pananampalataya

0 4

sino sa atin ang hindi nananiniwala sa diyos lahat tayo malamang dahil kung walang diyos wala tayo sa mundo.

pero marami sa atin ang nagsasabing mali ang ating relihiyon alin ba ang tama aling relihiyon ba ang sa diyos???

may tama bang relihiyon??

ang alam ko lang na tama na sa diyos lang tayo manampalataya at maniwala hindi man natin siya nakikita pero tayo nakikita niya alam niya ang ating nasa puso at isipan dahil tayo ay kanyang nilikha.

sino makakapagsabing sila ang tamang daan papunta sa diyos at kaligtasan???

wala,, dahil pare pareho tayong hindi natin alam kung ano ang ating kahihinatnan sa mundong ito tanging ang diyos lamang ang may alam at plano kung anong mangyayari sa atin.

kaya tanging pananampalataya at paniniwala lang sa kanya na tayo ay kanyang iingatan ta ilalayo sa kapahamakan.

ang diyos lang ang ating tanging sandigan sa anumang sakuna at kapahamakan ang mangyari sa atin dahil lahat ng ito ay ayon sa kanyang kagustuhan.

siguro dahil ang iba sa atin hindi na naalalang tumawag at magpasalamat sa kanya dahil sa mga tinatamasang karangyaan

ang iba naman pinapakitang makadiyos pero ang ugali walang kasingsama

kaya di natin pwedeng husgahan lahat ng tao sa paligid natin mahirap man o mayaman tanging ang diyos lang ang nakakaalam ng ating kinabukasan at may plano ng ating buhay

1
$ 0.00

Comments