When Death Fell inlove to Life

2 55
Avatar for tanjiro_23
3 years ago

"Kring!Kring!Kring!

Nagising ako mula sa ingay ng alarm clock ko, hinawakan ko ang ulo ko dahil masakit, may mga luha ring pumatak sa pisngi ko, hindj ko maintindihan kung bakit ganun ang nangyari sa akin, nagising ako mula sa isang kakaibang panaginip, pilit kong inaalala ang buong pangyayari pero hindi ko magawa, nagbalik ako sa realidad ng may isang boses na tumatawag sa aking pangalan.

"David anak, gising ka na ba?"

boses iyon ng aking ina,biglang pumasok sa isip ko na lunes pala ngayon, ngayon pla ang unang araw na magsisimula ang buhay ko sa college,mabilis akong bumangon at niligpit ang higaan ko, dali dali kong binuksan ang pintuan at hinalikan sa pisngi ang aking ina.

"Good morning Ma, sorry medyo weird lng ang panaginip ko kaya siguro hindi ako nagising agad"

"Its ok anak its 8 AM in the morning plang naman at marami kapang time pra magprepare, speaking of prepare, breakfast is ready kaya halika ka na para mabusog ka"

She's my mother as usual maalaga siya samin ni Daddy, napakabait niya sakin sobra at parang baby padin ang turing niya sakin kahit na 18 na ako, pero kahit ganun mahal na mahal ko si mommy, khit na minsanan lang namin makasama si Dad kase lagi siyang nasa company, hindi ko naman masisisi si Daddy kase siya ang CEO and President ng Alvarez Enterprise, one of the largest Enterprise in Asia, naiimagine ko na nga ang buhay ko in the future kapag ako na ang maghahandle ng company, nagiisang anak lng ako kaya siguro ang ang magiging tagapagmana, kaya yung course na pinili ko is Business Operation, mas ok siguro na may kaalaman ako sa pagpapatakbo ng isang negosyo pra in case na ako na ung nasa position hindi na ako mahihirapan. Again lumalalim na naman ang iniisip ko, nagulat ako ng tinapik ako ni Mama sa balikat.

"Ayos ka lng ba anak?"

"Ye-yes Ma, siguro di lng maganda gising ko"

"Siguro babae ang nasa panaginip mo noh haha, tara na at sigurado gutom ka na"

Sumunod na lng ako kay Mama sa dining area ng bahay namin, ng sinabi ni mama na babae ang nasa isip ko, biglang may pumasok sa isip ko, isang babae nga ang nasa panaginip ko. Kumain na kami ng agahan at naghanda ako para sa unang araw ko sa college, as usual gusto ko simple lang ako, simpleng uniform, back pack at hindi mawawal ang cellphone at earphones ko, lagi kong kasama ang mga to kahit san man ako pumunta. Pababa na ako ng hagdan at kita ko si Mama na busy sa paghahanda ng sandwiches.

"David anak heto dalhin mo itong sandwiches baka kase magutuman ka sa klase"

Sa totoo lang parang tinetreat ako ni mama na parang isang bata haha pero natatawa na lng ako at kailangan kong tanggapin yung sandwiches na pinrepare niya baka kase magtampo siya.

"Thanks para dito Ma, sige Ma alis na ako" sabay halik sa pisngi

"Wait hindi ka ba magpapahatid kay Mang Berto?, o di kaya gamitin mo na lng yung kotse mo jan sa garahe."

"Wag na po Ma, magcocomute na lng ako, mas sanay kase ako"

Napabuntong hininga na lng si Mama, totoo naman kase mas sanay akong magcommute, hindi naman sa hindi ako marunong magdrive pero kase masyadong magara yung kotse, at kapag dinrive ko yun, mapapansin ako ng mga tao at ayaw ko ng atensyon, mas ok sa akin na tahimik ang buhay ko at hindi nila malaman kung sino ako.

"Sige basta mag-iingat ka lang"

Kiniss ko ulit si Mama sa pisngi at umalis na ng bahay, pumunta ako sa paradahan ng jeep at sumakay doon, hinihintay na mapuno yung jeep kaya nakinig muna ako ng music, grabe yung init ng panahon kaya feeling ko mabaho na ako pero hindi naman nagrereact yung katabi ko kaya mukhang hindi naman hahha. Nagstart ng umandar yung jeep, siguro mga 30 minutes nagstop ung jeep, yun pla dun yung stop over ng mga bababa at narealize ko na dun pala ako bababa kaya nagmadali rin akong bumaba. Medyo malayo pa ang distance sa university kaya kailangan ko maglakad, sobrang dami ring students na papunta sa direksiyon ng school at kailangan sa tabi lng kami kase may mga magagarang sasakyan na dumadaan, yung iba naaamaze ng sobra at pinipicturan pero ako wala pake, patuloy lng sa paglalakad.

-To be continue

2
$ 0.00
Avatar for tanjiro_23
3 years ago

Comments

I was only able to read the story in the English translation, but I liked it a lot. I'm curious to read how it will continue. 😊👍

$ 0.00
3 years ago

thank youuuuuuuuu

$ 0.00
3 years ago