liham

0 12

nais kong mabasa mo ito aking anak kung ako man ay tumanda na sana wag mo akong iwan bagkus samahan mo ako nais kong katabi sa mga huling sandali ng akin buhay nais kong tumawa at maging masaya sa mga sandaling iyon kasama kang kumain habang nagkwekwentuhan ng mga masasayang mga alaala mula sa iyong pagkabata nais kong nasa tabi lang kita habang ako ay may buhay pa iapramdam sa iyo na kahit ako ay matanda na ako pa rin ang iyong ina subalit hindi kana maalagaan gaya ng dati bagkus ako na ang iyong aalagan sana pagtyagaan mo ako kahit sandali anak ko dahil hindi ko alam kong hanggang kailan ako mabubuhay nais ko lang sa mga sandaling ito yakapin ka at hagkan gaya ng dati ghsto kong sa pagpikit ko ng aking mga mata ay ikaw ang huli kong makikita anak ko ikaw ang kayamanan ko sana wag kang umiyak sa aking pagpanaw sapagkat nais ko lang magpahinga ngunit hindi ang puso ko na punong puno ng pagmamahal sa yo mahal na mahal kita aking anak

1
$ 0.00

Comments