read.cash Log in

@tanjiro_23

Joined 11 January 2021 · 6 posts

||Tanjiro niyo Pagod na||

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

t@tanjiro_23

Two faces of Love Everyone of us is destined to be love or inlove to someone, in less than 8 billion population on earth, there's one person in this world that will love you forever, in life we can't live without maybe there are contradictions but those are for bitter people,no matter how we argue about the topic love, it is forbidden in heart of mankind that no matter how devilish you are, there's still love left in your heart, its just replace by anger and pain thats why you can't see the importance of love. It binds two person who feel attraction and love, those two romantic couple can feel happiness and they will feel like they are floating in the air, also they will think that they are the only person in this world, they show their sweetness in front of others without hesitation since they have no intention to harm just want to show the love filled in their hearts. If your in state of love, you'll feel happiness that no one can replace, you will give your best to make your partner more inlove to you and you'll play the role as a perfect partner. If your in state of love, you can feel that your safe since there's someone who can protect you in danger and someone that can guard you, someone that can care for you if your sick and someone that can talk if your experiencing problems. February 14 is coming and im sure there are lots of couple that will pop-up to my newsfeed and posting their sweet moments, there will be also lots of confession and we can feel the love in air,maybe in on team bitter who against February 14 since I have no jowa. Its really wonderful to hear the word love, especially if your in state of that feeling, you'll feel true love if your heart really beat fast for that person and you love that person with no hesitation and without the influence of material things and money, its familiar to us that love has two faces, the face in which love shows great happiness and contentment in life and the other one is sorrow and death but first we tackle that love can bring joys and contentment in life, if you found the person you truly love, you'll feel joy when you are together and contentment in life since you'll think that living in simple life will be ok as long as you and your partner loved each other, even money cannot stop the two person who love each other, there are lots of people that I witness that left all the wealth, success and career just to choose love but in other side love can be the greatest failure we will experience, not all love becomes successful, there are people who left their partner because of discontentment and didn't reach the expectation in love, sometimes those people who failed in life can experience too much pain and lead to sorrow and agony, those weak-hearted people is affected to much since they can't handle too much pain and sometimes lead to suicidal thoughts,there are cases that people commits suicides because of love. In this world no matter how good the feeling is there's still a negative impact of it, everything in this world is balance, there no thing in this world that you'll see pure happiness, it gives also negative things to make a balance, just like in love, love has happiness but also had hatred and pain. The lesson here is be faithful to your partner to avoid those negative things, its important to stay and contented to your partner since you say the promise words and you need to fulfill it so that you can't hurt its feelings, do everything to make relationship work and avoid things that can ruin relationships.

