nasa paligid.

Tahimik ang buong kapaligiran at walang mga dumadaang sasakyan. Medyo kinalibutan s’ya sa mga oras na’to. Pero nagpatuloy siya sa paglakad para makauwi na sa kanila.

Hanggang sa may tatlong lalaki ang humarang sa kanya. May mga takip ang mga muka nito kaya’t ’di makilala ni Cassandra kung sino ang mga ito.

Dahil sa pangamba ay tumalikod ito at tumakbo ng mabilis. Pero hinabol siya ng tatlo, kaya’t nagsisigaw si Cassandra at humingi ng tulong. Pero tela bingi ang mga tao sa loob ng kanilang mga tahanan.

Wala isa sa kanila ang lumabas para tingnan kung sino ang sumisigaw. Nagpatuloy ang paghingi ng tulong ni Cassandra pero walang nagpakita sa kanya. Hanggang sa siya ay natapilok at nadapa. Doon na siya naabutan ng tatlong lalaking humarang sa kanya kanina.

“Walang hiya ka! Pinagod mopa kami. Ngayon, wala kanang matatakbuhan!” ani ng isa sa mga ito.

Ipinag-utos nito sa isa niyang kasama na buhatin si Cassandra at dalhin sa bakanteng lote. Nagsisigaw naman si Cassandra at humihingi ng tulong. “Tulungan niyo ’ko!” Pero tela bingi ang mga tao sa loob ng kanilang mga tahanan.

Pinilit ni Cassandra ang kumalas pero mahigpit ang pagkakabuhat sa kanya. Hanggang sa siya ay dinala na sa bakanteng lote at doon ay itinali.

“Ngayon, magiging akin kana—”

“ ’tol, tama ba’tong ginagawa natin? H’wag nalang kaya nating ituloy ’to. Napakabata pa niya at may mga pangarap pa ’yan sa buhay,” ani ng isa na siyang bumuhat kay Cassandra.

“Sira kana ba! Eh ano naman kong bata pa? Napakaganda niya at matagal kona siyang gustong mapa sa’kin. Kung ayaw mong tikman siya ay pumunta ka nalang sa labas at nagbantay!” sigaw nito na siyang may pakana ng lahat.

“Hahaha, 'tol, mukang naduduwag na ata ’yang si Jerry. Palibhasa kasi eh sunod-sunoran sa misis niya,” sabat naman ng isa pang kasama nila.

Tiningnan ni Jerry si Cassandra na pilit kumakalas sa pagkakatali sa kanya. Nais man nitong pakawalan ang dalaga pero wala siyang magagawa. Kaya’t ninais na lamang nito ang magbantay sa labas.

“Lalabas din pala.” Tumigin siya sa kasamang si Karl, na siyang may pakana ng lahat. “Sinong mauuna?” tanong nito. “Ako s’yempre.” Ngumiti ito at lumapit kay Cassandra.

Samantala...

Habang nagbabantay sa labas si Jerry— naririnig niya ang mga sigaw at paghingi ng tulong ni Cassandra. Pero wala siyang magawa dahil makapangyarihan si Karl. Kaya’t lahat ng gusto nito ay nasusunod niya.

Makalipas ang limang oras na pambababoy ng dalawa sa katawan ni Cassandra ay pinatay nila ito. Lumabas silang dalawa at iniwan ang katawan ni Cassandra sa loob.

“Anong ginawa niyo sa kanya?” tanong ni Jerry sa paglabas pa lamang ng dalawa.

“Eh ano pa, ’di ginahasa’t pinatay—”

“Ano? Bakit niyo siya pinatay? Ginahasa niyo na nga siya! Pinatay niyo pa!” Sinuntok siya bigla ni Karl sa muka.

“Hindi kaba nag-iisip? O sadyang Bobo kalang! Kapag binuhay natin siya, lahat tayo ay makukulong. Hindi moba ’yon naisip?” saad ni Karl.

“Karl, may-isip ’yan. Siguro kaya ’yan ganyan dahil ’di niya natikman ang dalagang si Cassandra.” Lumapit ito kay Karl at tinapik ang braso.

