Wonderwall: Chapter 1

10 32
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago
Topics: Story, Romance, Love, Fiction

*Author's Note: Read the Prologue first ^^

Chapter 1

Santino's POV

"Oh sh*t" napamura ako nang mapagtanto kong naiwan ko ang files sa hotel. That was my last hope. Nasa loob ng flash drive ang mga files na kailangan ko para sa opening ng business venture ko. I can't afford to lose that.

Sa sobrang kalasingan ko kagabi sa party ay hindi ko namalayan kung paano ako nakabalik sa hotel. I'm all alone so I had no choice but to go back since bakante ang posisyon ng secretary ko, wala akong mautusan ngayon. Just great.

Tumatakbo ako ngayon pabalik nang may mabunggo akong babae ngunit hindi na ako nagdalawang isip na lumingon pa.

"Aray!" mahinang pagkakasabi niya

Hindi ko nakita ang mukha ng babae dahil nakatungo ito at akmang aayusin ang sintas ng sapatos niya. Bakit kasi sa gitna pa mag aayos kung pwede namang sa tabi? Dinig ko ang boses niyang may halong galit at inis.

"Pasensiya na miss pero sadyang nagmamadali lang talaga ako" bulong ko sa aking sarili

Nang makarating ako sa hotel ay sinalubong ako ng mga staff at agad na ipinaliwanag sa kanila na may importante akong naiwan sa kwarto. Dali dali akong umakyat at hinanap ang flash drive.

"Found it" napangiti ako ng mahawakan ko ito

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa airport para sa flight ko pabalik ng Manila.

--fast forward--

"Back to reality" sabi ko sa sarili at napabuntong hininga habang nakatitig sa harap ng bahay namin.

"mi nieto! (my grandson) namiss kita santino hijo" nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin pagbukas ko ng pinto. Kelan pa dumating si lala?

"Lala when did you arrived?" tanong ko kay lala sabay yakap pabalik.

"When you're in korea pa. I was disappointed akala ko pa man din ay susunduin mo ako pagdating ko" sagot niya na may halong pagtatampo

"Oh I'm sorry I forgot na dadating ka nga pala. Besides, I had an important meeting there with our new clients. You mad?" tanong ko na may halong paglalambing.

"I'm not as long as you'll gonna cook for me. Namiss ko ang special recipe mo—Baked lasagna. Alam mo naman sa states na I can't eat my favorites. Bantay sarado ako ng lolo mo" tugon niya

Bahagya akong napatawa sa pagdadahilan ni lala at sumagot "okay lala I will, I got you"

Pagsapit ng hapon ay ipinagluto ko si lala ng paborito niyang lasagna. Nakakamiss ang ganitong setup namin sa states. Nagkukwentuhan kami at nagtatawanan sa mesa.

"The best! Ikaw talaga ang nagmana sa mama mo pagdating sa pagluluto" sambit ni lala habang nilalasap ang pagkaing niluto ko.

"I-I'll go upstairs na la. Pahinga kana pagtapos mo kumain okay? I have to do something pa" sambit ko at akmang tatayo na nang pigilan niya ako.

"Hindi pa rin ba kayo okay?" tanong niya

"Lala..." tugon ko habang nakatingin sa kanya

"Okay, sige na magpahinga kana hijo" sagot niya habang kumakain


Naglakad ako paakyat ng hagdan at nagtungo na sa aking kwarto. Hindi ko alam pero nawalan ako ng gana nang mabanggit ni lala ang bagay na iyon.

Isang dekada na ang nakalilipas ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari.

*flashback*
(10 years ago)

"mommy?...anong nangyayari?" tanong ko habang paakyat ng hagdan. Nag aaway sila mommy at daddy at nakita kong palakad lakad si mommy sa loob ng kwarto.

"Talia please..." sambit ni daddy habang nagmamakaawa kay mommy. Pareho silang umiiyak at masakit sa parte ko ang makita iyon.

"Let's end this Theo. Pagod na ako. " sabi ni mommy habang hinihila ang maleta palabas ng kwarto.

