Wonderwall: Prologue

2 22
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago
Topics: Fiction, Love, Dreams

Out of a billion people in this world, how will you know if you already found "the one"? Maybe there is a sign, you just need to open your eyes...and heart.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Andito ako nakatayo at pinagmamasdan ang kagandahan ng buong Seoul. Grabe sobrang nakakamangha pala talaga kapag nakita mo na sa wakas ang matagal mo ng gustong puntahan. Isa sa mga bucket list ko ang makarating dito sa napakataas na Namsan Tower. Finally! Sa sobrang galak ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Papalubog na ang araw at kanina pa ako naaaliw. Kaya naman napagpasiyahan ko na bumaba na at bumalik sa hotel kung saan ako kasalukuyang tumutuloy.

Habang naglalakad ako, napansin kong natanggal ang sintas ng sapatos ko kaya naman napahinto ako at akmang aayusin ko na nang biglang...

"Aray!" Napatigil ako sa lakas ng pagkakabangga sa akin. Nakaaasar! Sino ba tong mokong na ito ang lawak lawak naman ng daanan.

Napalingon ako ngunit huli na ang lahat upang makita ang kanyang mukha at tanging likod na lamang niya ang aking nasilayan. Tumatakbo siyang papalayo sa akin at halatang nagmamadali. Maikli ang buhok. Matipunong pangangatawan. Matangkad. Lalaki.

" Tsk di man lang lumingon para magsorry" Napabuntonghininga na lamang ako at tuluyang inayos ang sintas ng sapatos ko pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad.


Nang makarating ako sa hotel ay dali dali akong naglinis ng katawan sa kwarto upang makapagpahinga na. Marami rin akong napuntahan ngayon kaya naman nasulit ko talaga ang araw na ito. Huling gabi ko na pala dito dahil bukas na ang flight ko pabalik ng Manila. Hay, trabaho nanaman. Mamimiss ko ang pagstay ko dito.

Samantala, hating gabi na ay hindi pa rin ako makatulog. Ano ba yan! Nakakainis naman buti nalang at hapon pa ang flight ko kung hindi baka naiwan na ako ng eroplano kapag nalate ako ng gising.

Nakapikit ako nang maalala ko ang lalaking nabunggo ako kanina.

"Sino kaya siya? Hmm, mukha namang pogi yung likod niya...koreano kaya siya? siguro cute siya" sabi ko sa isip ko habang nakangiti sabay hampas sa ulo ko para matauhan.

"Hello, ni hindi nga nagsorry sayo yung tao noh. May papogi pogi ka pa dyang nalalaman!" kumbinsi ko sa aking sarili

Gabing gabi na kung ano ano pang naiisip ko hay nako mabuti pang matulog na lang. Ilang saglit pa ay tuluyan na akong kinain ng dilim at mahimbing na natulog.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Disclaimer: This is purely a work of fiction. All the names, characters, places and events mentioned above are all part of the author's creativity and used only in a fictional way.


Watch out for Chapter 1!


Thanks for reading! Like and Subscribe
-spirited_awaaay

3
$ 0.46
$ 0.46 from @TheRandomRewarder
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago
Topics: Fiction, Love, Dreams

Comments

seoul.. sayang di namin napuntahan ang namsan tower.. foggy kasi

$ 0.01
3 years ago

woooow my dream place!! Huhu badly wanna go there talaga

$ 0.00
3 years ago