“Buti pa, ibigay muna sa mga tao rito ang pera. Pagkatapos no’n— sumunod kanalang sa bahay,” ani ni Karl.

“Oo tamang-tama, may sakit pa naman anak mo.” Lumingon ito kay Karl. “Tara na’t inaantok na’ko,” saad nito.

Samantala...

Matapos ipamigay ni Jerry ang mga pera sa mga tao sa lugar ay nagtungo na agad ito sa bahay ni Karl. Matapos niyang makuha ang pera ay pumunta na agad ito sa Ospital.

Kinabukasan, nagulantang ang lahat nang may isang dalaga ang natagpuang patay na’t walang saplot. Ang dalaga ay kinilala sa pangalan na, Cassandra.

Naroon ang mga Puli at media. Mga taong nag-uusisa sa nangyari sa dalagang si Cassandra. Nakarating ang balitang ito sa mga magulang ni Cassandra.

Ang kanyang ina ay nahimatay sa narinig na balita tungkol sa nangyari sa kanyang anak. Ang kanyang ama naman ay napaiyak sa kalunos-lunos na nangyari kay Cassandra.

Makalipas ang dalawang-araw— binurol na si Cassandra. Nakiramay ang mga kaibigan at kaklase nito. Naroon din ang mga lalaking nagkakagusto kay Cassandra. Lahat sila ay galit na galit sa mga taong gumawa nito sa kanya.

Hindi rin mapigilang mapaiyak ni Rodel, na kasintahan ni Cassandra. “Napakatanga ko! Bakit ’di kita nabantayan sa mga hayop na gumawa nito sa’yo!” Pumapatak ang mga luha nito at galit na galit sa mga taong gumawa nito sa kanyang kasintahan.

Maya-maya pa ay dumating ang tatlong lalaki— si Karl, Jerry at Anthony. Lumapit ang mga ito sa mga magulang ni Cassandra at nakiramay. Nang makita sila ni Rodel ay mabilis itong lumapit at sinuntok si Karl sa muka.

Agad namang umawat ang mga kasama ni Karl at mga taong naroon. “Hayop ka! Ikaw ang pumatay sa kanya!” pagsisigaw ni Rodel.

“Sigurado ka? Bakit? May ebidensya ka—”

“Gg ka! Alam kong matagal munang pinagnanasahan si Cassandra, at alam korin na marami kanang ginahasa't pinatay. Pero dahil sa pera ng mga magulang mo— nabayaran mo ang dignidad ng mga tao at ng batas!” Nagkatitigan silang dalawa sa mata sa mata.

Mapapansin nga sa itsura ni Karl na naiinis ito sa mga sinabi ni Rodel. “Hindi porket bata ka, ’di kita papatulan. Tandaan mo wala kang ebidensya sa mga binibintang mo!” naiinis na wika ni Karl.

Tumayo naman ang ina ni Cassandra at sinabihan si Rodel. “Pwede ba! Umalis kana! Galangin mo naman ang burol ng anak ko! Kung may dapat mang sisihin dito, ikaw ’yon Rodel! Dahil ’di mo siya binantayan!” galit na wika ng Ina ni Cassandra.

“Pero kayo ang nagsabi na ’di siya pupunta sa party—”

“Narinig mo ang sinabi ni aling Theresa. Umalis kana, bago pa’ko magpatawag ng mga Pulis at ipadampot ka.” Tinitigan siya ng masama ni Rodel bago ito tuluyang umalis.

Samantala...

Dahil sa walang tiwala si Rodel sa mga ka-Pulisan sa kanilang Probinsiya, ay humingi ito ng tulong sa mga Pulis-Maynila.

Kahit mapanganib ang kanyang ginawa na maaring ikapahamak niya at ng kanyang pamilya, ay desidido parin itong mabigyan ng hustisya ang kanyang kasintahan at ang mga nabiktima pa ni Karl.

“Karl, sa tingin mo. Ano kayang hakbang ang gagawin ni Rodel?” tanong ni Anthony rito.

