Chapter 3
Malaya's POV
Sunday ngayon at syempre kakatapos ko lang magsimba. Nakasuot ako ng pastel dress, flat shoes at may sling bag. Kakauwi ko lang at naglalakad papuntang elevator nang makita kong pasara na ito ay hinarang ko ang kanang kamay ko at huminto ito ng tuluyan.
Nice one. Unti unti itong nagbukas kasabay ng pagtama ng mga mata ko sa lalaking nasa loob nito. Tila ba natulala siya at hindi man lang kumurap kaya naman nagpatay malisya nalang ako at tuluyang pumasok at tumayo sa may gilid.
Naawkward ako sa katahimikan sa loob ng elevator at mukhang walang balak pumindot si kuya mo. Kaya naman humarap ako sa kanya at nagsalita.
"anong floor ka?" nakangiting tanong ko.
Teka sobra ata yung ngiti ko at parang naweirduhan siya sa akin? Grr nagmamagandang loob lang ako noh! Ilang saglit siyang tumitig bago sumagot.
"uhm 21st" aniya sabay iwas ng tingin
Dali dali kong pinindot ang 21st button at tuluyang sumandal sa gilid. Wow same floor huh. Nagpatay malisya nalang ako at hindi na nag isip pa ng kung ano ano.
Pagkabukas ng elevator ay dali dali akong lumabas ngunit laking pagtataka ko nang makitang nakatulala siya. Akala ko ba 21st floor siya? Hindi ko na napigilan ang tawa kaya naman pabiro akong nagsalita para bumawi
"Akala ko may hinihintay ka pang lumabas eh haha" wika ko pagkalabas niya
Hindi siya nagsalita at blanko ang mukha niya pero napangiti siya nang marinig ang sinabi ko. Dahil diyan ay unti unti akong tumalikod at nagsimulang maglakad papunta sa unit ko. Habang naglalakad ako ay naisip ko ang nangyari kanina. Medyo ang weird lang ni kuya kung makatingin. Wait, bakit ang familiar niya? Teka, saan ko nga ba siya nakita? Hmmm..
Nang makapasok ako sa loob ay doon ko lamang napagtanto kung saan ko siya nakita.
*flashback*
Tulak tulak ko ang cart habang tinitignan isa isa ang listahan nang biglang...
*boogsh*
Napatigil ako sabay tingin sa harap ko nang makitang nabangga ko ang lalaki. Nakatalikod siya at nakadikit ang cart ko sa may bandang puwit niya. Wtf nakakahiya ka Malaya!
“omg sorry, sorry talaga hin─”
“tsk, di kasi tumitingin” mahinang sambit niya na may halong inis
*end of flashback*
Nagrecall sa utak ko ang mga nangyari kahapon. Si kuyang nasa grocery! Omg kaya ba ang weird niya kung makatingin? Teka wag mong sabihing taga rito siya sa 21st?! Fck I'm doomed. Okay relax ka lang Malaya. For sure hindi naman siya galit sa'yo diba? Ngumiti pa nga siya eh. Pero...paano kung yung ngiti niya ay ngiti ng pagbabanta? I.am.so.dead.
Ilang minuto akong nagpabalik balik sa paglalakad at iniisip ang mga pangyayari. Nalate pa ako ng kain kakaisip kung paano ako makakalabas nang hindi siya nakakasalubong.
Pinanindigan ko ang hindi paglabas buong araw. Ayoko siyang makasalubong ulit at baka next time ay hindi na ngiti ang iganti niya sa akin. Gabi na rin at kakatapos ko lang maghapunan. Wala akong ginawa buong araw kundi manood ng k-drama at magpasound trip.
Pasado alas diyes na nang dalawin ako ng antok. Maya maya pa ay tuluyan na akong nakatulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Time for work. Unang araw nanaman ng pasok kaya dapat hindi ako malate. Maaga kong inayos ang mga gamit ko bago tuluyang umalis.
Sa ngayon, nagcocommute lang ako pagpasok. Pinag iipunan ko pa kasi ang pagbili ng kotse at nag aaral rin ako magdrive.
Anyway, nakasakay agad ako ng jeep. Tapat kasi ng building highway na kaya hindi na hassle pa magcommute. Wala pang isang oras ay nakarating na ako sa trabaho.
Pagkapasok ko ay sinalubong ako ng pagbati ni manong guard ng magandang umaga. Ang kinatutuwa ko talaga dito, mababait ang mga tao. Kahit na tambak ang mga gawain, kaya naman sipag lang ang kailangan.
