Alam niyo ba na Ang pagsusuklay ng buhok habang basang basa, ay nakakasira?
Marahil ay Hindi alam.ng marami sa atin na Ang pagsusuklay habang basang basa Ang ating buhok ay Hindi maganda at Hindi nakatutulong sa pag ganda ng buhok, bagkus ay sinisira nito Ang hibla ng buhok, at maari itong ma dry at magkaroon ng split ends.
Dapat nating ingatan Ang ating buhok, Dahil sa babae Isa itong Korona na kapansin pansin para sa mga Binata.
Sa tuwing tayo'maliligo siguraduhin natin na dampi dampi Lang Ang pagpunas sa ating buhok, wag natin ipagkakaskasan Ang tuwalya gaya ng ginagawa ng iba.
Siguraduhin din nating natuyo na sa hangin Ang ating buhok bago natin ito suklayin.
Dahil Ang pagsusuklay kapag itoy tuyo na, ay mas madadama mo Ang lambot at dulas ng ating buhok.
Kapag sinusuklay kase natin any ating buhok habang basang basa pa, ay nagkikiskisan Ang hibla nito at Ang suklay.
Ito Ang dahilan Kung bakit nagiging dry o nagkaka split ends Ang buhok, dahil sa plastic na suklay na nagdudulot ng static reaction sa hibla ng buhok at sa suklay.
Kaya pakatatandaan natin, Hindi nakakatulong Ang pagsusuklay pag basang basa pa Ang buhok.
Maari natin itong patuyuin habang hinihimas ng kamay sa tapat ng electric fan. At Kapag tuyo na, at saka natin ito suklayin ng suklayin.
At Kung nagmamadali ka dahil may pasok ka sa trabaho o Kaya ay sa paaralan, Ganito Ang dapat mong gawin.
Una, idampi Lang Ang tuwalya sa buhok, at wag kuskusin. Pag nawala na Ang sobrang tubig nito suklayin mo Lang NG Isa sa kanan, sa likod, kaliwa at sa harap. Pagkatapos ay pwede ka na umalis ng bahay.
Hayaan mo Lang siyang basa dahil tiyak na matuyuyo din siya sa hangin. At pag naramdaman mong tuyo na siya. Atsaka mo uli suklayin ng ayon sa gusto mong ayos.
Sana ay may natutuhan Tayo mga kaibigan.
Hanggang sa susunod na artikulo...
Hindi ako ngsusuklay Ng buhok ko.. kahit tuyo pa Yan.. kamay Lang ginagamit ko para maayos buhok ko.. Kasi pagsuklay Ang daming falling hair...