“Tulad nang dati. Kapag may nangialam sa mga pangyayari— patayin at itapon ang katawan sa bakanteng lote,” tugon nito na siyang ikinangiti ni Anthony.

Pero si Jerry ay nakiusap na ’wag sasaktan si Rodel. Pero tumawa lamang ang dalawa at ’di pinakinggan ang pakiusap ni Jerry.

Kaya naman tinawagan ni Jerry si Rodel para bigyan ito ng babala sa possibleng gawin nila Karl. Hindi na ito nagpakilala pa at sinabihan si Rodel na mag-ingat.

Samantala...

Ito na ang araw na dadalhin na sa huling hantungan si Cassandra. Dumalo sa libing ang kanyang mga kaibigan at kaklase. Naroon din ang tatlo, na sinamahan pa sa pagdadalamhati ang mga magulang ni Cassandra.

“H’wag po kayong mag-alala aling Theresa. Kung sino man po 'yong pumatay sa kanya ay karmahin sana siya.” Niyakap ni Karl si aling Theresa at tinuon nito ang kanyang mga mata sa kabaong ni Cassandra.

Habang unti-unti ng binabaon sa hukay Ang kabaong ay nagulat na lamang si Karl nang makita si Cassandra na nakaupo sa mismong kabaong. Ito’y nakatingin sa kanya ng masama at tela ba galit na galit.

Tiningnan niya ang mga kaibigan at mga taong naroon kung nakikita ba nila si Cassandra. Pero tela wala namang nakikita ang mga ito maliban sa kanya.

Muli niyang itinuon ang tingin kay Cassandra na nakaupo sa kabong kanina, pero wala na ito roon. Pagtingin niya kay aling Theresa ay naging si Cassandra ito kaya’t napaatras siya sa sobrang pagkagulat.

“Ok kalang ba?” tanong ni Anthony sa kanya.

“May problema ba kay aling Theresa?” tanong naman ni Jerry.

“Wa-wala, a-aalis na’ko.” Mabilis itong nagtungo papunta sa kanyang sasakyan.

“Teka, ano bang nangyayari kay Karl?” naguguluhang tanong ni Jerry.

“Ewan, siguro nakita ang kaluluwa ni Cassandra.” nakangiting tugon nito.

Makalipas ang dalawang-araw— natagpuang patay ang binatang si Rodel. Puno ito nang mga saksak sa katawan at walang may-alam kung sino ang pumatay.

Hanggang sa may kumalat na balita, na ang pumatay raw kay Rodel ay ang kaluluwa ni Cassandra. Pinagbintangan nila na si Rodel ang gumahasa’t pumatay kay Cassandra.

Kaya’t pinalabas nila sa mga pahina, na ang pumatay kay Cassandra ay si Rodel. Ito rin ang naging pahayag ng mga ka-Pulisan at mga opis’yal.

Ilang araw na naging marunong ang pangalan ni Rodel sa kanilang lugar. Lahat ng mga tao ay tinuring na siyang batang kriminal. At para ’di na madamay pa ang pamilya ni Rodel ay mimabuti nang mga ito na lumipat nang lugar.

“Bilib talaga ako sa’yo Karl. Napakagaling mo! Napakahusay mo! Akalain mo, ang inosinteng binata ay naging kriminal!” ani ni Anthony.

“Eh kayo eh, wala kayong bilib sa’kin. Sabi ko naman sa inyo, kapag may pera ka, ’di ka mapapahamak.” Ngumiti ito at sabay uminom ng alak.

Samantala...

Dumating na sa Lugar ang mga Pulis-Maynila. Agad nagtungo ang mga ito sa Pulis-station sa lugar. Kinausap nila ang chief tungkol sa mga katiwalian sa Lugar.

Maraming mga nangyaring patayan at panggagahasa sa mga babae. Pero wala manlang ginawang hakbang ang mga ito para mahuli ang mga kriminal.

Si Pulis-Maynila, Christopher ang siyang nakipag-usap sa chief of Pulis ng lugar.

