Isang pag babahagi ng aking karanasan tungkol sa nangyaring community quaratine sa ating lahat, ito ay dahil sa pandemyang covid 19, napakahirap para sa isang ordinaryong tao ng pandemyang ito, lalo sa sa mga nag tatatrabaho mga empleyadong sa trabaho lang nila umaasa ng ikakabuhay.
Simula nuong marso ay nawala na ako ng trabaho, may apat akong anak, nangungupahan lang ng bahay, pareho kaming mag asawa ay hindi nakapasok ng trabaho dahil kami ay nag tatrabaho sa food industry, napaka hirap para sa amin nito dahil wala kaming mapag kunan ng pang gastos sa araw araw, ang tanging inaasahan namin ay ang tulong galing sa gobyerno, relief goods, tulong galing sa mga kamag anak, at mga ayudang hindi mo alam kung kailan darating.
simula pa noon ay di ko naka ugaliang umasa sa ibang tao, dahil para sa akin ay dapat matuto akong humanap ng ikabubuhay ng aking pamilya, kaya kahit na may asawa na ko di ko din inaasa sa kanya ang mga gastusin, kaya gusto ko may trabaho din, sa ngaun natutunan kong mag online selling ng kung anu ano, post dito post duon, chat dito chat duon, kung anu anong ibinebenta ko sa facebook ko, wala akong iniisip kundi ang kumita para may pagkain akong maibibigay sa mga anak ko, iba talaga pag isa ka ng ina, masakit sa puso mo kapag hindi mo maibigay ang hinihingi ng anak mo. kaya lahat nlng ginawa ko.
sa ngaun ay malapit ng magbukas ulit ang aking pinag tatrabahuhan, pero dahil hindi pa nga pinapayagan ang public transport, alam kong mahihirapan akong mag byahe, walang jeep at puro taxi at grab lang ang pwede, alam kong isang hamon ang pag pasok ko ngaun sa trabaho, hindi ko rin alam kung anung hirap ang kakaharapin ko sa desisyon kong ito, dalangin kong sana any maging normal na ulit ang lahat, matapos na ang pandemyang ito, upang maibsan na ang paghihirap ng lahat ng tao, alam kong sa patnubay ng panginoon ay, malalampasan natin ang lahat ng ito, napakarami kong natutunan dahil sa covid 19, kailangan lang ng tyga, lakas ng loob, pag iingat at diskarte para makalaban sa kalabang hindi mo nakikita.
Grabe talagang pasakit ang dulot ng covid na to satin lalo na sa mahihirap natin kababayan na di nila alam san kukuha ng makakain sa ganitong sitwasyon.