Babala napakahabang kuwento ang mababasa sa ibaba kung gustong ipagpatuloy na basahin ako po ay labis na matutuwa hahahhah
Naranasan mo na ba na umibig sa isang tao ngunit hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa kanya?
Puwes ako na itabi mo hahaha. Nagbibiro lang po, opo. Isa din naman po ako na umibig sa isang tao at nasaktan din sa huli. Datapwat, napakasakit, wari nga ay mapapasabi ka nalang ng bakit kaya hindi niya akong kayang ibigin dahil ba parehas kami ng kasarian? O sadyang umiiwas lang siya dahil nahihiya siya sa akin dahil alam niya na matalino ako at pag-aaral ang inaatupag, o di kaya ay mataas ang tingin niya sa kagaya ko dahil kilala ako sa aming paaralan. Porket ba ganoon ang tao iiwasan niya na lamang, napakababaw talaga ng kanyang dahilan. Opo nagpaparinig lang at idadaan ko nalang sa pagsulat hahahah kasi ang taong ito ay minahal ko nang mula noong ako'y Grade 7 hayskul at hanggang ngayong nasa kolehiyo ako. Opo umabot napo ng ganyang katagal, matago kasi akong tao pero maraming kaibigan pero hindi naman mapagkakatiwalaan at sa uli ay naglayo din ang aming mga loob dahil nalaman ko ang kanilang sekreto na ginagamit lang ako, ayyy hahaha napakuwento na naman. Balik po tayo doon sa tawagin sa mahal ko char opo at kilala siya sa tawag na Ed hahahh. Heheh ito po ang tawag ko sa kanya.
Mag aanunsiyo muna
Nagpapasalamat po pala ako sa mga tao na nagbigay ng kanilang kauting oras na basahin ang mga gawa konv artikulo. Maraming salamat po napakasaya ko dahil hindi ko talaga aakalain na may magbabasa dahil bago pa lamang ako dito at nakakagalak talaga at nakapagbibigay inspirasiyon na ako'y magsulat pa at makabahagi pa sa inyo ng aking mga nararanasan sa buhay.
Balik tayo sa kuwento hahaha, opo. Magkaklase nga po pala kami ni Ed kaya nakikita ko siya palagi at napaka-swerte kong tao di po ba? Hahahha. Kaya doon din unti-unti ko siyang nagugustuhan. Napaka-simple niyang tao, di gaano maporma pero bagay naman sa kanya ang kaniyang mga pananamit, kayat nagustuhan ko talaga siya ng husto hhahaha. Landi jpeg. Opo. Hahahah. Doon na tayo sa kuwento, nang Grade 8 na ako hindi na kami naging magkaklase dahil nasa Star-class ako na section, at nga po pala sa di pinagyayabang nong nagtapos ang klase ng ako ay Grade 7 nakatanggap po ako ng medalya at napasama sa mga listahan na magiging mag-aaral ng isang star section sa aming paaralan. Karugtong nito, hindi ko na nakikita si Ed, dahil aral na ang inatupag ko madalang ko na siyang nakikita sa paaralan hanggang ako ay nakapagtapos ng hayskul at magpapatuloy ng pag-aaral pa ng K-12 dahil naabutan pa ng aking yugto bilang estudyante. Para mapaikli ang kuwento.
