Wonderwall: Chapter 2

3 34
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago
Topics: Story, Romance, Love, Fiction

Chapter 2


Malaya's POV

Ilang araw ang nakalipas at nakauwi na rin ako sa condo. Last year napagdesisyunan kong kumuha nito dahil malayo ang trabaho ko sa mismong bahay namin. Ang hassle naman kung back and forth ako mula Rizal to Makati.

Yup, sa Makati ako nagtratrabaho. Isa akong internal auditor sa isang accounting firm. Ilang taon na rin ako kaya medyo nakaipon na. Last year lang nang makakuha kami ng bahay sa Rizal. Pangarap ko kasi na mabigyan ng bahay sila mama.

Si papa naman isang OFW ng ilang taon. Simula gradeschool ako, nasa abroad na si papa kaya ngayon na may trabaho na rin ako, pinapauwi ko na siya. Nextweek na nga ang dating ni papa. This year lang kasi ang end of contract niya. Ayaw naman niyang umuwi agad at gusto niyang tapusin nang maayos ang trabaho niya bilang Head Manager ng isang factory sa Japan.

Samantala, nakaupo ako sa couch habang nag iiscroll sa facebook. Nakakapanibago ang katahimikan dito sa condo. Wala naman si Misty kasi may outing sila. Nga pala, college bff ko si Misty slash condomates ngayon. Magkaiba nga lang kami ng trabaho. Marketing head siya at ako naman auditor pero magkalapit lang naman ung building na pinapasukan namin kaya nagdecide kami na kumuha nalang ng iisang condo.

Medyo nagugutom na ako. Pagkabukas ko ng ref ay wala namang laman. Oo nga pala, ilang araw na walang tao rito kaya wala talagang laman ang ref kundi isang pitsel ng tubig. Kaya naman naisipan kong maggrocery nalang.

Pagkadating ko sa grocery ay dali dali akong kumuha ng malaking cart. Marami akong bibilhin pero ayos na iyong magstock ng pagkain sa ref kesa naman bumili araw araw mas magastos. Nilista ko naman ung mga dapat kong bilhin kaya tansya ko ang budget ko sa pamimili.

Tulak tulak ko ang cart habang tinitignan isa isa ang listahan nang biglang...

*boogsh*

Napatigil ako sabay tingin sa harap ko nang makitang nabangga ko ang lalaki. Nakatalikod siya at nakadikit ang cart ko sa may bandang puwit niya. Wtf nakakahiya ka Malaya!
 

omg sorry, sorry talaga hin─

tsk, di kasi tumitingin” mahinang sambit niya na may halong inis
 

Rinig ko ang mahinang pagbulong niya sa sarili. Hindi niya makuhang lumingon dahil abala siya sa pagbabasa ng mga impormasyon sa produktong hawak niya.
 

Buti naman kung ganoon. Tama yan kuya please wag ka ng lumingon pa. Kaya naman agad kong tinulak ang cart palayo sa kanya at hindi na muling lumingon pa.

Wooh that was close. Sa susunod kasi self tingin-tingin din ha.

Nagmadali na akong tapusin ang paggrogrocery. Ilang minuto nalang ay mag aalas dose na ng tanghali. Kailangan ko ng makauwi ang init na sa labas. Mukhang napadami rin ata ako ng pagbili. Buti nalang at may tricycle na sa labasan at hindi na ako mahihirapan pa.

Nalimot ko na kailangan ko palang iakyat lahat ng mga pinamili ko. Sige Malaya iakyat mo lahat yang limang bag. Magdusa ka!

Pagkababa ko sa tricycle ay tinulungan ako ni kuyang driver na ibaba lahat ng pinamili ko. Pagtapos ko magbayad ay humarurot na ang sasakyan. Oh ano pang tinitingin tingin mo diyan, iakyat mo na. :))

Napabuntong hininga ako habang isa isang hinahawakan ang mga bag na pinamili ko. Oo kaya ko ito sus para ito lang eh. Pagkumbinsi ko sa aking sarili sabay buhat sa lahat ng sabay sabay.

Okay hindi ko pala siya kaya. Para akong nanghina sabay bitaw sa lahat. Wala akong choice kundi buhatin isa isa papunta sa elevator.

Nagulat ako nang may bumuhat sa isang bag. Nag angat ako ng tingin at fck ang pogi niya! Teka nakakahiya sa itsura ko. Pawi na pawis ako kahit na kakaligo ko lang kanina. Mukha na siguro akong gusgusin. Ang malas!

Habang nacoconscious ako sa itsura ko ay panay ang buhat niya sa mga pinamili ko.

Tulungan na kita kanina ka pa nahihirapan diyan eh” aniya

Nasa loob kaming dalawa ng elevator. Kanina pa niya ako tinitignan ganun ba kadungis ang mukha ko? Nang bigla siyang magsalita…

Uhm, anong floor ka ba?” tanong niya

Saka ko lamang naalala na hindi ko pa pala napipindot ang button sa gilid. Nakakahiya!