“Ipinadala kami rito para imbistigahan ang mga kapabayaan at katiwalian sa lugar niyo. Maraming mga kasong ’di nalutas at kasama na roon ang kaso ni Cassandra Loreno—”

“Nalutas na ang kasong ’yan!” sigaw ng chief.

“Nalutas? ’yon ba ang tinutukoy mo ay ang inilabas sa mga pahayagan, na si Rodel ang pumatay kaya’t naghiganti ang kaluluwa ni Cassandra. Anong klase ’yan? Ni hindi nga kayo nagpakita ng ebidensya na siya talaga ang pumatay!—”

“H’wag mo’kong sisigawan dahil mas mataas ang katungkulan ko sa’yo!” sigaw nito.

Lumapit ito kay Christopher. “Baka nakakalimutan mo, nandito ka sa lugar ko. Ano mang-oras ay pwede ko kayong ipapatay,” pagbabanta nito.

Samantala...

Nagpatuloy ang grupo ni Christopher sa pag-iimbistiga. Pumunta sila sa dating bahay ni Rodel sa pagbabakasaling makahanap ng ebidensya. Pagpasok nila ro’n ay sinabihan ni Chrstoper ang mga tauhan na suyurin ang bawat solok ng bahay.

“Sir, sa tingin niyo, inosinte ba si Rodel?” tanong ng isa sa kanyang mga tauhan.

“Corpuz, ang lahat ng mga sinabi nila ay ’di mo matatawag na ebidensya. Kapag inakyat mo sa korte ang kaso. Pagkatapos gagamiting ebidensya ang mga multo, ay ’di ito paniniwalaan ng korte...” Napatigil ito ng bahagya.

“...Naniniwala ako na may ’di nangyayaring maganda sa Lugar na’to—”

“Sir! May nakuha kaming gamit.” sabat ng isa sa kanyang mga tauhan.

Tiningnan ni Christopher ang gamit na nakuha ng kanyang mga tauhan. Ito’y isang cellphone na pagmamay-ari ni Rodel.

Pagka-open ka nga niya ay wala itong password. Kaya’t mabilis itong nabuksan. Pagkabukas ay bumungad agad ang isang audio recording.

Pinakinggan nila ito at doon maririnig ang naging pag-uusap ni Rodel at nang lalaking tumawag sa kanya para bigyan ito ng babala.

Agad napasalita ang tauhan niyang si Corpuz. “Sir, parang pamilyar sa’kin ’yong boses.” Napatingin sa kaniya si Christopher. “Anong ibig mong sabihin?” tanong nito.

Sumagot naman si Corpuz, “Kasi no’ng pumunta kami sa lugar nang pinangyarihan. May isang lalaki ang nagtanong kung mga Pulis-Maynila ba kami. Then, sumagot kami ng oo. Tapos may gusto siyang sabihin samin, ’yon ngalang ay dumating ang dalawang kasama niya kaya ’di natuloy.”

“So, anong kaugnayan no’n sa tumawag kay Rodel?” muling tanong ni Christopher.

“Kasi sir, ang boses na tumawag kay Rodel at Boses nang lalaking lumapit samin ay iisa—”

“Sigurado ka?” gulat na tanong ni Christopher.

Sumabat naman ang isa pang Pulis. “Tama si Corpuz, sir, ka-boses niya nga ’yong lalaking lumapit samin.”

“Kong gano’n, kailangan natin makausap ang taong ito...” Napatigil ito ng bahagya at tumingin kay Corpuz.

“Alamin niyo kung saan siya nakatira. Alamin niyo rin kung saan sila pumupunta nang mga ka-barkada niya. Pupunta naman kami sa stasyon para kausapin ang hepe,” wika ni Christopher.

“Masusunod sir!” Sumaludo sila at pagkatapos ay umalis na.

“Agustin!” tawag ni Christopher. “Yes sir," tugon naman nito. “Makipag-ugnayan ka sa ating opisyal at sabihin mo na tayo na ang hahawak ng kaso,” saad nito. “Maliwanag po,” tugon naman ni Agustin.