Nakaupo ako sa pwesto ko habang nagrereview ng mga documents nang ipatawag kami sa meeting room. Dali dali akong tumayo at nagsipuntahan lahat sa loob.
"Okay so regarding to our team building this year, it will be held in Subic" panimula ng aming Supervisor.
Isa isang nabuhayan ang lahat at nagsimulang mag ingay sa loob.
After ng meeting ay kanya kanya nang isip ang mga kaofficemates ko sa mga oodt nila for nextweek. Buti pa sila excited. Paano naman ako maeexcite sa beach eh hindi ako marunong lumangoy.
Pauwi na ako at naglalakad ako papasok ng building. Mabilis lang naman ang byahe dahil medyo may kalapitan ito kaya hindi masyadong hassle. Nakatayo ako sa harap ng elevator habang hinihintay itong bumukas. Laking gulat ko nang makita ko si Nathan sa loob.
"Oh..kamusta?" aniya pagkalabas
"uy haha ayos naman, ikaw?" nakangiting sagot ko
"uhm I'm good, actually pauwi na"
"pauwi?" nagtatakang tanong ko
"yup, binisita ko lang ung tita ko dito"
"ahh akala ko dito ka rin nagiistay" tugon ko na may halong pagkadismaya
"nope haha sorry hindi ko nasabi last time" pag uumanhin niya
"h-hindi okay lang yon haha uhm uuwi ka na? sige ano uhm ingat-"
"Well yeah, so...see you next time?" tanong niya sabay kamot sa batok
"oo naman" sagot ko sabay kagat sa labi ko
Nagpaalam na ako at tuluyang umakyat. Hanggang sa makapasok ako sa loob ay hindi ko mapigilang ngumiti. Ang bait talaga niya. Sayang hindi pala siya rito nakatira. Wait, what?
Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Mabuti pang makapagluto nalang at para makakain na ako. Mga ilang saglit pa ang lumipas ay biglang bumukas ang pinto.
"SIIIIIIS!!!"
Gulat akong lumingon sa pinto. Kahit kelan ang ingay talaga ng bibig ni Misty. Napailing nalang ako at bagot na sumagot
"bat ang bilis mo naman dumating?" wika ko
"Hay nako sabi ko na nga ba hindi mo ako mamimiss. Bumukod na kaya ako ng condo ano? " nakaismid na tugon niya
"baliw haha syempre namiss kita noh lalo na yang maingay mong bunganga" sarkastikong sagot ko sabay ngiti sa kanya
"anyway, andaming papi sis! Grabe sobrang nag enjoy ako nang bonggang bongga sa outing namin grr sayang nga at wala ka doon" kwento niya habang nag niningning ang mga mata niya
"Ako naman ang mawawala nextweek may team building kami sa Subic. Siguraduhin mong malinis ang condo pagbalik ko ok? Last time kasi naging dilubyo ang buong unit" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Oo na ito naman hindi makamove on last time. Maglilinis na nga ok! Promise pagbalik mo sobrang linis dito basta may pasalubong ako hihi" aniya
Kahit kelan talaga napaka ni Misty. Hindi ko alam pano kami naging magbff. After namin kumain ay maaga akong natulog. May pasok pa rin kinabukasan kaya naman kailangan ko na magpahinga.
*fast forward nextweek*
Santino's POV
Nasa Subic ako ngayon para mag unwind. Lastweek was a hellweek for me. Naging busy ako sa negotiations ko sa mga new clients. Now I deserve some break para makapagrelax naman.
Our resort here in Subic was my safe haven. Everytime naiistress ako or what, this is where I go. Nung iniwan kami ni mommy, dito ako nagstay for a couple of months. Ilang buwan na rin akong hindi nakakabisita dito at nakakamiss ang simoy ng tabing dagat.
Hapon na at naglalakad lakad ako mag isa habang pinakikinggan ang hampas ng mga alon nang may makita akong pamilyar na mukha. Naglakad pa ako ng kaonti upang mas lalong makilala siya.Papalubog na ang araw kaya naman nahirapan akong kilalanin ito.
Tila ba blanko ang kanyang mukha. Nakaupo siya habang nakatingin sa dagat na animo'y malayo ang iniisip. Napatigil ako nang bigla siyang tumayo at lumingon sa kabilang banda. Si grocery girl? Anong ginagawa niya dito?
