Soulmate II

0 21
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago

(This is the continuation of Soulmate I)


Lumipas ang ilang taon ay nakagraduate na rin ako. Nakapagtapos ako ng kursong BS Accountancy at nakapasa ng board exam. Sobrang saya ko sa mga panahong iyon pakiramdam ko ay unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ko sa buhay. Dalawang taon na pala simula nang mangyari ang mga bagay na iyon. At ngayon, nagkayayaan ang mga batchmates ko na magkaroon ng salu-salo. Natuwa naman ako dahil tiyak na magkikita kami ng mga kaibigan ko roon.

Ilang araw pa ang nakalipas ay dumating na ang pinakahihintay ko. Nakasuot ako ng simpleng formal dress at nakatayo rito sa may lobby. Katext ko pa ang mga kaibigan ko dahil mukhang napaaga ata ang dating ko. Wala pa ako masyadong kakilala kaya naman medyo nahihiya ako. Hindi pa naman nagsisimula ang party kaya't may oras pa akong natitira. Nang makarating ang mga kaibigan ko ay nagsimula kaming mag-ingay. Nakakatuwa dahil parang walang pinagbago sa amin. Ganun pa rin ang turingan sa isa't isa kahit ilang taon na ang lumipas.

Pagkatapos ng kainan ay nagsimula na ang pagtugtog ng malalaking speaker. Halos lahat ay nasa gitna na nagmistulang dance floor. Samantala, nakaupo lamang ako sa table namin dahil hindi naman ako mahilig sumayaw. Niyaya nila ako ngunit umayaw ako. Medyo kj pero hindi talaga ako sumasayaw lalo na sa harap ng maraming tao. Ilang minuto pa ang lumipas at napalitan ang masisiglang tugtog ng kalmadong tema hudyat na simula na ang slow dance.

Napalingon ako sa buong paligid. Kita ko ang pagyaya ng mga lalaki at babae sa isa't isa. Kanya-kanyang alok ang ginawa nila kaya naman napangiti ako. Napatitig kami ng mga kaibigan ko sa isa't isa sabay tawa. Natawa kami dahil halos lahat kami ay single pa rin hanggang ngayon. Nagtatawanan kami nang biglang napatigil sila sa pagtawa at nakatingin sa akin. Teka anong meron? Napatingin ako sa gilid habang nagtataka sa palad na nakalahad. Unti-unting umangat ang tingin ko at naestatwa ako nang makita kung kanino ang kamay na iyon.


"Carl..."  ang tanging nabigkas ko

Gulat na gulat ako at ilang minuto pa kaming nagtitigan. Hindi ko namalayan ang paglagay ko ng kamay sa palad niya. Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad papunta sa gitna kasama siya.


(starts playing the music)



Nagsimulang tumutugtog ang kanta. Hindi ko alam pero parang biglang naglaho lahat ng mga tao sa paligid namin na para bang kami lang ang tao sa gitna. Pinatong niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya. Dahan dahan niyang hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Medyo nailang ako pero naibsan rin naman nang magsalita siya.

"kumusta ka?"  tanong niya habang nakatitig sa akin

"okay lang naman...ikaw?" tanong ko pabalik

"okay lang din"

Hindi na ako sumagot at napatango nalang. Napaiwas ako ng tingin nang maramdamang nakatitig siya sa akin at parang naghihintay sa susunod kong sasabihin. Nang mahalata niya ang pagkailang ko ay napangisi siya at mas lalong inilapit ang bewang ko dahilan para tuluyan akong mapatingin sa kanya.

Kakaiba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Malalim na may halong pagsilay ng mga ngiti niya. Hindi ko mabasa kung anong nasa isipan niya. At sa mga oras na iyon ay rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Parang may kung ano sa loob na gustong kumawala.

Habang nagpapatuloy sa pagsasayaw ay unti-unti rin ang paglapit ng mukha niya sa akin. Medyo may katangkaran siya sa akin pero dahil nakasuot ako ng sapatos na may takong ay halos magkalebel ang aming mga labi. Sa pagkakataong iyon ay mas lalo kong natitigan ang kanyang mukha. Mas gumwapo siya lalo. Para bang may magneto ang kanyang mata na hindi ko magawang ibaling ang tingin ko sa ibang direksyon. Kasabay ng pagtitig ng dalisay niyang mga mata ay nagsalita siya.