t@tanjiro_23

When Death Fell Inlove to Life: Chapter 1.2 Habang inaantay ng buong klase ang pagdating ng professor, iba iba ang ginagawa ng iba kong classmates, yung iba nagkwekwentuhan at yung iba naman nagcecellphone lang pero ako wala nakacellphone lang din at nabobored, naisipan kong basahin yung novel book na meron ako, kinuha ko ito sa bag at pumunta sa page na may mark at nagbasa, at heto na naman si yung makulit kong katabi, iniistorbo na naman ako at gusto din basahin ang binabasa ko. "Wow nagbabasa kadin pala, ako din eh skl, baka naman pwede mo ishare yang binabasa mo" Parang gusto ko na tlaga lumipat ng upuan dahil sa katabi ko pero no choice ako kase wala ng vacant kaya titiisin ko na lang ito. "Pasensiya na malapit ko na kase matapos to eh pero kung gusto mo pahiram ko sayo pagtapos ko na basahin" "Yown salamat dude, magiging magkaibigan talaga tayo" Bumalik na ako sa pagbabasa ng libro at hinayaan na lang yung katabi kong lalaki, habang nagbabasa ako napalingon ako sa kanan ko at napansin ko yung magandang babae na nagbabasa din ng libro, curious kase talaga ako pagdating sa mga libro at dahil sa curiousity ko di ko mapigilang mapasilip dun sa binabasa ng babae, nagulat ako sa title ng libro at ng mapansin niya na tinitingnan ko agad niya namang sinara at bakas sa mukha niya ang hiya. (Speaking in Mind) *"sa kabila pala ng mapang-akit mong ganda, meron ka palang tinatagong malupit na chakra hahaha"* Napangiti na lang ako at bumalik sa binabasa kong libro, napatigil sko sa pagbabasa ng pumasok na sa room ang prof namin at mukha naman siyang mabait. "Good Afternoon Class, Im your Business Operation professor, nice to meet you all at sana maging maganda ang interaction sa subject na ito and as usual kung first day of school, kailangan magpakilala hindi ba?, kaya today lets spend our time by introducing yourselves and also im going to introduce myself too so lets start?" Hayzz ito na naman, kailangan na namang magpakilala at ito yung pinakaawkward na part kapag first day pero walang magagawa dahil kailangan ito para makilala ang bawat isa, nakita kong nagstart sa unahan ang introduction kaya may time pa ako para mag-isip ng mga sasabihin, kita ko yung iba kong classmates na parang kinakabahan na, hindi ko namalayan na nasa likuran na agad ang kailangang magpakilala, nauna yung mga nasa dulong upuan. "Hello everyone I'm Samantha Dizon im 17 years old its nice meeting you all" Umupo na yung babae at yung next na babae naman ang magpapakilala. "Hi I'm Hannah Salazar Im 18 and my hobbies are reading books, listening to music and then cookingggg, yun lang its nice to meet you all" Umupo na din ang isang babae at ang next na ang pinakahihintay ng lahat, medyo nagaantay din naman ako kung ano ang pangalan niya pero slight lang di tulad ng iba kong lalaking kaklase na titig na titig at may cellphone ng nakaabang haha. Bakas sa mukha niya ang hiya dahil lahat sila nakatingin sa kanya, ako kase patay malisya kunwari at buklat buklat ng libro ganun pero may interest din naman ang sarili ko na malaman kung ano pangalan niya. "(Ashame) Ha-Hi everyone I'm Lhaine Delos Reyes,I'm 17, then my hobbies are reading books, collecting stuffs and music, nice to meet you all" Mabilis siyang umupo at aba sarap pagsasapakin ng mga kaklase kong lalaki kase grabe yung mga ngiti nila nung malaman nila yung pangalan ng babae, grabe mga lalaki nga naman pero hindi naman talaga maikakaila na maganda siya, wala naman atang lalaki na hindi maiimpress kapag may nakitang maganda (palusot 101). Kita ko yung iba kong lalaking classmate na sinesearch fb name ng babae at parang gusto nilang lapitan itong katabi kong babae pero parang gusto kong sabihin sa kanila na *"hoy magsilayo kayo, shes mine!!"* pero wala akong magagawa kase wala naman ako karapatan. Ako na yung next na magpapakilala at nakita kong nakatingin din sakin yung girl boom ashumero pero kunwari strong *"kalma ka lang self hindi dpat papadala sa isang sandatang mapanganib"*straight akong tumayo at nagpakilala. "(Baritone voice) Good day everyone I'm Davidson Alvarez, Im 18 and my favorite sport is Badminton, also i love to watch animes and read books especially novels" Manghang mangha naman ang mga uto-uto kong mga kaklase haha nakita ko yung katabi kong cute na babae na na-amaze din pero lumiko yung tingin nung tiningnan ko din siya, abughh may mali ata sa mata ko,umupo agad ako pagkatapos ko magpakilala at next na yung madaldal kong katabing lalaki, gusto ko tlaga malaman pangalan nito para mabugbog charrr, curious lang ako baka kase kilala ko siya in surname, gulat ako kase naglabas siya ng birth certificate, napatawa ako pati nadin iba naming kaklase. "Hello everyone I'm Hanz Alkyne Del Chavez, Im 18 kung hindi kayo naniniwala meron akong katibayan" (sabay pakita ng birth certificate) Natawa buong klase sa kalokohan niya pati nga ako natawa din sa lakas ng trip nito sigurado kavibes ko to sa kalokohan haha. Pagkatapos namin magpakilala ay si prof naman ang nagintroduce at pagkatapos nagbigay na ng mga rules ang professor at mga lessons na kailangan namin paghandaan, as usual kabado is real sino ba naman kakabahan sa mga lessons na hindi ka familiar, pero lahat naman nagstastart sa mahirap pero kapag napag aaralan ay nagiging madali na lang. After an hour natapos din ang klase and its break time at dun na nagsilapitan ang mga boys sa katabi kong babae. -To be Continue

