BABAE ka, hindi babae lang!

0 43

"Kung kaya ng lalaki, kara rin naming mga babae."


Dahil Women's Month ngayon, napagdesisyonan kong ang susunod kong artikulo na i-publish ay tungkol sa mga kababaihan; kung gaano kalaki ang kontribusyon ng mga babae mula noon at hanggang ngayon.

Mga larawan ito ng Kababaihan ng Himagsikan. Mula Kaliwa: Mga Katipunerang sina Marina Dizon-Santiago, Gliceria Marella de Villavincencio, Teresa Magbanua, Nazaria Lagos, Patrocinia Gamboa, Melchora Aquino, Trinidad Tecson, Marcela Agoncillo, Trinidad Rizal, Josefa Rizal, Gregoria de Jesus, at Agueda Kahabagan.

Nanggaling ang mga larawang ito mula sa mga akda nina TKP (2011), Michael Charleston Chua (2013a, 2013b), KTKG (2013), Jensen Mañebog (2013a, 2013b), BA (2014), FK (2014), IP (2015), TBHT (w.tn.), at PBRP (w.tn.). Ang mga larawan ito ay pinagsama-sama ni Ginoong Axle Christien Tugano ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (University of the Philippines Los Baños).


Batid sa ating isipan na ang pagkakakilala sa kababaihan noon ay mababa at walang silbi. Sila ang mga taong-bahay, taga-linis, tiga-luto, at tagapag-alaga. Sila ay ginagawang alalay ng mga matataas na kawani ng ating bayan at taga-sunod sa lahat ng ipaguutos nila kahit labag na ito sa pagkatao ng isang kababaihan noon. Kahit na may napag-aralan o may experience sa ganitong larangan, ito'y nawawalan ng silbi dahil mas nabibigyan pansin ang mga kalalakihan dahil sa kanilang angkin na kakayahan. Subalit, habang lumilipas ang panahon ay napapatunayan na kaya rin sumabay ng mga kababaihan sa kayang gawin ng mga kalalakihan. Nagpapatunay dito ang pagsali ng iba sa mga kababaihan noon para makatulong sa digmaan sa pagitan ng Pilipinas at sa mga karatig bansa sa isang samahan o kilusang Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK na pinamumunuan ng isa sa tanyag na bayani ng bansang Pilipinas na si Ginoong Andres Bonifacio.

Makikita sa mga larawan ang iba't-ibang kuha ng mga kababaihan noon, sila ang mga tinaguriang Kababaihan ng Himagsikang Pilipino. Sila ang nagsilibing katuwang ng mga himagsikang pilipino noon dahil sila ang nagluluto para may maipakain sa lahat at tumutulong para gamutin ang mga nasugatan. Sila rin ay dapat humikayat ng mga bagong miyembro ng samahan, tagasulat ng mga katitikan, taga-ingat ng mahahalagang dokumento, tagalinlang, taga-aliw sa mga awtoridad na mga Español na nagdududa sa mga pagpupulong na isinasagawa ng mga Pilipino, at tagagawa ng mga bandila (Reguindin-Estella 2014, p.264).


Napatanuyan ng mga kababaihan noon na pwede silang makipagsabayan sa mga kalalakihan. At sa paglipas ng panahon na kasabay ng pag-usbong ng iba't-ibang sangay, sumasabay na rin ang mga kababaihan sa kahit anumang aspeto. Ito man ay maging tunkol sa kalusugan, edukasyon, siyensya, politika, medesina, at demokrasya.  Sila rin ay nagiging simbolo na ng katapangan at may pagmamahal para sa ating inang bayan, napapatunayan ito at patuloy na kinikilala sa kasaysayan ng bansang Pilipinas sa iba't-ibang artikulo.

Kuha ang litratong ito sa Bayaning Pilipino Blog Spot

Kasama na sa kasaysayan ang pagkapanalo ng kauna-unahang babaeng tumakbo bilang pangulo ng bansang Pilipinas na si Ginang Corazon "Cory" C. Aquino. Siya ang tinaguriang Ina ng Demokrasya ng Asya dahil siya rin ang kauna-unahang babaeng Presidente sa buong Asya. Sa iba pang impormasyon, bumisita lamang dito: Talambuhay ni Corazon "Cory" C. Aquino.

Hanggang ngayon, patuloy na ang pagbibigay halaga sa mga kababaihan sa kahit anumang larangan. Hinggil dito, marami na ring trabaho ng kalalakihan ang kaya na ring gawin ng mga kababaihan. Katulad ng pagmamaneho ng sasakyan, pagsasaka, pagiging security guard, at marami pang iba.

Halina't kilalanin muna natin ang magigiting na Kababaihan ng Kasasaysayan. Dahil base sa aking opinyon, ang mga sumusunod ay mga iba't-ibang kababaihan at ang kani-kanilang kakayahan:

