When Death Fell Inlove to Life: Chapter 1.2

0 34
Avatar for tanjiro_23
3 years ago
Sponsors of tanjiro_23
empty
empty
empty

Habang inaantay ng buong klase ang pagdating ng professor, iba iba ang ginagawa ng iba kong classmates, yung iba nagkwekwentuhan at yung iba naman nagcecellphone lang pero ako wala nakacellphone lang din at nabobored, naisipan kong basahin yung novel book na meron ako, kinuha ko ito sa bag at pumunta sa page na may mark at nagbasa, at heto na naman si yung makulit kong katabi, iniistorbo na naman ako at gusto din basahin ang binabasa ko.

"Wow nagbabasa kadin pala, ako din eh skl, baka naman pwede mo ishare yang binabasa mo"

Parang gusto ko na tlaga lumipat ng upuan dahil sa katabi ko pero no choice ako kase wala ng vacant kaya titiisin ko na lang ito.

"Pasensiya na malapit ko na kase matapos to eh pero kung gusto mo pahiram ko sayo pagtapos ko na basahin"

"Yown salamat dude, magiging magkaibigan talaga tayo"

Bumalik na ako sa pagbabasa ng libro at hinayaan na lang yung katabi kong lalaki, habang nagbabasa ako napalingon ako sa kanan ko at napansin ko yung magandang babae na nagbabasa din ng libro, curious kase talaga ako pagdating sa mga libro at dahil sa curiousity ko di ko mapigilang mapasilip dun sa binabasa ng babae, nagulat ako sa title ng libro at ng mapansin niya na tinitingnan ko agad niya namang sinara at bakas sa mukha niya ang hiya.

(Speaking in Mind)

"sa kabila pala ng mapang-akit mong ganda, meron ka palang tinatagong malupit na chakra hahaha"

Napangiti na lang ako at bumalik sa binabasa kong libro, napatigil sko sa pagbabasa ng pumasok na sa room ang prof namin at mukha naman siyang mabait.

"Good Afternoon Class, Im your Business Operation professor, nice to meet you all at sana maging maganda ang interaction sa subject na ito and as usual kung first day of school, kailangan magpakilala hindi ba?, kaya today lets spend our time by introducing yourselves and also im going to introduce myself too so lets start?"

Hayzz ito na naman, kailangan na namang magpakilala at ito yung pinakaawkward na part kapag first day pero walang magagawa dahil kailangan ito para makilala ang bawat isa, nakita kong nagstart sa unahan ang introduction kaya may time pa ako para mag-isip ng mga sasabihin, kita ko yung iba kong classmates na parang kinakabahan na, hindi ko namalayan na nasa likuran na agad ang kailangang magpakilala, nauna yung mga nasa dulong upuan.

"Hello everyone I'm Samantha Dizon im 17 years old its nice meeting you all"

Umupo na yung babae at yung next na babae naman ang magpapakilala.

"Hi I'm Hannah Salazar Im 18 and my hobbies are reading books, listening to music and then cookingggg, yun lang its nice to meet you all"

Umupo na din ang isang babae at ang next na ang pinakahihintay ng lahat, medyo nagaantay din naman ako kung ano ang pangalan niya pero slight lang di tulad ng iba kong lalaking kaklase na titig na titig at may cellphone ng nakaabang haha. Bakas sa mukha niya ang hiya dahil lahat sila nakatingin sa kanya, ako kase patay malisya kunwari at buklat buklat ng libro ganun pero may interest din naman ang sarili ko na malaman kung ano pangalan niya.

"(Ashame) Ha-Hi everyone I'm Lhaine Delos Reyes,I'm 17, then my hobbies are reading books, collecting stuffs and music, nice to meet you all"

Mabilis siyang umupo at aba sarap pagsasapakin ng mga kaklase kong lalaki kase grabe yung mga ngiti nila nung malaman nila yung pangalan ng babae, grabe mga lalaki nga naman pero hindi naman talaga maikakaila na maganda siya, wala naman atang lalaki na hindi maiimpress kapag may nakitang maganda (palusot 101). Kita ko yung iba kong lalaking classmate na sinesearch fb name ng babae at parang gusto nilang lapitan itong katabi kong babae pero parang gusto kong sabihin sa kanila na "hoy magsilayo kayo, shes mine!!" pero wala akong magagawa kase wala naman ako karapatan. Ako na yung next na magpapakilala at nakita kong nakatingin din sakin yung girl boom ashumero pero kunwari strong "kalma ka lang self hindi dpat papadala sa isang sandatang mapanganib"straight akong tumayo at nagpakilala.

"(Baritone voice) Good day everyone I'm Davidson Alvarez, Im 18 and my favorite sport is Badminton, also i love to watch animes and read books especially novels"

Manghang mangha naman ang mga uto-uto kong mga kaklase haha nakita ko yung katabi kong cute na babae na na-amaze din pero lumiko yung tingin nung tiningnan ko din siya, abughh may mali ata sa mata ko,umupo agad ako pagkatapos ko magpakilala at next na yung madaldal kong katabing lalaki, gusto ko tlaga malaman pangalan nito para mabugbog charrr, curious lang ako baka kase kilala ko siya in surname, gulat ako kase naglabas siya ng birth certificate, napatawa ako pati nadin iba naming kaklase.

"Hello everyone I'm Hanz Alkyne Del Chavez, Im 18 kung hindi kayo naniniwala meron akong katibayan" (sabay pakita ng birth certificate)

Natawa buong klase sa kalokohan niya pati nga ako natawa din sa lakas ng trip nito sigurado kavibes ko to sa kalokohan haha. Pagkatapos namin magpakilala ay si prof naman ang nagintroduce at pagkatapos nagbigay na ng mga rules ang professor at mga lessons na kailangan namin paghandaan, as usual kabado is real sino ba naman kakabahan sa mga lessons na hindi ka familiar, pero lahat naman nagstastart sa mahirap pero kapag napag aaralan ay nagiging madali na lang. After an hour natapos din ang klase and its break time at dun na nagsilapitan ang mga boys sa katabi kong babae.

-To be Continue

1
$ 0.00
Avatar for tanjiro_23
3 years ago

Comments