Magandang umaga kapamilya at mga kapuso. Share ko lang ang travel experience namin ng asawa ko sa pinagmamalaki nating Underground River na matatagpuan sa Sabang, Puerto Princesa Subterranean River National Park.
Ito yong daanan sa loob ng Underground River na parang kuweba. Maraming mga turista ang kasabay naming pumunta dito dahil alam naman natin na ang Underground River ng Puerto Princesa ay isa sa mga 7 New Wonders of Nature. Opo tunay ngang kamangha mangha ang ganda sa loob ng Underground River. Galing Puerto Princesa sumakay kami ng rented van papuntang Sabang port. Sa Sabang, may mga nag aabang na mga aarkilang bangka papuntang Underground River.
Kasama na sa bayad namin ang mga kagamitan tulad ng life jacket at helmet. Ang helmet ay proteksyon sa aming ulo upang hindi kami mabasa sa ulo sa mga tubig na pumapatak galing sa taas at mga dumi ng mga paniki na nasa loob. Yong nagsasagwan ng bangka, sila na rin mismo tour guide namin sa loob ng Underground River. Dapat tahimik ka lang pagdating sa loob dahil napakadilim at napakalamig. Tanging flashlights lang ng mga bangkero ang nagsisilbing ilaw sa looban.
Ibat ibang hugis ng mga bato ang makikita mo sa loob o tinatawag natin sa Ingles na Stalactites at Stalagmites. Ang Stalactities ung hugis na nabubuo sa ibabaw at stalagmites naman sa ibaba. Mapapa wow ka na lang na pag makita mo na ang mga hugis nito sa loob. Dapat lang ang Underground River ay mapasama sa New Wonder of Nature.