Underground River

0 8
Avatar for sirmagz32
4 years ago

Isa ito sa mga hindi namin makakalimutang bakasyon last year. Dahil stay at home tayo ngayon, throwback pic na lang tayo sa mga nakaraang mga summer vacation.

Hindi namin inaakalang makapunta kami ng Palawan last year ng aking asawa. Buti na lang may promo ang Cebu Pacific galing Cebu to Puerto, Princesa. Sa halagang 1,500 pesos each lang ang aming nabayaran. Parating may byahe ang mga airlines like PAL, Cebu Pac at Air Asia papuntang Palawan. May mga turista kang makakasabay sa eroplano dahil sa angking ganda ng isla ng Palawan.

Isa sa napuntahan namin ang Underground River. Sumakay kami ng bangka papasok sa looban ng kweba. May tour guide naman na kasama namin at dapat hindi ka maingay at masyadong malikot pag nasa loob ka na. Mapapa wow ka na lang sa makikitang stalactites at stalagmites na nasa loob. Ito ay may kanyang hugis at kinang na kahit madilim, malamig mong mararamdaman ang kanilang angking kagandahan. Tunay ngang kaaya aya ang Underground River na isa sa mga Wonders ng Ating Mundo.

Kayo ano po ba ang summer vacation na hindi nyo makakalimutan? Tara at tayo'y maglakbay sa Pinas.

2
$ 0.00
Sponsors of sirmagz32
empty
empty
empty

Comments