  1. NANAY o INA (Mother) - Dakila ang ating ina sa anumang bagay. Lahat ay gagawin para lang may maihanda sa hapag at maipakain sa mga anak. Ang ating ina ang nagsisilbi nating Ilaw ng Tahanan dahil siya ang nagbibigay liwanag sa buong tirahan. Kung tayo man ay nalulugmok, andiyan ang ating mga Ina upang tayo ay tulungan at iahon sa pagkakalugmok. Sila ang naging sandigan natin mula pa lamang noong tayo ay dinala niya sa sinapupunan ng siyam na buwan. Sa kahit anumang bagay sila ang laging nandiyan para tayo ay suportahan sa maliit o malaki mang bagay. Kahit anong trabaho ay kayang pasukan para lamang may maipangtustos para sa mga anak. Pagsisilbi niya sa mga anak at asawa ay hindi mapapantayan sino man. Ang pagmamahal na iniaalay ay lubos at walang kapantay para sa buong pamilya. Sobrang kabaitan ang laging handog ng ating Ina at tanggap tayo sa kung anumang ugali ang meron tayo. Kahit na minsan ay pasaway tayo, hindi maiaalis sa isang Ina na magalit pero nagagawa lamang nila ito ay dahil mahal nila tayo. At kung paano nila tayo tiisin kahit sobrang tigas na ng ulo natin, kaya bilib ako sa haba ng pasensya ng mga Dakilang Nanay sa buong mundo. Kung paano mo nailalarawan ang Nanay mo, ganon din ang mailalarawan ng iba sayo, kasi sabi nga nila "Like mother, like dauther/son".

  2. ATE, DITSE, o SANSE (Sister) - Sila ang nakatatandang o kapatid natin. Ang mga ate ang naging katulong ng mga Ina habang ang mga nakababatang kapatid ay malayang naglalaro. Mahaba rin ang mga pasensya ng ate kahit sila ay napapagod na sa pagtulong sa gawaing-bahay kay Nanay. Maging sa larangan man ng pagtratrabaho, dahil sa panahon ngayon ang ibang mga nakatatandang kapatid na babae ay nakikipagsapalaran na sa pagtratrabaho para makatulong sa pamilya. Mahirap din minsan ang maging isang Ate dahil nakasalalay sa kanila minsan ang responsibilidad ng ibang mga magulang. Sila na ang nagproprovide ng mga kakailanganin ng buong pamilya. Malaking sakripisyo din ang nagagampanan nila dahil ang iba sa kanila ay hindi na natatapos ang pag-aaral bagkus sila na ay magtratrabaho para sa kapakanan ng pamilya. Sa sobrang tatag din ng mga ate, mapapatunayan nila na isa lamang sila sa bunga ng mga Kababaihang may matapang at may pagmamahal sa pamilya.

  3. Single Mom - Ito ang isa sa nagpapahanga sa akin dahil sa pagiging Dakilang Ina. Sila ang mga Inang handang gawin ang lahat para sa mga anak, ngunit, sila na yung mga wala ng katuwang para maitaguyod ang buong pamilya. Hanga ako sa katatagan na namumutawi sa kanila dahil kaya nilang maging Ilaw ng Tahanan at maging Haligi ng Tahanan. Kahit trabahong panglalaki ay kayang pasukin para may maipakain sa mga anak at may maipangtustos sa lahat ng pangangailagan nila. Marami nang nabalitang Single Mom na ang trabaho ay nagmamaneho ng trak sa ibang bansa, mekaniko, inhinyero, at marami pang iba. Sa sobrang kasipagan nila ako'y natutuwa dahil kaya nilang pagsabayin ang gawaing-bahay at magtrabaho pagkatapos sa isang araw. Ang pagmamahal din nila sa mga anak nila ay lubos at walang kapantay. Ang laging inspirasyon nila ay ang kanilang mga anak. Kaya ako ay saludo rin sa kanilang katangian at kayang kaya nila ang lahat pati ultimong trabahong panglalaki.

  4. Independent Woman - Sila ang mga kababaihan na walang inaasahan kundi ang kanilang mga sarili. Kaya nila mamuhay ng walang inaasahan na kahit sino man kahit mapalalaki man. Kaya nilang tumayo sa sarili nilang paa na may prinsipyong kahit mahirap ay laging magagawan ng paraan. Nakakabilib din ang mga katangian nilang taglay dahil sa kanilang angkin na katalinuhan at magiging madiskarte sa buhay. Kaya nilang magprovide sa sarili nila ng kakailanganin ng hindi humihingi ng tulong. Sa diskarte nila sila nakakakuha ng trabaho at para may pangtustos sa sarili. Ang mga Independent Woman ay may mga isang salita na nagpapatunay lamang na kapag sinabi nila ay kaya nila itong gawin. Mapagmahal sila sa lahat ng mayroon sila dahil nakuha nila ito ng may pagsisikap sa lahat ng aspeto. Ang determinasyon nila ang nakakapagpabilib sa akin dahil kaya nilang abutin ang mga pangarap nila ng may pagtitiwala sa sarili.

Ilan lamang sila sa mga Kababaihan ng Kasaysayan na alam kong malaki ang nagiging ambag sa lipunan kahit walang kapalit galing sa iba. Kayang kaya nilang makipagsabayan sa mga kalalakihan na ang tingin dati sa mga kababaihan ay mababa at mga tagapagsilbi lamang. Ngayon napatunayan natin na sa likod ng matagumpay na pamamalakad ng mga kalalakihan ay mayroong mga kabababaihang nasa likod at nagsisilbing pundasyon ngayon at sa susunod pang henerasyon.


Always believe in yourself, girls. No matter what the world's throwing up to you, you can handle it with all your strength. Always remember that if we, women expected to do the things that men does, we must teach them correctly and equally.

Happy International Women's Day! <3

Yours truly,

Sponsors of trulySarah
empty
empty
empty


4
$ 0.31
$ 0.29 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Tilawat
Sponsors of trulySarah
empty
empty
empty

Comments