t@tanjiro_23

Paano ko nakakayanan ang Stress at Anxiety Sa totoo lang hindi naman ako ganto dati, sobrang masayahin ko dati at palakaibigan pero habang tumatagal unti unting nagbago ang lahat, simula nung nag grade 9 ako naging ganto na ako, tahimik, at gusto lagi mapagisa, hindi ko alam ang naging dahilan kungbakit ako naging ganto, siguro nabago ako ng panahon at ng mga tao sa paligid ko, natatakot ako na makipaghalubilo sa iba kase baka makatanggap ako ng panghuhusga, ayaw ko din na magsalita sa harap ng maraming tao dahil nahihiya talaga ako. Siguro sadyang maarte lang tlaga ako, pero hindi kase naintindihan ng iba, madali sa kanila na gawin pero hindi para saken. Totoo nga tlaga na once nakaramdam ka na ng sakit, mahirap na itong makalimutan, tatatak un sa isipan ng isang tao kahit na anong gawin para hindi na maalala, hindi ko alam kung may dapat ba akong gawin para mabago ko ang sarili ko kase masyado ng malalim ang sugat na nakatatak sa akin at ang sugat na yun ay naiipon lang sa sarili ko dahil sa buong buhay ko wala akong pinagsabihan tungkol sa mga problema ko, kilala nila ako as tahimik lang at mabait pero never nilang nakita na umiiyak din ako, ayaw ko lang tlaga na ishare sa kanila kase alam kong meron pading panghuhusga, alam kong magiging concern sila sa akin pero kapag nakatalikod na ay sasabihin nilang nagiinarte lang ako. Kapag naiistress ako at inaatake ako ng anxiety ko, tanging pagiyak lang ang nagagawa ko, pumipili ako ng lugar na madilim at walang tao para doon ibuhos ang sakit na nararamdaman ko, ung iyak na walang tunog kase baka marinig ako ng ibang tao, kahit nga sarili kong pamilya hindi alam na may pinagdadaanan akong ganto, medyo hindi kase ako close sa family ko. Mas lumala pa ang stress at anxiety ko ng mamatay ang ate ko, hindi ko alam kung anong maramdaman ko sa panahon na yun lalo pa nung nagbreak kami ng jowa ko, sobrang bigat na tlaga ng nararamdaman ko nun at hindi ko alam kung paano ko ibubuhos yung sakit. Sa totoo lang hanggang ngayon dala ko padin ang sakit at wala akong mabuhusan, meron akong nakakausap sa fb chats at shinashare ko ang mga problems ko at sa time na yun pumapatak na naman ang luha ko. Pero may mga bagay na nagpapasaya sa akin para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko, nanonood ako ng anime sa tuwing nalulungkot ako, lalo na yung Demon Slayer at mga Fantasy anime kase nakakarelax ang manood para sakin, isa pa sa nagpapasaya sakin ay ang psnonood ng Larva, napapangiti tlaga ako sa tuwing napapanood sila. Nillibang kp din ang sarili ko sa paglalaro ng mobile games para marelax ang sarili ko. Hindi ko ito sinulat para magpasikat, shinashare ko lang ang nararamdaman ko at para maishare ko din ang mga ginagawa ko para mabawasan ang kalungkutan na meron ako. Yun lang. :)

