Sa totoo lang hindi naman ako ganto dati, sobrang masayahin ko dati at palakaibigan pero habang tumatagal unti unting nagbago ang lahat, simula nung nag grade 9 ako naging ganto na ako, tahimik, at gusto lagi mapagisa, hindi ko alam ang naging dahilan kungbakit ako naging ganto, siguro nabago ako ng panahon at ng mga tao sa paligid ko, natatakot ako na makipaghalubilo sa iba kase baka makatanggap ako ng panghuhusga, ayaw ko din na magsalita sa harap ng maraming tao dahil nahihiya talaga ako. Siguro sadyang maarte lang tlaga ako, pero hindi kase naintindihan ng iba, madali sa kanila na gawin pero hindi para saken.
Totoo nga tlaga na once nakaramdam ka na ng sakit, mahirap na itong makalimutan, tatatak un sa isipan ng isang tao kahit na anong gawin para hindi na maalala, hindi ko alam kung may dapat ba akong gawin para mabago ko ang sarili ko kase masyado ng malalim ang sugat na nakatatak sa akin at ang sugat na yun ay naiipon lang sa sarili ko dahil sa buong buhay ko wala akong pinagsabihan tungkol sa mga problema ko, kilala nila ako as tahimik lang at mabait pero never nilang nakita na umiiyak din ako, ayaw ko lang tlaga na ishare sa kanila kase alam kong meron pading panghuhusga, alam kong magiging concern sila sa akin pero kapag nakatalikod na ay sasabihin nilang nagiinarte lang ako.
Kapag naiistress ako at inaatake ako ng anxiety ko, tanging pagiyak lang ang nagagawa ko, pumipili ako ng lugar na madilim at walang tao para doon ibuhos ang sakit na nararamdaman ko, ung iyak na walang tunog kase baka marinig ako ng ibang tao, kahit nga sarili kong pamilya hindi alam na may pinagdadaanan akong ganto, medyo hindi kase ako close sa family ko. Mas lumala pa ang stress at anxiety ko ng mamatay ang ate ko, hindi ko alam kung anong maramdaman ko sa panahon na yun lalo pa nung nagbreak kami ng jowa ko, sobrang bigat na tlaga ng nararamdaman ko nun at hindi ko alam kung paano ko ibubuhos yung sakit. Sa totoo lang hanggang ngayon dala ko padin ang sakit at wala akong mabuhusan, meron akong nakakausap sa fb chats at shinashare ko ang mga problems ko at sa time na yun pumapatak na naman ang luha ko.
Pero may mga bagay na nagpapasaya sa akin para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko, nanonood ako ng anime sa tuwing nalulungkot ako, lalo na yung Demon Slayer at mga Fantasy anime kase nakakarelax ang manood para sakin, isa pa sa nagpapasaya sakin ay ang psnonood ng Larva, napapangiti tlaga ako sa tuwing napapanood sila. Nillibang kp din ang sarili ko sa paglalaro ng mobile games para marelax ang sarili ko. Hindi ko ito sinulat para magpasikat, shinashare ko lang ang nararamdaman ko at para maishare ko din ang mga ginagawa ko para mabawasan ang kalungkutan na meron ako. Yun lang. :)