Dali dali kong pinindot ang 21st floor. Partida nakailang pindot pa ko.

Nice we’re on the same floor” aniya sabay ngiti sa akin.

Walang lumalabas na salita sa bibig ko. Kaya napangiti na lamang ako sa kanya. Pagkabukas ng elevator ay dali dali kong kinuha ang mga pinamili ko. Akala ko ay aalis na siya subalit nakita kong bitbit niya ang ilang bag.

“Ako na diyan kaya ko na, andun lang naman sa dulo yung unit ko. Thank you pala sa pagtulong” wika ko sabay akmang kukunin na ang mga bag.

It’s okay, dun din naman ang punta ko” sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Wala na akong nagawa kundi hayaan nalang at pagmasdan siyang maglakad. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Medyo may katangkaran at maganda ang pangangatawan niya. Likod palang ay masasabi mo talagang may itsura ang lalaking ito. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Napatigil siya at humarap sa akin, “lead the way” sabay lahad ng palad niya na parang tinuturo ang daan.

Napangiti ako at naunang maglakad sa kanya. Nang makarating ako sa harap ng pinto ay kinuha ko na ang mga bag.

Thank you, super thank you sa pagtulong. Nakakahiya naman sayo…Malaya pala” nahihiyang sabi ko sa kanya.

I’m Nathan” aniya sabay abot ng kamay niya.

Ngumiti ako at kinamayan siya sabay sabing “Thank you ulet Nathan”.

Napangiti siya at nagsalita “my pleasure to help

Pagkasarado ko ng pinto ay para akong timang at panay ang ngiti. Hindi ko mawari kung kinikilig ako pero ang alam ko lang ay masaya ako na makilala ang tulad niya. Napakabait at kapag ngumiti siya, mas lalo siyang gumagwapo.

 

Santino’s POV

Saturday ngayon kaya naman nagdesisyon ako na maggrocery. Usually hindi ako ang nagrogrocery pero dahil andito si lala, ako na muna ang bahala.

Nakatayo ako dito sa isang stand ng mga pasta comparing the prices and the ingredients based on the labels in the package. Picky ako pagdating sa mga pamimili. At saka knowing lala’s health condition, I wanna make sure na healthy ang mga kakainin niya.

Habang nagbabasa ako ay naramdaman ko ang malakas na pagdikit ng cart sa may puwit ko. Wtf can’t you see me? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo?

Tanaw ko sa peripheral vision ko ang pagkagulat niya. I don’t have time for you. Abala ako sa pagbabasa para lingunin pa siya.

omg sorry, sorry talaga hin─

tsk, di kasi tumitingin” putol ko sa kanya. Hindi ko alam kung narinig ba niya dahil mahina lamang ang pagkakasabi ko ewan wala naman akong pake.

Hindi na siya ulit nagsalita pa at nagmamadaling inilayo sa akin ang cart niya. Gusto kong matawa kung paano siya nahirapang itulak papalayo ang cart. Nakayuko siya na para bang nahiihiya at dali daling binibilisan ang paglalakad.

Pagkatapos ng ilang oras ay palabas na rin ako ng grocery. Napahinto ako nang makita ang pamilyar na babae habang tulak tulak ang cart papunta sa isang tricycle. Teka, siya ung babaeng hindi tumitingin sa daan kanina.

Nagulat ako ng bigla siyang napalingon sa direksyon ko ngunit hindi niya napansin ang pagtitig ko sa kanya. Pawis na pawis siya sa dami ng bag na pinamili niya. Bakit ka kasi mamimili ng marami kung mag isa ka lang? Napailing nalang ako at nagsimulang maglakad papunta sa kotse.

Tanaw ko sa side mirror ang pwesto niya. Nakita ko siyang ngumiti sa driver bago tuluyang sumakay. Tila ba nagreplay sa utak ko ang mukha niya nang matitigan ko ito. Awtomatikong napangiti ako at umiling saka umalis.

Lala I’m home” wika ko habang papasok sa pinto.

Mi Nieto (my grandson), ni hindi mo man lang ako isinama.” aniya habang papalapit sa akin at nakaismid.

Lala saglit lang naman ako. Look I bought some fruits and pastas” tugon ko

Ohh nice. Pero kahit na gusto kitang samahan maggrocery. Sana ginising mo nalang ako” nakaismid pa ring tugon niya habang nakahalukipkip

Napangiti ako “Okay okay I will, next time okay?” wika ko sa malambing na tono habang nakatingin sa kanya.

Gabi na at kakatapos ko lang magshower. I had fun with lala. As always, pinagluto ko siya ng dinner. I know she badly missed me. Ilang taon na rin akong hindi nakakabisita sa states kaya naman ngayon ko nalang ulit siya nakasama.