Sa di inaasahan hahaha pumasok siya sa aming section at gulat na gulat talaga ako dahil nakita at napagmasdan kong muli ang napakaguwapo nkyang wangis hahahha. Accountancy, Business and Management (ABM) nga po pala ang kinuha kung kurso ng K-12 program sa aming paaralan. Opo, hahaha talagang nabigla ako sa mga pangyayari at para bang bumalik lahat sa dati at kinikilig talaga ako sa pagpasok niya ahahah. Siya ang huling estudyante na pumasok sa aming section at siya ay naka-upo sa hulihan ng upuan. Hahahah pagkatapos ng pagsasalita ng aming guro lumingon talaga ako sa gilid at ngumiti siya sa akin ngumiti din ako pero kilig kilig na ako sa mga oras na iyon hahahha gusto gusto ko talagang tumalon at sumigaw sa mga oras na iyan hahahha. Nga po pala noong hayskul ako nakikita ko naman siya sa daanan kung minsan at parati siyang ngumingiti sa akin tuwing kami ay magkasalubong. Hahahha opo, pagkatapos noong ay araw-araw ko siyang muli na kasama at nag-uusap din kami palagi at nakakasama ko siya tuwing may pangkatang gawain. Hahhaa ang kalandian ko po ay nagtapos hanggang Grade 11 hahahhah. Nang Grade 12 siyempre magkaklase na naman kami, panibagong taon at panibagong kalandian na naman opo, hahahhaha. Samakatuwid, hindi talaga ako nagbibigay ng motibo sa kanya dahil hindi ko gustong malaman niya, parehas po kasi kami na lalaki hahahha. Opo alam niyo na kung ano ako hahaha, pero hindi po ako literal na bakla hehehe pormal po ako at hindi ladladang nagpapakita ng kung ano ako sa maraming tao kasi nahihiya din ako at nanatakot sa mga gaong posibleng mambulas sa akin. At ganoon na nga po ng Grade 12 ako ay paragi kami ulit nagkakasama at nagkukuwentuhan sa mga bagay-bagay, gumagala sa parke fuwing matapos ang klase. Hahaha at noong January 2020 iikliin ko muna, napag-isipan ko na sa graduation day ay magtatapat ako sa kanya at nanlumo ako dahil nagkapandemya at ang aking plano ay naudlot at naiyak nalang ako dahil di ako maka-akyat ng intablado para makuha ang mga parangal na pinaghirapan ko. Di ko talaga lubos maisip na nagbago ang lahat lahat dahil sa CoVid 19 virus.
Kung kaya natigil din ang lahat, isinulat ko nalang sa aking selpon iyong mga sasabihin ko sa kanya. Nalungkot talaga ako ng husto. Umabot na ako sa kolehiyo hindi ko pa nasabi sa kanya lero sabi ko sa sarili ko baka hindi pa siguro ang oras, dahil di po ba ang lahat ng bagay ay may mga dahilan? Hahahha. At sa social media ko nalang siya nakikita papuso puso nalang sa mga litratong kaniyang ibinabahagi. Pero ngayon na ako ay nasa ikalawang-yugto na sa kolehiyo, ngayong taong 2021 napagdesisyunan ko na magtapat sa kanya at talagang kinausap ko siya sa chat, sa una talaga nahihiya ako dahil baka ano ang isipin niya sa akin o di kaya hindi siya magrereply sa akin hahahha. Opo naibuhos ko lahat nang hinanakit ko sa kanya ayyyy biro lang po, ang lahat ng gusto kong sabihin na matagal ko nang itinatago hahahha. Alam niyo po naiyak ako sa tuwa kasi naisabi ko na sa kanya at hindi ko lubos maisip na nagawa ko talaga hahahha. Ngunit hindi naging maganda ang resulta, dahil nagpasalamat lang siya dahil na appreciate niya daw na mahal ko siya, pero hanggang kaibigan lang daw ang maaari niyang ibigay. Naiyak talaga ako ng husto at hindi pa maipasok sa isipan ko anv nangyari hahahha napasabi tuloy ako na sana di ko nalang sinabi. At nagreply nalang ako sa kanya na 'ganun ba Ed ah sigeh walang problema basta magkaibigan parin tayo ha' Napakasakit man ay tinanggap ko nalang wala naman akong magagawa, madami pa naman siguro na tao sa paligid na kaya din akong mahalin kung ano ako di po ba? Opo hahahahha
Opo dito ko na po tatapusin. Nga po pala kung nagustuhan niyo po ang aking kuwento maaari po ba kayo mag-iwan ng isang komento. Maraming salamat po.
Yours truly,
vondutch0054
Ang lungkot lang pero ganun po talaga, may mga tao na magiging parte lang Buhay natin at hindi ang magiging buong Buhay natin. Pahina sa isang libro Kung tawagin. Halos mag kaparehas tayo, (hindi ako bading o silahis) may gusto din po ako sa kaibigan kong babae na itinago ko sa naoakatagal na panahon, magkaiba lang tayo ng katapusan sapagkat sinuklian ng badii ko ang damdamin ko sa kanya. Di po ako naniniwala sa tamang oras, lahat ng oras ay magiging tamang oras Kung sisimulan mo nang kumilos