Pumunta si Christopher sa stasyon ng Pulisya sa lugar. Kasama nga nito ang tatlo sa kanyang mga natirang tauhan.

Pagkapasok pa lamang nila sa loob ng stasyon ay sinalubong na agad sila nang mga ka-Pulisan sa lugar.

“Ba’t kayo bumalik dito?” tanong agad ng isa sa mga ka-Pulisan na humarang sa kanila.

“Gusto kong makausap ang hepe niyo—”

“Tungkol ba’to sa kaso ni Cassandra?”

“Oo, may nais lang kaming itanong—”

“Mahina ba ulo mo? ’di ba’t sinabihan na kayo na ’wag mangialam sa kaso. Hindi kaba nakaintindi o sadyang bo—”

“Kapag tinuloy mo ’yang sasabihin mo. Sa kangkungan ang bagsak mo, hindi ikaw ang gusto kong makausap kaya’t tumabi ka!” sigaw ni Christopher.

Agad namang dumating ang hepe nila at lumapit kay Christopher. “Kayong mga Pulis-Maynila. Bakit ba kayo bumalik dito?” tanong nito.

Bigla namang dumating si Agustin at may dala itong magandang balita. “Sir, pumayag na ang opisyal na tayo ang hahawak ng kaso.”Inabot nito ang sulat na galing sa pinakamataas na ranggo sa Pulisya.

Wala nang nagawa pa ang mga ito kondi ibigay ang kaso kila Christopher. At bago lumabas ng stasyon si Christopher ay nagbibigay ito ng babala sa mga ka-Pulisan ng lugar.

“Kapag nalaman ko na sangkot kayo sa mga krimen sa lugar niyo, ako mismo ang magdadala sa inyo sa city jail.” Kasama ang kanyang mga tauhan ay lumabas na sila sa stasyon.

Samantala...

Sa isang bahay kong saan tumira ang mga Pulis-Maynila ay dito nila isinasagawa ang mga plano sa pag-imbestiga ng kaso.

Maya-maya pa ay dumating sina Corpuz kasama si Jerry. Nakumpirma kasi na ang ka-barkada ni Jerry ay sina Karl at Anthony, na isa sa mga suspek nila.

Sa harap nilang lahat— kusang umamin si Jerry na ang pumatay at gumahasa kay Cassandra ay sina Anthony at Karl. Sila ring dalawa ang pumatay sa kasintahan nitong si Rodel.

Dahil dito ay isinama ni Christopher si Corpuz at ang apat sa kanyang mga tauhan sa bahay ni Karl. Naiwan naman si Agustine At ang tatlo pa sa mga Pulis.

Samantala...

Pagkadating nila sa labas ng bahay ni Karl ay nag-dorbell na agad sila. Pero walang lumalabas para pagbuksan sila. Muli silang nag-dorbell pero wala paring tao ang lumabas sa loob.

Kaya naman inutusan ni Christopher ang mga ito na akyatin na lamang ang bahay. Nang maakyat na ay binuksan ang gate at pumasok sila sa loob ng bahay ni Karl.

Pagkapasok nila sa loob ay nagulat sila sa nadatnan. Si Karl ay nakahandusay sa sahig at ’di na humihinga pa. Nakatirik pa ang mga mata nito at may-mensahe pang nakalagay sa kanyang damit. “It’s time!”

Tamang-tama ay may Cctv camera sa loob ng bahay ni Karl. Kaya’t sinuri nila ito at doon nga ay nakitang sinasakal nito ang kanyang sarili. Makikita rito na parang may komokontrol sa mga kamay nito para sakalin ang sarili niyang leeg.

Sa pinakadulo nga ay kusang lumutang ang katawan ni Karl. Ito’y ikinagulat nilang lahat at ’di makapaniwala sa mga nakita.