"No, walang aalis sa bahay na ito! Hindi ka aalis Talia. Walang aalis!" pigil ni daddy

"Bitiwan mo ako! Ayoko na. Ni hindi mo nga kami mabigyan ng oras! Puro nalang kompanya ang inaatupag mo-"

"Yun ba talaga ang dahilan kaya ka aalis?" malamig na tugon ni daddy

"A-ano pa b-bang dahilan-"

"Alam ko Talia. Alam ko lahat. Pano si Santino? Pano kami ng anak mo?" dugtong ni daddy

"Hindi na kita mahal!" gulat na gulat ako nang marinig ko ang sinabi ni mommy. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pinto.

"mommy..." putol ko sa kanilang dalawa

"anak, ka-kanina ka p-pa ba dyan?" nauutal na sabi ni mommy

Nakatingin ako ng diretso sa kanyang mga mata at biglang sinabi "hindi mo na kami mahal"

Padabog ako tumakbo papuntang kwarto at nilock ang pinto. Narinig ko ang pagsunod niya ngunit hindi na ako nag abalang pakinggan pa ito. Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagbukas ng gate kasabay ang paglabas ng kotse.

Buong gabi akong umiyak hangga't sa makatulog. Ni hindi ko nasabi na mataas ang mga puntos ko sa exams. Iyon na ata ang pinakamalungkot na araw para sa akin.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko na muling nasilayan pa si mommy. Tuluyan na niya kaming iniwan. 15 years old ako ng umalis siya. Simula noon ay wala na rin kaming naging balita sa tungkol sa kanya. Ang pagkakaalam ko lang ay lumipad siya pabalik ng Europa.

*end of flashback*


Malaya's POV

"Mamaaaaaa" sigaw ko habang hila hila ang mga maletang dala dala ko. Hay nako akala ko pa man din kasi susunduin nila ako pagkauwi ko. Ang bigat bigat kaya ng mga ito. Kung gaano kakonti ang mga bitbit ko pagpunta ay siyang dami naman ng bagahe ko pag uwi.

Pagkabukas ko sa pinto ay agad na nagsitakbuhan papalapit sa akin ang kapatid at pinsan ko sabay sigaw "ateeee!! asan yung pasalubong ko?" "eh yung akin ate?" dagdag nung isa.

"Teka nga! Hindi niyo man lang ba ako kakamustahin?" sambit ko sa kanila habang isa isang tinatanggal ang mga gamit ko.

"Ihh ate naman eh! Alam naman namin na nag enjoy ka doon noh. Mas nakakaexcite kaya yung mga pasalubong hihi" nangingiting sabi ng kapatid kong si Melody at pinsan naming si Naia.

"Hay nako Melody. Adik na adik talaga kayo sa mga idolo niyo ano? Andiyan yung album sa black na maleta" sabi ko sa kanila. Alam ko namang ilang araw na hindi nakatulog yang dalawa nung sinabi kong bibilhan ko sila ng album ng idolo nila sa korea.

"Mama?...teka asan si mama?" tanong ko sa kanila.

"Ah ano ate, nagdeliver nung mga siomai orders. Kanina pa sila umalis padating na rin siguro yon." sagot ni Melody.

"Ah okay sige maghahalf bath muna ako" Dali dali akong pumunta ng kwarto upang makapag ayos ng mga gamit at maglinis ng katawan.

Pagkalabas ko ay dumating na rin sila mama at nagsimula na kaming kumain ng hapunan.

"Nak kamusta ang byahe?" tanong ni mama sa akin.

"Okay lang ma, super nag enjoy ako. Bitin nga yung pamamasyal eh pero next time kasama ko na kayo ha" ngiting sabi ko kina mama.

"Oo naman. Biglaan naman kasi yung alis mo at tsaka madami pang aasikasuhin na mga orders. Sayang naman kung hindi natin tatanggapin. Oh siya, babalik ka na ba sa condo mo bukas?"