t@tanjiro_23

When Death Fell inlove to Life:Chapter 1.1 Habang papasok ako sa entrance ng university, parang hindi makapaniwala ang mga mata ko, sobrang laki ng university na ito, nasearch ko ang background ng university,its name is Winchesters University, its one of the most prestigious university around the globe at tanging may kaya o di naman kaya scholars ang makakapasok dito, sa case ko nakapasok ako ng university dahil scholar ako, sa totoo lang nakakamangha ang university na to dahil may malawak silang malawak na grassfield na kung saan nandun din ang garden na pwede pagtambayan ng mga students pero ang mas nakakamangha is yung statue ng Winchesters Brother na nasa gitna ng 5 malalaking building, para talaga akong nasa ibang lugar, bigla kong naalala na hahanapin ko pa pala ang room ko kaya nagtanong ako sa may information desk, habang nasa pila ako may nakatabi akong babae na hindi ko masyadong napansin pero nagcaught ng attention ko, hopefully nalaman ko na ung room kaya dumiretso na agad ako sa building 4 room 7, dun ko nalaman na bawat building pala ay may kanya kanyang course at ang course ko is Business Operation kaya nasa Building 4 ako. Ive found my room at pumasok na ako dun, buti na lang konti palang yung students kaya pumili ako ng upuan sa likod, mas gusto ko kase magsolo para makafocus ako sa pagbabasa at pakikinig ng music, after 20 minutes unti-unti ng nagsisidatingan ang ibang students, may ibang students na magkakakilala pala, halo-halo ang mga classmates ko yung iba siguro may kaya at yung iba naman scholars, habang busy ako sa pagoobserve may tumabing lalaking moreno, matangkad at may pagkabluish ang mata sa kaliwang pwesto ko, hindi ko na lang pinansin kase hindi ko naman kilala, pero ilang minuto lang ang lumipas at dinaldal na agad ako. "Parang familiar ka saken, parang nakita kita sa kung saan eh" Ako bilang isang mabait na nilalang sinagot ko naman baka kase isipin snobber ako pag di ko pinansin. "Baka magkasame school tayo dati kaya ganun" (Surprised)"Hala oo nga tanda ko na ikaw yung Valedictorian nung grade 12, wow dito ka din pala mag-aaral at magkasame course pa tayo Woah!!mukhang makakapasa na ako sa course na ito hahaha (Speaking in Mind) "Aba loko tong lalake na to ah, gagawin pa akong kopyahan, eh kung bugbugin ko kaya to para manahimik." Napatawa na lang ako at hindi ko na lang ulit siya kinibo pero patuloy padin siya sa pagdadaldal. Nagsidatingan na yung ibang students at napatigil ang lahat sa ginagawa at paguusap ng may babaeng pumasok sa loob ng room pati nga yung katabi kong madaldal napatigil din eh. Nilingon ko din yung babaeng pumasok, biglang bumagal yung oras, para bang naging puti yung paligid at siya lang yung nakikita ko, parang bumibilis yung tibok ng puso ko hindi ko maintindihan kase hindi naman ako nakakaramdam ng ganito kapag nakakakita ako ng ibang babae pero iba sa kanya. Hindi ko namalayan na may luha na namang pumatak sa pisngi ko, ang weird na tlaga ng mga nangyayare, bumalik na lang ako sa realidad ng tinapik ako sa balikat ng katabi kong madaldal. "Wow! grabe ang ganda niya diba? tingin mo may jowa na yan kase kung wala baka pwede ako jan" Tiningnan ko siya ng masama na parang sinasabi ko na *wag mo siyang tingnan akin yan,* ewan bakit ba ako nagiisip ng ganto eh hindi ko naman kilala ang babaeng yan tsaka madaming babae sa mundo. Hindi ko na lang namalayan na umupo siya sa kanan ko, pero alam na kunwari hindi ako affected at patuloy lang sa pagkalikot ng cellphone at sinuot ulit yung earphone. -To be Continue