“Corpuz, magtungo kayo sa bahay ni Anthony. Bantayan niyo siya, dahil paniguradong siya o si Karl na ang susunod. Dahil ayon sa video ay may possibilad ang may gawa nito kay Karl ay si Cassandra—”

“Pero pa’no kung ’di siya makinig sa’min?” nag-aalinlangang tanong ni Corpuz.

“Kung ayaw niyang makinig, hulihin niyo!”

Sinabihan din ni Christopher sina Agustine na bantayang maigi si Jerry.

Samantala....

Nang marating na nina Corpuz ang Lugar kong saan nakatira si Anthony ay agad silang pumasok rito.

“Anong kailangan niyo?” tanong ni Anthony.

“Umamin na sa’min si Jerry at ang kasamahan mong si Karl ay natagpuan siyang patay at ang maaring pumatay rito ay si Cassandra, na ginahasa niyo’t pinatay!—”

“Hindi kami ang gumahasa’t pumapatay sa kanya!” Tinulak nito si Corpuz at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

“Habulin niyo! ’wag niyong hayaang makatakas!” Agad naman nila itong hinabol.

Habang tumatakbo si Anthony para ’di siya mahuli ay napahinto siya bigla. Dahil isang truck ang papalapit sa kanya, at ang nagmamaneho rito ay si Cassandra.

“Cassandra?” Hindi nito maigalaw ang sarili.

Napahinto naman sina Corpuz dahil ang truck na papalapit kay Anthony ay walang driver. “Totoo ba’to?” nagtatakang tanong ni Corpuz sa sarili.

Mabilis na sumalpok ang truck sa katawan ni Anthony. Nang ito’y bumagsak na sa lupa ay ginulungan pa ng truck ang katawan nito. Kaya’t nagkadurog-durog ang katawan ni Anthony.

Nang tingnan nila ang sasakyan ay walang nagmamaneho at wala ring susi. Kaya’t nagtataka sila kung paano ito umandar at sino ang nagpa-andar.

Samantala...

Habang nasa kwarto si Jerry at nasa sala naman ang mga Pulis na nagbabantay sa kanya. Biglang may tumawag sa telepono kaya agad niya itong sinagot.

“Hello, sino ’to?” tanong ni Jerry.

“Ang ganda pala nang bahay niyo, ’yong anak mo ay natutulog sa kwarto. Habang ikaw naman ay nagtatago sa mga ginawa mo—”

“Sino kaba?” tanong muli ni Jerry.

“Bago ko sagutin ’yang tanong mo, gusto kolang ipaalam na namaalam na nga pala si Anthony at si Karl—”

“Anong ibig mong sabihin? Sino kaba talaga?” Nakasama nang takot si Jerry sa mga oras na’to.

“Ako lang naman si Cassandra, t’yaka nga pala. Narito ako ngayon sa kwarto ng anak mo at binabantayan ko siya para sa’yo,” wika nito.

“H’wag mong idamay ang anak ko! Wala siyang kasalanan! Ako ang kailangan mo ’di ba!” Tinawanan lamang siya ni Cassandra mula sa telepono.

Kaya’t agad binaba ni Jerry ang phone at nagmadaling lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay nakita siya ni Agustin at tinanong kung saan ito pupunta.

“Si Cassandra, naroon siya sa bahay ko’t kailangan kong iligtas ang anak ko!” tugon nito.

“Sasamahan ka namin,” sambit ni Agustin.

Sinamahan nila Agustin si Jerry sa bahay nito. Pinamaalam naman nila kay Christopher na sa bahay ni Jerry sila pupunta.

Pagdating nila roon ay nakapatay ang ilaw. Dahan-dahan silang pumasok sa loob ng bahay. Bigla namang nagsalita si Jerry. “Cassandra! Narito na’ko! Pakiusap, ’wag mong saktan ang anak ko!”

“Talasan niyo mga mata niyo,” mahinang sabi ni Agustin sa mga kasamahan niya.

Hanggang sa biglaang lumitaw sa harapan nila si Cassandra. Kung ano ang itsura nito nang nabubuhay pa ay gano’n din ngayong isa na siyang kaluluwa.