"Namiss kita..."  aniya habang patuloy pa rin ang pagtitig sa akin

"-hindi mo ba ako namiss?" dagdag niya

Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin alam kung ano nga ba ang dapat kong isagot. Nakatingin siya habang hinihintay ang sasabihin ko nang bigla kong matapakan ang paa niya.

"so-sorry"  wika ko sabay iwas ng tingin

Nakaaircon ang buong venue kaya malamig pero heto ako at pinagpapawisan. Ano bang nangyayari sa'yo  Maya umayos ka nga.

"it's okay, hindi naman kita pipiliting sagutin yung tanong ko"

Nag iwas siya ng tingin sa akin. Nakonsensiya ako sa hindi pagsagot. Napaisip rin ako. Alam ko naman sa sarili ko ang gusto kong isagot ngunit napangunahan ako ng takot at hiya.

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw at saka ko lamang napansin na kami nalang pala ang nasa gitna. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin. Nabaling ang tingin ko sa kanya. Ni hindi ko man lang nakitang lumingon sa iba ang mga mata niya. Ang mga titig niya ay para bang may gustong ipahiwatig.


"Gusto kita" 


Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha. Ultimo ako nagulat rin sa nasabi ko. Para bang naestatwa ako.

"a-anong s-sabi mo?"  aniya


Napayuko ako, hindi ko kayang ulitin ang sinabi ko. Bakit ko ba kasi nasabi iyon?


Mabuti na lamang ay natapos na ang kanta at hudyat na tapos na rin ang sayaw. Tumalikod ako sa kanya at tuluyang naglakad pabalik ng table. Halatang nagulat rin ang mga kaibigan ko dahil tanging mga tinginan lang ang naging reaksyon nila. Para bang gusto nila akong tanungin kung anong nangyari.

Tuluyang natapos ang gabi. Oras na para umuwi. Hindi ko na muling nakita si Carl. Ayokong makita siya at wala rin naman akong balak kausapin siya.


Ilang buwan ang lumipas matapos mangyari ang gathering. Pagkatapos ng party ay naging busy rin ako sa trabaho kaya naman ngayon ay nandito ako sa Japan for my one week break. Ako lang mag-isa dahil busy naman si mama sa negosyo.

Nakatayo ako rito sa train station sa Fukuoka na galing Tokyo. Ilang saglit pa ay dumating na ang train at nagbukas ito. Laking gulat ko nang makita ang lalaking lumabas sa pinto. Nagkatinginan kami. Hindi ko inakalang makikita ko siya rito.

Naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagyakap niya sa akin. Wala na akong nagawa kundi yakapin siya pabalik. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"akala ko hindi na kita makikita" bungad niya

"ako rin-"

Napahinto ako nang bigla niya akong niyakap. Wala na akong nagawa kundi yumakap pabalik. Para bang may sariling utak ang katawan ko at hindi ko na napigilan pa.


Andito kami ngayon sa hotel na pinagcheck-in namin. Natayo kami sa may balcony at pinagmamasdan ang ganda ng buong paligid.

"ano nga ulit yung sinabi mo last time dun sa party?" tanong niya

"kunwari ka pa eh narinig mo naman kaya" pagtataray ko sa kanya

Napatawa siya ng mahinhin.


Limang buwan ang nakalipas nang manligaw si Carl sa akin. Feeling ko naman sapat na iyon. Alam ko namang matagal na siyang naghihintay. Sinakto ko na birthday niya ngayon.

"Hi!" bungad niya sa akin habang nakasandal sa kotse niya sa labas. Sinundo niya ako dito sa bahay dahil magdidinner kami sa labas.

"kanina ka pa ba?" tanong ko

"nope, just on time..let's go?"  aniya

Nang matapos kami kumain ay naglakad lakad kami sa may seaside. Napatigil ako sa paglalakad kaya naman napatingin siya sa akin.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya sa akin

"sinasagot na kita"  wika ko habang diretsong nakatingin sa kanya

"s-seryoso ba?"

"yup"

"so..tayo na?"

"oo nga haha"  natatawang sagot ko sa kanya

Napatalon siya sa tuwa at niyakap ako. Kita ko ang galak sa kanyang mga mata.

"I love you baby" wika niya at hinalikan ako sa noo

"I love you too"



-END-

0
$ 0.00
Avatar for spirited_awaaay
3 years ago

Comments