Unti unti siyang lumakad pabalik dahil mukhang tinatawag na siya ng kanyang mga kasamahan. Tanaw ko siyang habang papalayo. Nakasuot siya ng maikling shorts at nakaoff shoulder top.
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makaalis siya. Napatigil ako nang may matapakan akong isang stick. Teka, dito ung pwesto niya kanina. Natawa ako dahil mukhang sinulat niya ang kanyang pangalan—Malaya at may isa pang pangalan ngunit hindi na masyadong mabasa dahil bahagya itong nabasa ng tubig. Malaya?
Nang gumabi na ay nagdesisyon akong bumalik na sa rest house. Medyo malaki ang rest house na ito dahil maraming kwarto. Katabi naman nito ang resort namin na mukhang tinutuluyan ngayon nila grocery girl. Natatawa nanaman ako dahil naalala ko ang sinulat niya kanina.
Sobrang tahimik ang paligid kaya naman nakatulog ako agad. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa tabing dagat. Nakahiga ako sa buhangin at nakapikit. Wala pa namang tao dahil pasikat palang ang araw. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Payapa.
"Rise and shineee! Goodmorning Subic!!"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang malakas na boses ng isang babae. Aish ang aga aga panira ng umaga. Dahil diyan ay pasimple akong umubo.
Ilang saglit pa ay tumahimik ang paligid. Napadilat ako at nakita sa malayo ang babae. Naningkit ang mata ko nang mapagtanto kung sino ito. Si grocery girl nanaman?
Mag isa lang siya at mukhang kakagising lang. Nakasuot siya ng pantulog na may manipis na shoul sa buong balikat. Tumayo at sinundan siya sa paglalakad.
Nang mapansin niya ang presensiya ko ay unti unti niyang binilisan ang mga hakbang. Gusto kong matawa sa kung paano siya umakto. Kaya naman binilisan ko rin ang paglalakad. Napahinto ako nang bigla siyang tumigil sabay lingon at nagsalita.
"Sinusundan mo ba ko?" wika niya habang nakataray
"Ako? Ba't naman kita susundan?" bagot na sagot ko kahit gusto ko na talagang matawa.
"Eh-h anong g-ginagawa mo d-dito?" nauutal niyang sagot na parang naghahamon ng away
"Ikaw lang ba ang may karapatang maglakad dito?" tanong ko habang nakangisi. Medyo nakakatuwa rin palang asarin siya.
"H-hindi pero basta...diyan ka na nga!" wika niya sabay lakad ng mabilis palayo
Nang makalayo siya ay hindi ko na napigilan pang matawa. Grabe yung mukha niya. Sobrang epic. Parang akala mo nakakita ng multo eh haha. Napapangiti nalang ako habang naglalakad papasok sa loob ng rest house.
"Goodmorning sir. Kay ganda ng ngiti natin diyan ah. Mukhang maganda ang tulog niyo kagabi" wika ni Mang Robert, ang caretaker ng rest house.
"Syempre naman po. Napakaganda pa rin ng dito. Halos walang pinagbago simula nung una." tugon ko
Tanghali naman ng maisipan kong bisitahin ang resort. Sinalubong ako sa resto bar ni Aling Silay, ang katiwala namin dito sa resort.
"Grabe binatang binata ka na talaga Tino. Parang kailan lang nung huli kitang makita." aniya
"Oo nga po. Hindi ko kayo nakita ng ilang taon. Tuwing bibisita naman ako rito ay hindi tayo nagpapang abot" wika ko
"Wag kang mag alala. Hindi naman namin pinapabayaan itong resort. Palaging bilin ko rito sa kanila na alagaan at panatilihing malinis palagi rito. Oo nga pala, walang masyadong tao ngayon dito pero kapag summer naman ay palaging fully booked."
"Alam ko po yun Aling Silay. Kayo pa ba? Eh kayo ang pinaka the best dito" pabiro kong tugon sa kanya
"Naku, ikaw talagang bata ka. Oh siya ikamusta mo ako sa papa mo ha? Aasikasuhin ko lang yung mga ibang customer doon" dagdag niya sabay alis
Napangiti na lamang ako. Kahit kailan talaga wala pa ring nagbago. Masipag pa rin si Aling Silay. Hindi pa man umaalis si mommy ay siya na ang katiwala ni daddy dito.
To be continued...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Disclaimer: This is purely a work of fiction. All the names, characters, places and events mentioned above are all part of the author's creativity and used only in a fictional way.
Watch out for the next chapter!
Thanks for reading! Like and Subscribe ❤
-spirited_awaaay