read.cash Log in

@yuuna

Joined 11 June 2020 · 8 posts

120 KT

0 KT · 1¢ received · 0 KT given

Posts

@yuuna

Sana Minsan sa buhay natin nagdedesisiyon tayo ng akala natin tama. Na mas makakabuti iyon sa atin pero minsan kung kailan huli na ang lahat doon natin napagtatanto na kung sana ganito, kung sana.... Maraming sana sa buhay natin na kung alam lang natin mangyayari ay hindi na natin gagawin. Pero iyon ang aral na dapat libong beses muna natin isipin at pagaralan ang mga bagay bagay bago natin gawin. Tao lang tayo nagkakamali pero ang paulit ulit ay hindi na tama. Marahil ay nasa isip natin tama tayo pero dapat din nating isaalang alang ang mga nakapaligid sa atin. Mas importante ang mas nakakarami kesa sa ating desisyon na tayo lang ang makikinabang....

@yuuna

pananampalataya sino sa atin ang hindi nananiniwala sa diyos lahat tayo malamang dahil kung walang diyos wala tayo sa mundo. pero marami sa atin ang nagsasabing mali ang ating relihiyon alin ba ang tama aling relihiyon ba ang sa diyos??? may tama bang relihiyon?? ang alam ko lang na tama na sa diyos lang tayo manampalataya at maniwala hindi man natin siya nakikita pero tayo nakikita niya alam niya ang ating nasa puso at isipan dahil tayo ay kanyang nilikha. sino makakapagsabing sila ang tamang daan papunta sa diyos at kaligtasan??? wala,, dahil pare pareho tayong hindi natin alam kung ano ang ating kahihinatnan sa mundong ito tanging ang diyos lamang ang may alam at plano kung anong mangyayari sa atin. kaya tanging pananampalataya at paniniwala lang sa kanya na tayo ay kanyang iingatan ta ilalayo sa kapahamakan. ang diyos lang ang ating tanging sandigan sa anumang sakuna at kapahamakan ang mangyari sa atin dahil lahat ng ito ay ayon sa kanyang kagustuhan. siguro dahil ang iba sa atin hindi na naalalang tumawag at magpasalamat sa kanya dahil sa mga tinatamasang karangyaan ang iba naman pinapakitang makadiyos pero ang ugali walang kasingsama kaya di natin pwedeng husgahan lahat ng tao sa paligid natin mahirap man o mayaman tanging ang diyos lang ang nakakaalam ng ating kinabukasan at may plano ng ating buhay

@yuuna

mama minsan akala ng mga nakakakita sayo kapag nasa bahay lang ang isang asawang babae ay nagpapakasarap lang na puro higa lang ang alam gawin magcellphone, magpaganda. pero hindi ba nila alam lalo ng mister natin paggising palang sa umaga, madilim palang bumabangon na para maghanda ng almusal para sa pamilya.habang nagluluto naghuhugas na ng plato, magluluto ng ulam. pagkatapos kumain ng almusal, gagawin na ang mga gawaing bahay linis ng bahay walis lampaso alaga ng bata paligo ng bata hindi nila alam ang pagod ng isang ina sa maghapon. akala nila napakadali ang nasa bahay maghapon nagsasaway ng mga batang makukulit. umaga tanghali hapunan nagluluto,, anong oras na magpahinga ang isang ina hanggat hindi nakakatulog ang mga anak hindi din matutulog ang isang ina. hanggat hindi ayos lahat hindi magpapahinga ang ina. mabuti pa ang mister kapag linggo may dayoff ang ina buong linggo walang dayoff kung makapagsalita sila nasa bahay ka lang. akala mo tuloy walang silbi ang mga ginagawa mu sa kanila na hindi pinapahalagahan mga ginagawa mo. sana maisip ng mga mister napapagod din kaming mga ina kinakaya lang namin ang araw araw para sa aming mga pamilya para sa mga anak.

@yuuna

pag ibig ito dapat ang lagi nating tatandaan kung walang pag ibig wala tayo dito sa mundo dahil sa pagibig na ating lumikha nilikha niya tayo kung hindi sa pagibig ng ating panginoon wala tayo ito ang kailangan ng bawat isa sa atin ngayon lalo sa nagaganap sa atin ngayon ngunit ang nangyayari ang iba sa atin naglalamangan imbes na magtulungan gustong makaisa pa sa kapwa bakit ganun imbes na mgpasalamat sa mga natatanggap parang kulang pa ang mabuhay tayo sa gitna ng kalamidad ay isa ng regalo mula sa diyos kay dapat ipagpasalamat ang bawat araw na kasama pa natin ang ating mga pamilya

@yuuna

liham nais kong mabasa mo ito aking anak kung ako man ay tumanda na sana wag mo akong iwan bagkus samahan mo ako nais kong katabi sa mga huling sandali ng akin buhay nais kong tumawa at maging masaya sa mga sandaling iyon kasama kang kumain habang nagkwekwentuhan ng mga masasayang mga alaala mula sa iyong pagkabata nais kong nasa tabi lang kita habang ako ay may buhay pa iapramdam sa iyo na kahit ako ay matanda na ako pa rin ang iyong ina subalit hindi kana maalagaan gaya ng dati bagkus ako na ang iyong aalagan sana pagtyagaan mo ako kahit sandali anak ko dahil hindi ko alam kong hanggang kailan ako mabubuhay nais ko lang sa mga sandaling ito yakapin ka at hagkan gaya ng dati ghsto kong sa pagpikit ko ng aking mga mata ay ikaw ang huli kong makikita anak ko ikaw ang kayamanan ko sana wag kang umiyak sa aking pagpanaw sapagkat nais ko lang magpahinga ngunit hindi ang puso ko na punong puno ng pagmamahal sa yo mahal na mahal kita aking anak

@yuuna

ina ang isang pagiging ina ay napakahirap sapagkat hindi mo alam kung papaano mo gagawin ito ng tama minsan hindi mo alam kung sumusobra na ba o kulang pa noong akoy naging isang ina ay naging mas positibo na sa buhay lahay ay kakayanin para sa mga anak kahit pa ito ay kapalit ng iyong kaligayan at buhay pero minsan tao lang din ang isang ina nagkakamali at nakakagawa ng ikasasakit ng mga anak sa mga hindi sinasadyang pagkakataon pero walang makakatumbas ng pagmamahal ng isan ina para sa anak itakwil ka man ng iyong anak pero kailanman ang isang ina ay hindi kayang itakwil ang ina naalala ko noon nasambit na aking ina na mas nanaisin niyang siya ang unang mamatay kaysa ang anak niya ang mauna sa kanya dahil wala ng mas sasakit pa ang mawalan ng anak ika nga nila ang asawa napapalitan ngunit ang anak kailanman ay hindi mo ito mapapalitan sa puso ng isang ina

@yuuna

pangarap minsan kayhirap ng buhay lalo na at kung ikaw ay mahirap pero kung ikaw ay may isang pangarap lalo na at ito ay para sa iyong pamilya kahit kaago pa ito kahirap ito ay iyong kakayaning abutin sapagkat ito ang magiging daan upang iyong maiahon sa hirap ang iyong pamilya masarap magtagumpay sa isang pangarap lalo at ito ay iyong pinaghirapan at sa dulo ay kasama mu pa rin ang naging inspirasyon mo sa pangarap na ito sadyang ganyan ang buhay kung wala kang pangarap tiyak na wala ka din mararating ang pangarap ay parang direksyon ng ating buhay kaya habang maliit palang ang ating mga anak hayaan natin silang mangarap dahil ito ang kanilang magiging daan patungo sa magandang buhay