t@tanjiro_23

When Death Fell inlove to Life "Kring!Kring!Kring! Nagising ako mula sa ingay ng alarm clock ko, hinawakan ko ang ulo ko dahil masakit, may mga luha ring pumatak sa pisngi ko, hindj ko maintindihan kung bakit ganun ang nangyari sa akin, nagising ako mula sa isang kakaibang panaginip, pilit kong inaalala ang buong pangyayari pero hindi ko magawa, nagbalik ako sa realidad ng may isang boses na tumatawag sa aking pangalan. "David anak, gising ka na ba?" boses iyon ng aking ina,biglang pumasok sa isip ko na lunes pala ngayon, ngayon pla ang unang araw na magsisimula ang buhay ko sa college,mabilis akong bumangon at niligpit ang higaan ko, dali dali kong binuksan ang pintuan at hinalikan sa pisngi ang aking ina. "Good morning Ma, sorry medyo weird lng ang panaginip ko kaya siguro hindi ako nagising agad" "Its ok anak its 8 AM in the morning plang naman at marami kapang time pra magprepare, speaking of prepare, breakfast is ready kaya halika ka na para mabusog ka" She's my mother as usual maalaga siya samin ni Daddy, napakabait niya sakin sobra at parang baby padin ang turing niya sakin kahit na 18 na ako, pero kahit ganun mahal na mahal ko si mommy, khit na minsanan lang namin makasama si Dad kase lagi siyang nasa company, hindi ko naman masisisi si Daddy kase siya ang CEO and President ng Alvarez Enterprise, one of the largest Enterprise in Asia, naiimagine ko na nga ang buhay ko in the future kapag ako na ang maghahandle ng company, nagiisang anak lng ako kaya siguro ang ang magiging tagapagmana, kaya yung course na pinili ko is Business Operation, mas ok siguro na may kaalaman ako sa pagpapatakbo ng isang negosyo pra in case na ako na ung nasa position hindi na ako mahihirapan. Again lumalalim na naman ang iniisip ko, nagulat ako ng tinapik ako ni Mama sa balikat. "Ayos ka lng ba anak?" "Ye-yes Ma, siguro di lng maganda gising ko" "Siguro babae ang nasa panaginip mo noh haha, tara na at sigurado gutom ka na" Sumunod na lng ako kay Mama sa dining area ng bahay namin, ng sinabi ni mama na babae ang nasa isip ko, biglang may pumasok sa isip ko, isang babae nga ang nasa panaginip ko. Kumain na kami ng agahan at naghanda ako para sa unang araw ko sa college, as usual gusto ko simple lang ako, simpleng uniform, back pack at hindi mawawal ang cellphone at earphones ko, lagi kong kasama ang mga to kahit san man ako pumunta. Pababa na ako ng hagdan at kita ko si Mama na busy sa paghahanda ng sandwiches. "David anak heto dalhin mo itong sandwiches baka kase magutuman ka sa klase" Sa totoo lang parang tinetreat ako ni mama na parang isang bata haha pero natatawa na lng ako at kailangan kong tanggapin yung sandwiches na pinrepare niya baka kase magtampo siya. "Thanks para dito Ma, sige Ma alis na ako" sabay halik sa pisngi "Wait hindi ka ba magpapahatid kay Mang Berto?, o di kaya gamitin mo na lng yung kotse mo jan sa garahe." "Wag na po Ma, magcocomute na lng ako, mas sanay kase ako" Napabuntong hininga na lng si Mama, totoo naman kase mas sanay akong magcommute, hindi naman sa hindi ako marunong magdrive pero kase masyadong magara yung kotse, at kapag dinrive ko yun, mapapansin ako ng mga tao at ayaw ko ng atensyon, mas ok sa akin na tahimik ang buhay ko at hindi nila malaman kung sino ako. "Sige basta mag-iingat ka lang" Kiniss ko ulit si Mama sa pisngi at umalis na ng bahay, pumunta ako sa paradahan ng jeep at sumakay doon, hinihintay na mapuno yung jeep kaya nakinig muna ako ng music, grabe yung init ng panahon kaya feeling ko mabaho na ako pero hindi naman nagrereact yung katabi ko kaya mukhang hindi naman hahha. Nagstart ng umandar yung jeep, siguro mga 30 minutes nagstop ung jeep, yun pla dun yung stop over ng mga bababa at narealize ko na dun pala ako bababa kaya nagmadali rin akong bumaba. Medyo malayo pa ang distance sa university kaya kailangan ko maglakad, sobrang dami ring students na papunta sa direksiyon ng school at kailangan sa tabi lng kami kase may mga magagarang sasakyan na dumadaan, yung iba naaamaze ng sobra at pinipicturan pero ako wala pake, patuloy lng sa paglalakad. -To be continue