Lumuhod si Jerry at nakiusap rito. “Cassandra, pakiusap, ’wag mong saktan ang anak ko. Wala siyang kasalanan, ako ang patayin mo! ’wag lang siya.” pakiusap ni Jerry.

Pero tumawa lamang nang malakas si Cassandra. Hanggang sa inangot nito ang kamay at sinakal si Jerry.

“Sa tingin mo, hahayaan kong mabuhay ang anak mo. Kong ang mga kaibigan mo at mga taong kasabwat niyo ay naglalakbay na sa impyerno. Isusunod ko naman kayo ng dalawang anak mo!” Muli itong tumawa nang malakas.

Dahil rito ay binaril ng isa mga kasamahan ni Agustin si Cassandra. Kaya naman napatingin sa kanya ito. Binaba nito si Jerry at pagkatapos ay inangat nito ang Pulis gamit ang kanyang mga kamay.

Matapos nga ay inihagis niya ito patungong pader. Isa Naman din sa mga Pulis ang lumapit sa kasamahan pero ito’y pinangat din ni Cassandra at inihagis naman ito sa sahig. Kapwa nabalian ang dalawang Pulis dahil sa ginawa ni Cassandra.

Tumingin naman si Cassandra kay Agustin at sa isang kasama nitong Pulis. “Sir, anong gagawin natin?” takot na tanong nito kay Agustin.

“Manatili kalang sa pwesto at manalangin,” tugon nito.

Nakatuon ang tingin ni Cassandra sa kasamahan ni Agustin. “Sir, sa’kin siya nakatingin.” Dahil sa takot ay mabilis itong tumakbo palabas ng bahay.

“Rolly!” sigaw ni Agustin. Pero ito’y ’di tumigil at nagpatuloy sa pagtakbo. Hanggang sa mabangga siya ng isang humaharorot na truck.

Muling tumingin kay Agustin si Cassandra. “Ngayon, ikaw naman ang susunod! Hahaha!” Malakas ang tawa ni Cassandra.

Kaya ipinikit ni Agustin ang kanyang mga mata at nanalangin. Pero nang wala na siyang naririnig na tawa ni Cassandra ay idinilat niya ang kanyang mga mata.

Nilingon niya ang buong paligid. Hanggang sa mapansin niya na may tumutulo sa kanyang ulo. Ito’y galing sa itaas kaya’t inangat niya ang ulo para tingnan ang itaas.

At sa kanyang pag-angat ay nakita niya si Cassandra na nakaupo rito habang nakabaliktad. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita at ’di niya maigalaw ang sarili.

May hawak si Cassandra na malaking bato. Hanggang sa ito’y ibinagsak niya sa ulo ni Agustin.

Si Jerry naman ay ’di na nagising pa. Dahil ito’y binawian na ng buhay matapos sakalin nang mahigpit ni Cassandra.

Maya-maya pa ay dumating sina Christopher. Nadatnan nila ang kasamahang nabangga ng truck at ito’y wala ng buhay. Agad naman silang pumasok sa loob at bigla silang napatigil nang makita ang mga kasamahan na wala ng buhay.

Ang dalawang Pulis na nabalian lamang ng buto kanina ay tinanggalan ng mga mata at dila. Tinanggalan din ng puso ang dalawang Pulis. Gano’n din ang ginawa kay Jerry at sa kanyang anak. Si Agustin naman ay wasak ang ulo at halos ’di na makilala.

Napaiyak na lamang ang ilan sa mga kasamahan ni Christopher dahil sa sinapit ng mga kasamahan nila. Lalo namang dumurog sa puso nila ang sinapit ng mag-ama. Dahil ang anak nito ay sampung taong gulang pa lamang.

Sa gitna ng kanilang pagdadalahamti ay biglang nagpakita si Cassandra. Kaya napaatras silang lahat ng bahagya.

Maya-maya pa ay tumawa nang malakas si Cassandra at biglang nagsarado ang mga pintuan at mga bintana.

“Anong gagawin natin? Mukang tayo na ang isusunod niya!” Nababalisang tanong ni Curpoz.

