Gumawa ako ng article na may title na "The things we didnt know about the food we consume" sa totoo lang ang effort ko sa paggawa ng article na un kase nagresearch pa ako, natapos ko ung article mga 11 pm na at may nakita akong tips sa read.cash na itry ipost ung article sa reddit dahil madami ang makakakita ng article doon, kaya pumunta ako sa reddit para ipost ung link ng article ko , sa umpisa sobrang saya ko kase madami na agad views 10 mins. plang kaya ang sabi ko maganda kung dito ko ishashare ung article ko, pero nung nagising ako kaninang umaga may nakita akong may nagcomment, natuwa ako kase akala ko may nag agree sa post ko pero nagkakamali ako, nagcomment siya na wlaang kwenta ang article ko, sabi pa niya alam na daw lahat ng tao ang tungkol jan pero ang gusto ko lng naman ishare is may mga ingridients ang mga pagkain na hindi natin alam, pero bat ganun nakatanggap ako ng ganun. Hindi naman masama ang article ko kase nagshashare lng naman ako ng facts pero bat ganun. Alam ko na hindi ako perfect na author kase hindi constructed ang mga ideas ko, oo hindi ako perfect writer pero bakit kailangan sabihan na walang kwenta ang gawa ko.
Bakit may mga taong ganyan na mas gustong mangcriticize kesa tulungan ung ibang writer na hindi pa marunong?, hindi ba nila alam na tinatry din nqman natin ang best natin para makagawa ng magandang article tapos ganun ung mga comments nila. Nakakawalang gana din pla ang magsulat ng article kapag ganun ang ibang writer, siguro perfect sila para ,manghusga na. Sobrang sakit para sa kin na pinaghirapan ko ang article na yun tapos gusto ko lng naman na kumita kahit kunting pera, sobra akong nagsisi na nagpost ako dun kase puro negative comments natanggap ko dun at ang masakit pa nireport nila ang account ko, ung account na pinaghirapan ko nagiging spam na message ko. Parang gusto kong umiyak kase hindi naman iyon plagiarized, nanood pa ako ng video para masulat ang article na yun pero hindi man lng naappreciate, siguro nga wala akong future sa pagsusulat, pinapatunayan na lng tlaga na wala sense ang mga article ko. Ngayon gumawa ako ng bagong acc at magsisimula ulit ako, sana hindi na mauulit ung nangyare, sana maging lesson din to para sa iba na sa reddit dadami lng ang views mo pero puro negative comments ang matatanggap kase ang mga tao ibat iba ang ugali, maraming tao ang mas pipiliin na manghusga kesa tulungan ka. :)