Sunog na. Ewan ko.

2 18
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Yung hindi mo mawari ang iyong pakiramdam? Gusto mong magsipag. O di kaya gusto mong maging maligaya pero hindi mo maapuhap ang puso mo o ang isip mo para gumawa ng kahit na anumang makakapagpasaya sa araw mo.

Kunsabagay, hindi mo naman talaga mahahanap ang kaligayahan. Iyon ay ibibigay lang sa iyo ng pagkakataon kapag ninais mo. Sa oras na ginusto mong maging maligaya, iaaward sa iyo ito sa lalong medaling panahon.

Ganito nga ba ang mabuhay? Hindi sa lahat ng oras ay malalaman mo kung ano ang ninanais mo o di kaya ay ang pakiramdam mo.

Isang lingo na rin akong palaboy laboy sa aking sariling bahay. Walang direksiyon o anupaman. Hindi ko mawari kung anong pakiramdam ang meron ako. Ninais kong magsulat habang may pagkakataon pero sadyang hindi na gumagana ang aking kapangyarihan.

Pinaunlakan ko na lamang ang aking sarili na matulog o di kaya ay magliwaliw sa aming barangay. Ano nga bang meron ako nitong nakaraan?

Wala na, sunog na! Ang aking kilay? Hindi nga. Ni hindi nga ako nagsunog kilay eh. Bukas, simula na ng aming klase. Sa oras na magsimula ang klase, siguro naman ay makakapagsunog kilay na ako. Kung hindi man ay papaunlakan ko pa rin ang aking sarili na magrelax lang at maging mindless. Okay lang iyon sabi naman nila.

Siguro, nasunog na talaga ako sa ilang buwan din o taon na paghahangad kong magsulat. Magsulat lang ng kung anu-ano. Sinubukan kong gumawa ng nobela pero pakiramdam ko ay hindi ko malagyan ng buhay iyon. May hinahanap pa ako. Sana mahanap ko na iyon para naman makapaglakbay din ako sa paglikha ng nobela.

Heto, heto na nga po. Sinusubukan ko nang magsulat. Hinahabaan ko para lamang hindi masita ng mga taong wala na yatang magawa kundi ang mainggit at maglikha ng hindi magandang pakiramdam para sa kapwa.

Maaari naman siguro akong magsulat ulit gamit ang aking pambansang wika. Noong nakaraan kasi may taong galit ata sa wika ko at kung anu-ano na lamang ang sinasabi. Hay naku… Spread love, not hate. Pwede naman siguro na ganoon.

Kaway kaway sa aking mga subscribers. Huwag po kayong magsasawa na tanggapin ang notification na ako ay nakapaglathala ng artikulo, anupaman iyon. Salamat sa mga hindi nagsasawang sumuporta kahit na paulit-ulit na lamang ang aking mga sinasabi.

Alam niyo ba ang pakiramdam ko nitong nakaraan? Iyong tipong para akong nakipag tug-of-war? Iyong tipong ibinigay ko ang lahat ng aking makakaya? Pagkatapos ay bumigay ang kabilang pangkat at ako ay nasubsob sa kung anuman diyan? Dapat din pala ay maging alerto tayo sa mga ganoong bagay.

Paano ba naman kasi, nahirapan ako sa nakaraang semester. Nagsasabay sabay ang trabaho bilang mag-aaral, pagiging ina at asawa, at pagiging manunulat ng blog dito sa platapormang ito. Pero alam niyo ba na naging mas mapaglathala pa ako noon kaysa ngayon na bakasyon? Sabagay nga, sabi ko relax relax na lang muna. Pero mahirap din pala ang biglang pagbabago ng panahon.

Nasasayangan ako na hindi ko pa rin nailagay sa aking journal itong mga pinagsasabi ko. Bakit ang hirap kong maging totoo sa mga sinasabi ko? Isa nga ba akong huwad? Hindi naman siguro. Minsan sumosobra din ako sa aking sarili. Kaunting pag pupuri din siguro sa sarili kahit paminsan minsan. Okay, I will pat myself in the back na lang instead na papagalitan ko ang sarili ko.

O siya sige. Hanggang dito na lamang muna ang ate niyo at baka mabigla din. Sa paglalathala ko ng minsan ay tig isang minutong artikulo lamang, tila may mga hindi tumatanggap ng ganoon kahabang artikulo dahil sa kanilang pagdownvote. Ewan lang natin. Sa dami ng tao na nagsusulat dito, malay ba natin.

Kaya, sisipagan na lamang natin ang pagsusulat para hindi nila sabihin na wala tayong ginagawa para makatanggap ng ayuda kay RR. Heto na heto na. Palibhasa kasi, kapag din hahabaan, may magsasabi din na filler lang ang inilalathala.

Sabi naman ng iba, don’t mind others. Pero don’t mind others? Why not? Oh well I get the point. So be it. But here I am again! Hoping this continues tomorrow and the next days. If not, then it may be time for coconut. Do you eat coconut? Why not?

Till next time,

…it’s me, it’s Lincs. Bye!

5
$ 2.80
$ 2.80 from @TheRandomRewarder
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Comments

Hahaha, hay naku hayaan mo na lang ang mga taong inggit. madami talagang bashers, wala yata silang magawa sa buhay nila. hayst. kalma lang and sulat sulat. hehehe.

$ 0.00
2 years ago

Truth! Hahaha!

$ 0.00
2 years ago