Lahat sila ay ’di alam ang pupuntahan. Dahil nagsiliparan ang mga bagay sa loob ng bahay. At sabay-sabay itong inihagis sa mga ka-Pulisan. “Dumapa kayo!” Mabilis na dumapa ang ilan sa kanila.

Pero dalawa sa mga ito ang naabutan ng mga bagay na inihagis sa kanila. Si Curpoz at si Thomas, dalawang kutsilyo ang tumama sa kanilang mga ulo.

“Hindi!”

“Magdasal kayo!” utos ni Christopher.

Agad nilang ipinikit ang mga mata at taimtim na nanalangin. Hanggang sa isang liwanag ang nagpakita kay Cassandra.

Lumabas mula sa liwanag na ito ang kaluluwa ni Rodel. Dahil dito ay napatigil si Cassandra sa plano na paslangin ang mga natitira.

Muling bumalik sa katahimikan ang buong kapaligiran. Lumapit si Cassandra kay Rodel at niyakap niya ito.

Bigla namang kumalas si Rodel sa pagkakayakap sa kanya ni Cassandra. “Bakit?” tanong nito kay Rodel.

Pumapatak ang mga luha ni Rodel nang ito’y sumagot. “Tumigil kana, ’wag munang pahabain pa ang mga kasalanan mo. Isuko muna ang sarili mo sa kanya, dahil ’di ka matatahimik hangga’t ’di mo ’yon ginagawa. ”

“Wala akong dapat na isuko! Sila ang sumira sa buhay ko. Sila rin ang pumatay sa’kin at sa’yo—”

“Tatlo lamang ang nagkasala sa’tin, pero bakit nilalahat mo. Alam mong may D’yos, na magpaparusa sa mga taong may gawa nito sa’yo, sa mga taong sumira sa mga pangarap mo, sa mga taong naging dahilan ng pagkamatay ko.
Pakiusap, itigil muna ’to.” Lumapit ito kay Cassandra at niyakap siya.

“Magpahinga kana,” saad muli ni Rodel.

Umiiyak lamang si Cassandra hanggang sa isang dilim ang lumamon sa kanyang katawan. Unti-unti siya nitong tinatangay papunta sa pinakailalim.

Nakakapit naman siya sa mga kamay ni Rodel habang pilit siyang hinihila pailalim. “Rodel! Rodel! Tulungan mo’ko!” Hindi ito bumitaw sa pagkakapit niya kay Rodel.

Pumatak ang mga luha ni Rodel habang nakakapit sa kanyang mga kamay ang kasintahang nilalamon na ng kadiliman.

“Kailangan mong pagbayaran ang mga kasalanan mo. Pero pinapangako ko sa’yo, muli tayong magkakasama sa Paraiso ng ating ama.” Unti-unti nitong binitawan ang mga kamay ni Cassandra.

Samantala...

Makalipas ang isang linggo ay hinuli na ng mga Pulis-Maynila ang hepe at mga tauhan nito. Dahil sa ang protektor ng mga ginagawang kalokohan nila Karl. Sila rin ay sangkot sa mga bintahan ng droga sa kanilang lugar.

Pinaalis naman sa pwesto ang Mayor ng lugar. Dahil sa wala itong ginawa para malutas ang mga problema sa kanyang nasasakupan. Sinampahan din ng kaso ang mga taong nakatira na tumanggap ng pera para ’di tumistigo laban sa grupo ni Karl.

Lumabas narin ang Cctv camera sa lugar ng pinangyarihan ng krimen. Kaya’t ang mga opisyal ng Barangay ay sinibak sa pwesto at sinampahan nang kaso. Ito’y dahil sa pagtanggap din nila ng pera para ’di ilabas ang Cctv camera.

Mahirap mang paniwalaan, pero ang katotohanan ay dapat mong maintindihan. Sa mundong ’to, kahit mga kaluluwa ay kaya ring naghiganti sa mga buhay

2
$
User's avatar
@rob003 posted 4 years ago

Comments