—SA KABILUGAN NG BUWAN—

"ATE nakakatakot naman..pabulong na sabi ni Boknoy habang nakasilip sila sa maliit na siwang ng kanilang dingding..

Tanging ang buwan lamang ang nag sisilbing liwanag sa labas ng kanilang bakuran maging sa kanilang buong baryo.

Masyado ng tahimik ang baryo at hindi na makikitaan ng kahit na isang nilalang ang gumagalaw sa kabahayan maging kahit maliit na liwanag galing sa kanilang mga lampara..

"Sssshhhh huwag kang maingay boknoy..Baka marinig tayo..Pag saway ni Ana sa kapatid habang pilit na inaaninag kung may tao bang paparating sa kanila.

"Akkkkk aaaakkkkk aaaakkkkk..malakas na huni ng ibon ang narinig ng magkapatid at kita nila itong dumapo sa bahay ng kanilang Tiya Mereng. Habang nakatingala sa bilog na bilog na buwan..

"Ate anong klasing ibon yan??ang laki at......hindi na naituloy ang sasabihin ni boknoy ng may marinig itong muli..

"Awwwwwooooooooo wooo wooo..isa isang nag sisitaholan ang mga aso sa mga kabahayan.

Kitang kita ni Ana na may kinakatakutan ang mga ito..

Samantala..

"Bilisan na natin Berting baka kung mapano ang mga bata sa bahay.Sabi ko naman kasi saiyo mahirap na kung abutan tayo ng gabisa gubat..Pangsisi ni Melba sa asawa nito

Dahil maliwanag ang buwan ay hindi na nila kinailangan gumamit ng gasira.Mabibilis ang kanilang mga hakbang upang makauwi agad.

"Ssshhhhhh..pag saway ni Berting sa asawa sabay sinyas na dumapa sila.

Agad ngang dumapa ang mag asawa sa medyo may kataasang mga damo.

Nakita nilang may paparating..

Isang babae at lalake magkahawak kamay ang dalawa at tumugil ito sa isang sagingan kaharap kung saan nakapwesto ang dalawa..

---abangan nalang po ang sunod na kabanata.

1
$
User's avatar
@rob003 posted 3 years ago

Comments