t@tanjiro_23

Ang Karanasan ko sa Reddit Gumawa ako ng article na may title na "The things we didnt know about the food we consume" sa totoo lang ang effort ko sa paggawa ng article na un kase nagresearch pa ako, natapos ko ung article mga 11 pm na at may nakita akong tips sa read.cash na itry ipost ung article sa reddit dahil madami ang makakakita ng article doon, kaya pumunta ako sa reddit para ipost ung link ng article ko , sa umpisa sobrang saya ko kase madami na agad views 10 mins. plang kaya ang sabi ko maganda kung dito ko ishashare ung article ko, pero nung nagising ako kaninang umaga may nakita akong may nagcomment, natuwa ako kase akala ko may nag agree sa post ko pero nagkakamali ako, nagcomment siya na wlaang kwenta ang article ko, sabi pa niya alam na daw lahat ng tao ang tungkol jan pero ang gusto ko lng naman ishare is may mga ingridients ang mga pagkain na hindi natin alam, pero bat ganun nakatanggap ako ng ganun. Hindi naman masama ang article ko kase nagshashare lng naman ako ng facts pero bat ganun. Alam ko na hindi ako perfect na author kase hindi constructed ang mga ideas ko, oo hindi ako perfect writer pero bakit kailangan sabihan na walang kwenta ang gawa ko. Bakit may mga taong ganyan na mas gustong mangcriticize kesa tulungan ung ibang writer na hindi pa marunong?, hindi ba nila alam na tinatry din nqman natin ang best natin para makagawa ng magandang article tapos ganun ung mga comments nila. Nakakawalang gana din pla ang magsulat ng article kapag ganun ang ibang writer, siguro perfect sila para ,manghusga na. Sobrang sakit para sa kin na pinaghirapan ko ang article na yun tapos gusto ko lng naman na kumita kahit kunting pera, sobra akong nagsisi na nagpost ako dun kase puro negative comments natanggap ko dun at ang masakit pa nireport nila ang account ko, ung account na pinaghirapan ko nagiging spam na message ko. Parang gusto kong umiyak kase hindi naman iyon plagiarized, nanood pa ako ng video para masulat ang article na yun pero hindi man lng naappreciate, siguro nga wala akong future sa pagsusulat, pinapatunayan na lng tlaga na wala sense ang mga article ko. Ngayon gumawa ako ng bagong acc at magsisimula ulit ako, sana hindi na mauulit ung nangyare, sana maging lesson din to para sa iba na sa reddit dadami lng ang views mo pero puro negative comments ang matatanggap kase ang mga tao ibat iba ang ugali, maraming tao ang mas pipiliin na manghusga kesa tulungan ka. :)