Patulog na ako but fcked I can’t sleep. Maya maya sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Her eyes. I don’t know why but there’s something in her eyes. It bothers me.

Kinaumagahan ay maaga akong bumangon para magjogging. I do this every weekend with my dog─pakku. He’s a good boy and friendly too.

Pagkatapos magjog nagdesisyon ako na bumisita sa friend ko. May small party sa condo at nagkayayaan ang barkada. Nasa parking lot area ako at pababa na ng sasakyan. Naglalakad ako papuntang elevator, pagkabukas ay agad akong pumasok at pinindot ang close button. Pasara na ito nang biglang may kamay na humarang kaya naman nagbukas ulit ito.

Nagtama ang mga mata namin sa isa’t isa. Fck, si grocery girl. Hindi ako makagalaw. May kung anong dalang hiwaga ang tingin niya at hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya. Nag angat siya ng tingin sa akin.

anong floor ka?” nakangiting tanong niya. Kita ko ang paglitaw ng dimples niya sa kaliwang pisngi.

Ilang saglit akong napatitig sa kanya bago tuluyang nagsalita.

uhm 21st” sagot ko sabay iwas ng tingin

Walang ano ano’y pinindot niya ang 21st button at sumandal sa gilid. Nagtataka akong patingin tingin sa button at sa kanya. Ahh same floor pala kami.

Nasa bandang likod ako kaya naman tanaw ko ang likod na bahagi ng katawan niya. Nakatali ng ribbon ang bagsak na buhok niyang may kahabaan. Tama lang ang pangangatawan at medyo maputi. Nakasuot siya ng pastel dress na bumagay sa hubog ng katawan niya. Maganda pala siya sa malapitan. Wait, what?

Hindi ko namalayan na bumukas na pala ang elevator at nasa labas na siya. Nakatayo siya at nakatingin sa akin na para bang hinihintay ako. Natauhan ako ng maalala kong dito rin pala ang punta ko. Dali dali akong lumabas at umaktong parang wala lang ang nangyari.

Bahagya siyang natawa at nagsalita.

Akala ko may hinihintay ka pang lumabas eh haha” aniya

Hindi ako nakasagot. Awtomatikong napangiti ako nang marinig ang tawa niya. Unti unti siyang tumalikod at naglakad papalayo. Natauhan nalang ako nang mamataang tumigil siya sa pinakadulong pinto at pumasok sa loob. Saka ko lamang naisip na hindi ko natanong ang pangalan niya. Sayang.

Naglakad ako papunta sa unit ni Cal sa kabilang dulo. Akmang kakatok palang ako nang biglang bumukas ang pinto.

Yo! Santino mah brother” aniya

wala ka pa ring pinagbago Caliver Grimaldi” bagot na sagot ko.

kapag namimiss mo talaga ako tinatawag mo ang buong pangalan ko haha” wika niya sabay tawa

You wish” sagot ko sabay pasok sa loob

Bro, how’s Korea?” tanong ni Tob

Dude I told I wanna come. Hindi mo ako hinintay! Di sana andami kong nauwing chix” panghihinayang ni Vance

Tumayo si Magnus sabay tapik sa balikat ko at akmang papunta sa pinto.

Oy san ka?” pigil ko

drinks” ang tanging sagot niya. As usual, sanay na kami. Bihira lang magsalita ng mahaba si Magnus. Kapag nalalasing lang.

Alright, sama ako. Catch up mamaya” sabat ni Macky at tinapik ang balikat ko saka tuluyang umalis.

Makalipas ang ilang oras ay puno na ng tawanan at kwentuhan ang buong kwarto. Medyo may tama na kaming lahat. Ang daldal na rin ni Magnus. Sabi na eh.

Alas diyes na pasado at napagpasiyahan ko na umuwi na. Pagkalabas ko ng pinto ay napatingin ako sa gawing kabila. Tanaw ko ang pinakadulong bahagi kung saan ko siya huling nakita. Napangisi nalang ako nang maalala ko ang sinabi niya at tuluyang umalis.

To be continued....

"Her eyes are the most wonderful thing I've ever seen" he said to himself .




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Disclaimer: This is purely a work of fiction. All the names, characters, places and events mentioned above are all part of the author's creativity and used only in a fictional way.

Watch out for the next chapter!


Thanks for reading! Like and Subscribe
-spirited_awaaay




3
$ 2.84
$ 2.84 from @TheRandomRewarder
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago
Topics: Story, Romance, Love, Fiction

Comments

Thank u so much👍

$ 0.00
3 years ago

Ang cute ng story tlaga .. mukhang maiinlove si nathan agad ehehhe...abangan ko next episode hehehe

$ 0.05
3 years ago

Keep up the good work 😊

$ 0.01
3 years ago