When Death Fell inlove to Life:Chapter 1.1

0 36
Avatar for tanjiro_23
3 years ago

Habang papasok ako sa entrance ng university, parang hindi makapaniwala ang mga mata ko, sobrang laki ng university na ito, nasearch ko ang background ng university,its name is Winchesters University, its one of the most prestigious university around the globe at tanging may kaya o di naman kaya scholars ang makakapasok dito, sa case ko nakapasok ako ng university dahil scholar ako, sa totoo lang nakakamangha ang university na to dahil may malawak silang malawak na grassfield na kung saan nandun din ang garden na pwede pagtambayan ng mga students pero ang mas nakakamangha is yung statue ng Winchesters Brother na nasa gitna ng 5 malalaking building, para talaga akong nasa ibang lugar, bigla kong naalala na hahanapin ko pa pala ang room ko kaya nagtanong ako sa may information desk, habang nasa pila ako may nakatabi akong babae na hindi ko masyadong napansin pero nagcaught ng attention ko, hopefully nalaman ko na ung room kaya dumiretso na agad ako sa building 4 room 7, dun ko nalaman na bawat building pala ay may kanya kanyang course at ang course ko is Business Operation kaya nasa Building 4 ako.

Ive found my room at pumasok na ako dun, buti na lang konti palang yung students kaya pumili ako ng upuan sa likod, mas gusto ko kase magsolo para makafocus ako sa pagbabasa at pakikinig ng music, after 20 minutes unti-unti ng nagsisidatingan ang ibang students, may ibang students na magkakakilala pala, halo-halo ang mga classmates ko yung iba siguro may kaya at yung iba naman scholars, habang busy ako sa pagoobserve may tumabing lalaking moreno, matangkad at may pagkabluish ang mata sa kaliwang pwesto ko, hindi ko na lang pinansin kase hindi ko naman kilala, pero ilang minuto lang ang lumipas at dinaldal na agad ako.

"Parang familiar ka saken, parang nakita kita sa kung saan eh"

Ako bilang isang mabait na nilalang sinagot ko naman baka kase isipin snobber ako pag di ko pinansin.

"Baka magkasame school tayo dati kaya ganun"

(Surprised)"Hala oo nga tanda ko na ikaw yung Valedictorian nung grade 12, wow dito ka din pala mag-aaral at magkasame course pa tayo Woah!!mukhang makakapasa na ako sa course na ito hahaha

(Speaking in Mind)

"Aba loko tong lalake na to ah, gagawin pa akong kopyahan, eh kung bugbugin ko kaya to para manahimik."

Napatawa na lang ako at hindi ko na lang ulit siya kinibo pero patuloy padin siya sa pagdadaldal. Nagsidatingan na yung ibang students at napatigil ang lahat sa ginagawa at paguusap ng may babaeng pumasok sa loob ng room pati nga yung katabi kong madaldal napatigil din eh. Nilingon ko din yung babaeng pumasok, biglang bumagal yung oras, para bang naging puti yung paligid at siya lang yung nakikita ko, parang bumibilis yung tibok ng puso ko hindi ko maintindihan kase hindi naman ako nakakaramdam ng ganito kapag nakakakita ako ng ibang babae pero iba sa kanya. Hindi ko namalayan na may luha na namang pumatak sa pisngi ko, ang weird na tlaga ng mga nangyayare, bumalik na lang ako sa realidad ng tinapik ako sa balikat ng katabi kong madaldal.

"Wow! grabe ang ganda niya diba? tingin mo may jowa na yan kase kung wala baka pwede ako jan"

Tiningnan ko siya ng masama na parang sinasabi ko na wag mo siyang tingnan akin yan, ewan bakit ba ako nagiisip ng ganto eh hindi ko naman kilala ang babaeng yan tsaka madaming babae sa mundo. Hindi ko na lang namalayan na umupo siya sa kanan ko, pero alam na kunwari hindi ako affected at patuloy lang sa pagkalikot ng cellphone at sinuot ulit yung earphone.

-To be Continue

1
$ 0.00
Avatar for tanjiro_23
3 years ago

Comments