My childhood crush

2 17
Avatar for wondergirlwriter
3 years ago

Hello guys, welcome back to my article and it's been a while since I wrote my last article here. I lost my confidence to write can't find it. But now I will write again here maybe wala nman mawawala kong icontinue ko ang pagsusulat.

Mula noon hangang ngayon parang hindi nag bago itong daanan na ito.Mula pagkabata ay dito ako lumaki, nagkaisip, nagdalaga. Nagipit ang magulang ko kya kinailangan nilang ibenta yung lupa at bahay namin kaya ngayon hindi na kami sa lugar na yan nakatira. Nakahanap ng lupa na mura ang mama ko at don nag patayo. Isang barangay lang naman ang pagitan.

Sa baranggay namin kuha ko nong bday ng pamangkin ko

Naalala ko nong bata ako, jan sa daan na yan una akong natutong mag bike, jan din kami nag hahabulan ng mga kalaro ko,jan din dumadaan ang aurora kapag sasapit na ang kafiestahan ng lugar namin. Sobrang tuwang tuwa ako noon dahil ang dami kong kalokohan na naiisip noon sa daan na yan. Kapag may dumadaan dati na padjak hinihila namin ng mga kalaro ko pabalik hahaha tapos galit na galit ung driver sa amin. Tapos kapag nman may dadayong ibang bata sa amin jan palang sa daan na yan inaabangan na namin para hindi sila makadaan. Mga kalaro ko noon puro lalaki kasi puro lalaki din mga pinsan ko mga kuya ko kaya nahahawa ako sa kalikotan nila. Napapagkamalan akong tomboy nila mama ksi ayaw kong mag bestida gusto ko pantalon at shorts. Wala akong pakialam noon na malaking bulas akong bata at mga kalaro ko mga lalaki basta alam ko masaya ako at uuwi akong napakadungis sa bahay.

Minsan noon naalala ko jan sa daan na yan unang dumaan yung childhood crush ko na akala ko ay napadaan lang yun pala ay mangungupahan sa bahay ng tita ko na sobrang lapit lng ng bahay namin sila nakatira. Araw araw ko pala siyang makikita at mkakasalubong ko pa sa pagigib ng tubig😂😂😂 Pero hindi ako nagpapahalata pero may pinsan akong napaka kiringking dahil nga gwapo at matangkad ung binata e crush din pala niya ang ginawa niya kunwari manghihiram ng libro sa loob ng libro andon ung sulat niya wala png cp non kya uso sulatan sa kanila hahaha dnman ako nagalit sa pinsan ko or nagselos kasi nalaman kong d sya gusto ng guy kasi ayaw niya sa girl na sya ang nililigawan. One time e bumagyong napakalakas at yung bahay ng tita ko eh nawalan ng bubong tapos no choice sila lilipat sa amin kc para mkaligtas sila awang awa ako sa mama nila kasi mataba at may sakit nahirapan siyang tumawid ppunta sa bahay namin. Buti nalang at nakaligtas sila noon at nkalipat sa bahay namin. Kinagabihan nagkkwentohan sila mama ng nakakatakot buhay pa noon lola ko, tahimik lang kaming nakikinig pero dko namamalayan na panay ang palihim niyang tingin sa akin tapos alam ko kung maliwanag non ay namumula na ako sa sobrang kilig hahahah kaso d ako nagpahalata. Kapag gusto ko or crush ko ang isang tao kc noon ay ako ung tipo na diko pinapansin ung crush ko dko makausap or matingnan man lang sa mata kya never kaming nagkausap man lang kahit 1year na silang nakatira sa barangay namin. Nong gabing yun naging madaldal siya oanay din kwento niya tapos bglang nagtanong si mama niya kung may crush na daw ba sa school sabi nman niya wala ma tas sabay tingin sa akin hahahha (so bakit sakin tuminigin hahaha) tapos nong matapos ang kwentohan naiwan kami sa upuan biglang sabay kaming nagsalita tapos ayun nagkatinginan tapos sabay nag tawanan. Yun simula non naging close na kami sabay na kami pumapasok sa school at panay na ang libre niya sa akin pero never akong umamin. May kapilyohan din ung crush kong yun kasi one time wala akong libro kasing algebra noon 2nd year high school ako pero siya iba school niya ako sa tabaco high siya naman sa san lorenzo high school. Sya may librong algebra grabe yung kaba ko hihiram lang nman ng libro. Umiigib siya ng tubig sabi ko ahmm pwd makihiram ng math book mo algebra? Biglang binitawan ung timba niya akala ko kung san pupunta ayun kinuha pala niya ung libro at pinahiram sakin. Sabi ko suli ko lang din agad. Pagbukas ko ng libro niya may notes hahahhaha😂

Abangan...

Ano kaya ang laman ng notes...magkakaron ba sila ng chance? Hahaha ginawan ng kwento pero nextime nman guys medyo nasakit ulo ko to be continue nalang hehe.

@wondergirlwriter

2
$ 0.00
Sponsors of wondergirlwriter
empty
empty
empty
Avatar for wondergirlwriter
3 years ago

Comments

Waitnlang, true story ba to, hahahah.. Kinikilig na ako eh tapos biglang abangan, hehe

$ 0.00
3 years ago

Hehehe oo sis.. Hahaha kpag sinipag ulit magsulat hehe

$ 0.00
3 years ago