mama

0 10
Avatar for yuuna
Written by
3 years ago

minsan akala ng mga nakakakita sayo kapag nasa bahay lang ang isang asawang babae ay nagpapakasarap lang na puro higa lang ang alam gawin magcellphone, magpaganda.

pero hindi ba nila alam lalo ng mister natin paggising palang sa umaga, madilim palang bumabangon na para maghanda ng almusal para sa pamilya.habang nagluluto naghuhugas na ng plato, magluluto ng ulam.

pagkatapos kumain ng almusal, gagawin na ang mga gawaing bahay linis ng bahay walis lampaso alaga ng bata paligo ng bata hindi nila alam ang pagod ng isang ina sa maghapon. akala nila napakadali ang nasa bahay maghapon nagsasaway ng mga batang makukulit.

umaga tanghali hapunan nagluluto,, anong oras na magpahinga ang isang ina hanggat hindi nakakatulog ang mga anak hindi din matutulog ang isang ina. hanggat hindi ayos lahat hindi magpapahinga ang ina.

mabuti pa ang mister kapag linggo may dayoff ang ina buong linggo walang dayoff kung makapagsalita sila nasa bahay ka lang. akala mo tuloy walang silbi ang mga ginagawa mu sa kanila na hindi pinapahalagahan mga ginagawa mo.

sana maisip ng mga mister napapagod din kaming mga ina kinakaya lang namin ang araw araw para sa aming mga pamilya para sa mga anak.

2
$ 0.01
$ 0.01 from @Myt.24

Comments