"Uhm siguro ma? Hindi pa ko sigurado kung babalik na ako. Baka magstay muna ako rito ng ilang araw. Hmp namiss ko kaya kayo" tugon ko sabay yakap kay mama.

"Hay nako parang ayaw mo na nga umuwi nung nagvivideo call tayo eh" natatawang sabi ni mama

"Oo nga masyadong naamazed si ate" sambit naman ni Naia

"Syempre noh kakaiba pala kasi talaga yung feeling na makarating ka sa dream place mo. Haaay." sabi ko habang inaalala ang mga nangyari.

Speaking of nangyari, naalala ko rin yung lalaking bumunggo sa akin! Napakaepal talaga. Hindi ko alam pero kumukulo talaga ang dugo ko tuwing naaalala ko ang mokong na iyon! Teka, bat ko ba siya naaalala? Yuck, no!

"Ate, huy ate!" putol sa akin ng kapatid ko

"H-ha?" nauutal na sabi ko

"teh anyare sa'yo? nakanganga ka pa diyan. Hindi ka ba makamove on sa korea? Andito ka na sa Pilipinas baka nakakalimutan mo haha" pang aasar sa'kin ng kapatid ko.

"Baliw may naalala lang ako noh diyan ka na nga" tumayo na ako at iniligpit ang pinagkainan ko.

Nakakatuwang pagmasdan sila mama na naaaliw sa mga pasalubong ko. Ganito pala ang pakiramdam na makitang napapasaya mo ang mga mahal mo sa buhay.

Hindi namin namalayan ang oras at maghahating gabi na pala.

"Oh tama na yan. May bukas pa. Anong oras na pala oh. Hala, matulog na tayo at bukas niyo nalang ituloy ang pagbubukas ng mga pasalubong diyan." sambit ni mama habang papasok sa kwarto.

"Goodnight everyone. Oh matulog na daw anong oras na. Iligpit niyo na yan ha" sabi ko kina Melody habang papasok rin ng kwarto ko.

Humihikab ako habang papahiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Medyo nakakapagod rin pala ang byahe kahit ilang oras lang.

Mga ilang saglit pa, hindi ko namalayan na nakatulog na rin ako. Sobrang nakakapagod pero nakakatuwa rin ang araw na ito.



To be continued...


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Disclaimer: This is purely a work of fiction. All the names, characters, places and events mentioned above are all part of the author's creativity and used only in a fictional way.


Prologue: https://read.cash/@spirited_awaaay/wonderwall-prologue-cbf3986d


Thanks for reading! Like and Subscribe
-spirited_awaaay

2
$ 3.00
$ 3.00 from @TheRandomRewarder
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago
Topics: Story, Romance, Love, Fiction

Comments

Cge iponon ko nlang muna bago ko ilipat

$ 0.00
3 years ago

Hehehe ok po sory girl ka din pala...

$ 0.00
3 years ago

Hi sir pano po mapunta sa bitcoin wallet ko ung binigay nyo po...

$ 0.00
3 years ago

babae po ako 😂

$ 0.00
3 years ago

Wow ganda po ng kwento kahit isa palang nabbsa ko to be continue pa ...pwd palang magsulat dto hehehe thank u so much nag ka idea ako..

$ 0.05
3 years ago

yay! Opo pwede naman. Marami rin kasi akong nakikitang ganon. Welcomee! ❤️

$ 0.00
3 years ago

Thank u so much sa konting biyaya.. kaso dko alam pano un mapunta po sa bitcoin wallet ko po

$ 0.00
3 years ago

dun sa gilid sa taas hanapin mo ung send money, click mo yon tas lagay mo wallet address mo para masend ung bch 😊

$ 0.00
3 years ago

Any amount pwd sir or may minimum po ... Ksi unsufficient daw po heheh pasenxa na po bago lang dto

$ 0.00
3 years ago

idk lang kung may min pero kung ayaw, ipunin mo muna mabilis lang naman pumasok sa wallet haha

$ 0.00
3 years ago